Klaudia Koronel's husband doesn't want her to work hard anymore

IMAGE 0


"Kung noon, pinoproblema ko ang tutulugan sa mga susunod na araw, lalo na't kapos ang pambayad sa renta, ngayon ay naguguluhan ako kung saan ako titira," says Klaudia Koronel.


Natutong mamuhay nang simple si Klaudia Koronel mula nang magbalik siya sa pag-aaral. Tinapos ni Klaudia ang kanyang kolehiyo sa New Era College, kaya apat na taon ang ginugol niya sa pagiging estudyante.

"Akala ko, hindi ko kakayanin. Tulong-tulong kami sa pamilya. May konti akong naipundar. Yung iba sa amin, sila ang kumakayod. Basta nakatutok lang ako sa pag-aaral dahil yun talaga ang gusto ko, makatapos. At kung uubra pa, puwede siguro akong magbalik sa pag-aartista," pahayag ni Klaudia sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Yun sana ang plano. Kaso, nakilala ni Klaudia ang lalaking tunay na nagmahal sa kanya—ang businessman na si Andy Zhang. Pagkatapos ng college, gusto sana niyang magbalik-showbiz, pero niyaya na siyang pakasal ni Andy.

"Ang masasabi ko lang, hulog siya ng langit sa akin," sambit ni Klaudia. "Noon, nagsisikap ako sa pagtatrabaho. Kahit ano yatang raket, tinatanggap ko, lagare. Lalo na kung bayaran na ng renta ng apartment sa takot na mapalayas. Kung noon, pinoproblema ko ang tutulugan sa mga susunod na araw, lalo na't kapos ang pambayad sa renta, ngayon ay naguguluhan ako kung saan ako titira."

Nagbubuhay-donya si Klaudia sa piling ng mayamang asawa, na isang travelling businessman. Nakatira siya sa isang mansyon sa may Loyola Heights ngayon, pero ilang buwan lang ay nagbabalak na siyang lumipat sa isang bahay ng kanyang mister sa The Fort, Taguig.

"Kung gugustuhin ko nga, puwede akong tumira sa China o sa U.S., mamili lang daw ako. Kasi may mga bahay ang mister ko sa mga lugar na 'yun," nangingiting sabi ni Klaudia.

Sa pagkukuwento ni Klaudia, wala sa kanya yung himig ng pagyayabang. Labis lang siyang natutuwa sa magandang kapalarang tinatamasa niya, na ito na yata ang kapalit ng kanyang mga dinanas na paghihirap noon.

"Ayaw niyang magtrabaho ako. Sabi niya, para ano pa raw. Lahat naman ng kakailanganin ko, nasa bahay na. Pero may freedom naman ako na lumabas ng bahay paminsan-minsan, or anytime na gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang, nakikita ko naman ang point niya. Bakit kailangang ma-bore ako, e, sa bahay lang, ang dami ko nang puwedeng gawin. Plain housewife ang drama ko. Kakakasal lang namin just recently. Lagi siyang nadedestino sa ibang bansa. Kailangan ko ngang sumunod sa kanya sa New York dahil nakadestino siya doon," sabi pa niya.

BACK TO ACTING. Ang maganda sa puntong ito, supportive ang mister ni Klaudia sa kagustuhan niyang magbalik sa pag-aartista. In fact, aligaga sa paghahanda noon sa kanilang kasalan si Klaudia habang tinatapos niya ang Estasyon, isang indie film na idinirek ni Cesar Apolinario, kung saan kasama niya si Mon Confiado at ang baguhang si Christian Galindo.

"Pumayag din siya dahil close friend niya ang direktor naming si Cesar," sabi ni Klaudia. "Kung tutuusin, ang gusto niya, nagpapahinga lang ako. Pero may time na parang naririndi ako dahil nasa loob lang ako ng bahay. Ganoon pala yun. Galing kasi ako sa showbiz, kahit paano, yung makalabas ng dalawa o tatlong beses sa isang buwan, nakakapagpasaya na sa akin. Nare-realize niya yung kasiyahan sa akin sa pagsu-shooting. Hindi pa kami kasal nang gawin ko ang movie, pero ngayong kasal na kami at kailangang mag-promote, okey rin lang sa kanya na mag-cooperate ako sa promo nito."

Ang nagugustuhan ni Klaudia ay ang pagta-travel. Kailan lang, napuntahan na niya ang Disneyland. Tuwang-tuwa siya, siyempre, at palagay niya mas madadalas ang pagbibiyahe nila ng mister niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN