Dingdong Dantes begins autograph signing for his bookazine

IMAGE 0


"Because I believe, I still have more to do for me to do a biography. At this point and at this stage, I think I shouldn't do that first. Marami pa akong gustong gawin, marami pa akong kailangang gawin," replies Dingdong Dantes when asked why he came out with a bookazine instead of a biography.


Medyo long-delayed na ang book signing ni Dingdong Dantes para sa kanyang bookazine—ang YES Life Stories: Dingdong ng Summit Media. The bookazine features the actor's dreams, realities, and fantasies.

Lumipas na halos ang isang buwan bago nagkaroon ng pagkakataon si Dingdong na makakuha ng schedules for a series of book-signing activities na nagsimula kahapon, October 11, sa National Bookstore sa TriNoMa Mall sa Quezon City.

Ang bookazine ni Dingdong ay hindi isang biography, na ipinaliwanag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na nag-cover ng kanyang book signing.

"It is more of a compilation of how I was raised. Bakit ako ganito? Mga tipong ganoong klase ng information. This is not a biography. Hindi siya yung isang bagay na compilation ng mga ginawa ko from the start until now. This information only covers certain time, certain highlights, hindi ibig sabihin na lahat na," paglilinaw ni Dingdong.

Bakit nga ba hindi autobiography ang ipinagawa niya?

"Because I believe, I still have more to do for me to do a biography. At this point and at this stage, I think I shouldn't do that first. Marami pa akong gustong gawin, marami pa akong kailangang gawin.

"I know there's still more room for improvement. More things to come at gusto ko, kapag gumawa ako ng autobiography, na-attain ko na ang lahat ng kailangan kong gawin. At alam ko na papunta pa lang ako dun," sagot ng aktor.

Bukod sa ilang facts na nakasaad sa bookazine, ang mga pictorial na makikita rito ay talaga namang must-see and must-have, lalo na para sa mga sumusuporta kay Dingdong sa simula pa lang. Halos lahat ng concept ng pictorial niya ay maganda. But when we asked Dingdong about it, he said na ang vampire pictorial daw niya with Jay Tablante ang isa sa pinaka-nagustuhan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang favorite ko yung vampire photo shoot. But of course, yung ranch shot, pati yung kay Raymond Lontok na Jesus Christ. Yung vampire kasi, bata pa lang ako, pinangarap ko na 'yan. Meron tayong tinatawag na recurring dream, e. Kahit gaano ka kabata hanggang paglaki mo, palagi mong napapanaginipan," lahad ni Dingdong.

Bakit hindi si Marian Rivera ang naisip niyang maging ka-partner sa vampire photo shoot?

"E, siyempre, hindi ko naman siya papayagan sa ganoong shoot," nakangiting sabi ni Dingdong. "Siyempre, may call ako because it's my bookazine. Pero kung sarili niyang photo shoot, hindi ko na call yun. E, nandito ako, call ko 'to."

May pictorial din daw si Marian sa isang magazine na medyo daring. Sinadya raw yatang hindi ipakita yun sa kanya ni Marian. Totoo ba ito?

"Hindi ko nga nakita yun," sabi ni Dingdong. "Siguro naman, kilala niya ako. Kapag ganun, hindi ko na kailangang makita yung mga ganoong magazine, but I would like to appreciate her in those magazines. Nagkataon lang na hindi ko pa nakikita."

Pag ganun ba, hinihingi rin ni Marian ang advice niya?

"Wala... wala," nakangiting sabi ni Dingdong.

Nagpapasalamat naman si Dingdong sa mga nagtiyagang pumila, at higit sa lahat, tumangkilik ng kanyang bookazine.

"Nagpapasalamat ako. Itong bookazine na ito, in fact, one thing that I would like to share, it contains information, details na hindi naman or wala namang kinalaman sa showbiz. But it talks more about myself at kung sino talaga ako and more of the reason why I'm here right now. So, I hope, even in small ways, I can inspire them."

Ilang oras din inabot ang unang book signing niya kahapon. Sa October 17, from 3 to 6 p.m. ay nasa Powerbooks Greenbelt 4 naman si Dingdong, and on October 24, from 3 to 5 p.m., nasa National Bookstore siya sa Mall of Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SCHOOL REBUILDING. Sa book signing ni Dingdong for his bookazine, walang kamalay-malay ang aktor at obvious ang pagka-surprise niya nang pagkatapos siyang tawagin ay isinunod namang tinawag ng host ang mismong may-ari ng National Bookstore na si Mrs. Socorro Ramos.

Ipinahayag ni Mrs. Ramos na ang National Bookstore ay magkakaloob ng limang libong school supplies para sa Yes Pinoy Foundation. Tuwang-tuwa si Dingdong sa naturang surpresa at lubos-lubos ang naging pasasalamat nito kay Mrs. Ramos.

Dahil dito, hindi na tuloy napigilan ni Dingdong na i-reveal ang sinasabi niyang malaking project ng foundation—ang pagpapagawa ng paaralan sa mapipiling pinaka-depressed community at nasalanta ng bagyong Ondoy.

"Sobra akong nasorpresa, wala akong alam, e!" sambit ng aktor. "Ang alam ko, magbu-book signing lang ako. Kinu-conceptualize lang namin kagabi. In fact, natapos kami madaling-araw na para buuin ang next big project ng Yes Pinoy. Because we feel, we want to, kumbaga, veer away sa pamimigay ng relief goods. Because we believe na if you give relief goods, it will last only for an hour, two maximum. But we want something that will, kahit paano, change their lives permanently."

Within Metro Manila lang ba ang community na mapipili nila?

"Hindi naman namin nili-limit within Metro Manila, pero maka-identify lang kami ng isang public school na ire-rebuild namin. Like now, we are gearing towards rehabilitation and rebuilding na. Pangmatagalan na talaga.

"May mga schools na nasira, that's why we are calling for donations ng paint, donations for possibly walis. I will give the formal statement. Lahat ng kakailanganin namin, sasabihin ko at isa sa pinaka-kailangan are notebooks and books, which is dumating sa araw na ito... Imagine n'yo, kagabi ko lang nalaman yung kailangan namin!"

Ano nga ba ang pakiramdam niya na kaka-launch lang ng Yes Pinoy Foundation last week of August, pero heto't napakarami na rin nilang nagagawa at napakarami na ring nagtitiwala sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, you know, ang maganda kasi sa Yes Pinoy at sa amin, we believe in something. We have an advocacy and hindi lang namin siya pinu-promote, hindi lang namin pinagsasabi, but we are making it actual. Kumbaga, we are realizing our vision and we are making our vision actual. Maaaring hindi man kaagad, hindi man lahat mangyayari ngayon. But slowly, we are actually doing it.

"I'm proud of Yes Pinoy at yung passion ng members niya. Kahit sabihin nating hindi man kami isang libong members, yung konting yun, talagang nagtatrabaho and we have the same passion for what we are doing," saad niya.

We told Dingdong na malaking factor din siguro ang pagiging celebrity niya at kung ano ang naging pagkakakilala sa kanya bilang aktor at ang pagiging magandang ehemplo ng kabataan on and off-screen. In fact, when we asked the National Bookstore owner kung bakit sa dami ng mga foundation at artista rin na namamahagi ng tulong ay si Dingdong ang napili nila, ang naging tugon nito ay gusto raw kasi siya ng mga apo nito.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Siguro nga, malaking bagay rin yun," sagot niya. "Kaya ako, nagpapasalamat din ako that I am in this position and I'm giving blessing for me to be able to act and be on TV. Kasi, mas malaking bagay na nakaka-impluwensiya and I believe, I am given a great responsibility to inspire and to entertain, so it works hand in hand."

YES PINOY'S RELIEF OPERATIONS. Kinumusta rin ng PEP kay Dingdong ang relief operations na isinasagawa ng Yes Pinoy Foundation para sa mga nasalanta ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.

"Tuluy-tuloy pa rin. Kagabi, meron... everyday. Then, magkakaroon kami ng isang major project para sa Ondoy, pero we should call for a separate... for that. Malaki kasi ito," nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rizal, Pasig, Cainta raw ang ilan sa mga area na madalas nilang puntahan. Hindi pa raw sila nakakapunta sa Marikina since ang area raw na yun ang isa sa madalas na napupuntahan ng iba pang organisasyon na namamahagi rin ng tulong. So, they're trying to reach out yung areas na hindi masyadong nabibigyan.

Kung tutuusin, iba talaga ang goal ng Yes Pinoy Foundation, pero dahil nakita raw nila ang matinding need sa nakaraang bagyo kaya nandoon din sila.

"Yun kasi ang mas nangangailangan ngayon. And since we have funding, binibigyan kami ng donation, so itinuloy na namin," sabi ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN