Debutante Ynna Asistio explains why she chose Mark Herras to be her escort and last dance

IMAGE 0


"Basta ako, gusto ko lang na masaya ako, kami ni Mark. At saka wala naman siyang sinasabi. Hindi ko masasabing nanliligaw na siya sa akin," says Ynna Asistio about Mark Herras.


Nataong noong Biyernes, September 25, ang date ng debut party ni Ynna Asistio na ginanap sa Tektite Auditorium sa Ortigas Center. Nag-uumpisa nang bumagsak ang ulan nang gabing 'yon, senyales ng paparating na bagyong Ondoy sa Metro Manila.

Pero nairaos ang nabanggit na pagdiriwang para sa 18th birthday ni Ynna. Hindi alam ng marami ang napipintong tindi ng kalamidad na padating na nang mga sandaling 'yon.

Ang pinag-usapan nang gabing 'yon ay ang pagiging escort ni Mark Herras kay Ynna. Maging sa 18 roses, si Mark ang last dance niya.

Inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ynna kung bakit si Mark ang naging escort at last dance niya.

"Si Mark kasi ang pinaka-close na guy sa akin," paliwanag ng debutante. "Ke showbiz or out of showbiz, kaya naisip ni Mommy [Nadia Montenegro], siya na lang, kesa maghanap pa ng iba. At saka madaling pakiusapan si Mark, e. Nag-cotillion kami dahil nakapag-practice kami. Nag-decide kami na si Mark na lang, at wala kaming naging problema para pakiusapan siya.

"May mga nag-iisip na kami na nga raw, pero hindi, e. At saka si Daddy [former Caloocan City Mayor Boy Asistio], ayaw muna niyang mag-boyfriend ako. Siguro, ngayong 18 na ako, okey na rin naman. Pero ako talaga ang may ayaw pa. Okey lang naman daw na may manligaw sa akin. Wala pa namang opisyal na ganoon, na magpapaligaw na ako, and all that.

"Basta ako, gusto ko lang na masaya ako, kami ni Mark. At saka wala naman siyang sinasabi. Hindi ko masasabing nanliligaw na siya sa akin."

Proud lang si Ynna na kahit dumating na siya ng 18, wala pa rin nga siyang boyfriend.

"Mas okay kasi sa akin na mag-concentrate ako sa studies. I'm taking up Masscom at Centro Escolar University. At bumabalik ako sa GMA-7, di ba? Gusto kong mag-focus din sa showbiz career ko, kaya hindi ako dapat magmadali sa pagla-lovelife," sabi ni Ynna, na pumirma ng exclusive contract sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman na-shock si Ynna nang sa 18 Treasures ng party niya, ay nagsalita ang manager niyang si Annabelle Rama at binigyan siya ng babalang huwag na munang magpapabuntis, habang katabi niya si Mark that night.

"Natawa ako! Sanay na ako kay Tita Annabelle. Siya naman ang manager ko, e. At saka laging 'yan ang ipinapaalala niya sa akin. Pero imposible naman kasing mangyari na basta na lang ako magpapabuntis!

"Natawa rin si Mark, e. Malabong mangyari agad ang ganun. Hindi namin pinag-usapan ni Mark yun. Nakatingin lang kasi si Tita Annabelle sa kanya, kaya funny talaga yung nangyari!" natatawang sabi ng dalaga.

Napagdiskitahan lang si Mark that night dahil ito kasi ang naging escort niya, at bukod-tanging very visible na kasa-kasama ni Ynna nang mga sandaling nagdiwang siya ng kanyang debut.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN