Celebrities draw huge crowd and raise scream meter at Bench fashion show

IMAGE 0


Kris Bernal (left) and Kim Chiu (right) are among the crowd favorites. Every time they walk the ramp, the atrium of SM Mall of Asia vibrates with cheers and applause.


The turnout of expected celebrity endorsers is not 100 percent, but even so, the fashion show mounted by Ben Chan's clothing empire is still star-studded!

Ang tema ng Fashion Week na ginanap sa atrium ng Mall of Asia noong ika-25 ng Oktubre ay Spring/Summer 2010. At dahil sa pinu-promote na rin ang Think Green campaign, ang mga disenyo ay hango sa salitang "recycle."

Sa nangyaring pagrampa ng mga artista, Kapuso man o Kapamilya, nakita kung sino ang mga may hatak sa tao o ang may pinakamalakas na tili factor.

Human ang unang nagpakitang-gilas, sa pangunguna ng signature model niting si Isabelle Diaz Daza. Yun nga lang, kapansin-pansin na kung sino pa ang mga main endorsers, tulad nina Luis Manzano at Billy Crawford, ay hindi nasilayan ng madla noong gabing iyon.

Sumunod ang portion ng Kaschieca pero wala rin ang brand bearer nito na si Bea Alonzo. Ang rumampa ay ang mga batikang modelong sina Gem Padilla, Marina Benipayo, at Wilma Doesnt.

Ang paglabas ni Lucy Torres-Gomez sa entablado ay umani ng palakpak dahil talaga namang napakaganda nito kahit medyo kaswal ang kanyang suot.

Noong nagsabay silang rumampa ng co-host niya sa Sweet Life na si Wilma, naaliw ang mga tao dahil sa pagkakaiba ng kanilang personalidad at kulay.

Huli ang segment ng Bench na sinimulan ni Dingdong Dantes. Noong una'y wala pang masyadong tilian dahil hindi ito agad nakilala sa bago niyang hairdo. Pero noong mailawan ito nang husto, ayan na ang tila hindi matapus-tapos na tilian at palakpakan.

Kasunod ni Dingdong sina Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Hansen Nichols, Ron Morales, Xian Lim, Ejay Falcon, Ron Morales at Regine Angeles. Ang bagong herBench model na si Carla Abellana ay rumampa rin.

Noong lumabas ng love team na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, halos mamaos na ang mga nasa mall sa katitili, lalo na sa young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos, sumunod naman sina Arthur Solinap, Rafael Roselle at Jon Avila.

Samantala, medyo nakakagulat ang naging mainit na pagtanggap ng fans kay Coco Martin, na masasabing nagkaroon ng break sa ABS-CBN teleserye na Tayong Dalawa.

Sumunod na lumakad sina JC de Vera naman at Enchong Dee, na nakakatanggap ng magandang feedback sa kanyang pagganap sa Katorse, isa ring serye sa Kapamilya network.

Pero walang makakatalo sa inaning palakpak at tili ng cast ng mga bida ng Tayong Dalawa. Unang lumabas si Jake Cuenca na tila in character pa rin dahil sa pagsaludo nito sa audience.

Halos wala kang marinig sa paglabas nina Kim Chiu na mas lalong gumaganda, at Gerald Anderson na medyo lumusog nang konti.

At siyempre, hindi mawawala ang original Bench endorser na si Richard Gomez. Kasunod niya sina Aljur Abrenica, JC de Vera at Jake Cuenca na, this time, naka-topless naman.

After that, ipinakita sa screen ang mga katagang "It All Starts with a Smile." Dito sinimulang ilunsad ang mga Pinoy Lab shirts ng Bench sa pangunguna ng mag-asawang Richard at Lucy, kasama ang kanilang anak na si Juliana.

Isa-isa na ring pumasok ang iba pang mga celebs at models na may iba't ibang statement sa shirts, gaya ng "I love (naka-heart sign yung salitang "love") Manila, I love Bahay Kubo, I love Halo-Halo, I Love Kalesa" at iba pa.

Rumampa rin si Tessa Prieto Valdez na nakasuot ng shirt na may "I love the Terno." Iba pang mga designs ay: "I love Sipa, I Love Sampaguita, I love Rizal, I love Balut, I love Lechon."

Kuwela naman ang pagrampa ni Ms. Elizabeth Ramsey na may katagang " I love OPM" sa kanyang suot. Si Noynoy Froilan naman, "I love Tinikling," habang "I Love Baro't Saya" ang suot ng fashion designer na si Joey Samson.

Ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andrei, kasama ang kanyang tito na si Ryan Yllana, ay kasali rin sa fashion show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang huling rumampa ay sina Gerald at Kim, at saka, sina Dingdong at Richard.

Before the end of the show, ibinigay ng Bench ang kanilang one million peso donation sa Philippine National Red Cross. Si Lucy ang tumanggap ng symbolical check.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN