Miriam Quiambao makes fresh start now that hearing of annulment case is over

IMAGE 0


"Feeling ko, ngayong tapos na ang mga hearing, feeling ko talagang makaka-move on na ako. Isa siyang malaking tinik na natanggal sa likod ko. So, feeling ko talaga ngayon ay fresh start. It was a fresh start when I moved back here. Ngayon, super fresh na talaga kasi tapos na yung nakaraan. Puwede ko na siyang iwan and I can really move forward and focus on my career and have a happy and wonderful life," says Miriam Quiambao about the annulment of her marriage t


Lalong naging aktibo sa kanyang acting career ang former Miss Universe first runner-up na si Miriam Quiambao since she signed a management contract with Royale ERA Entertainment. Kasama si Miriam sa cast ng Patient X, ang latest offering ng Viva Films, GMA Films, at RGutz Productions.

"Nakakatuwa naman kasi very supportive sa akin ang Royale ERA, si Tita Annabelle [Rama, her manager], kasi nabigyan na niya agad ako ng dalawang malaking projects, like this, and sana nga masundan pa," pahayag ni Miriam nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Patient X na ginanap sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato kaninang tanghali, October 15.

Bago ang Patient X ay napanood din si Miriam sa blockbuster hit na Kimmy Dora, kung saan gumanap siya bilang "battered secretary" ng bidang si Eugene Domingo.

Okay lang kay Miriam na gumanap ng supporting roles, tulad dito sa Patient X kung saan she portrays the role of a nurse na nag-aalaga kay Patient Xpara hindi maubos ang mga tao sa hospital kung saan siya nagtatrabaho.

"Aminado ako na baguhan pa ako sa mundo ng acting at kung nabibigyan man ako ng supporting roles, ibinibigay ko naman ang best ko para rito. Ibinibigay ko ang makakaya ko and to give justice to the role. Kung mabibigyan ako ng lead role, 'yan naman yata ang pangarap ng lahat ng aktres, malaking blessing po 'yan na aasahan ko na sana may dumating nga sa akin na ganyang opportunity and I would be very, very grateful if that happens," sabi ng dating beauty queen.

ANNULMENT CASE. Nakarating sa PEP ang balita na na-grant na raw ang annulment ng kasal niya sa Italian businessman na si Claudio Rondinelli. Totoo ba ito?

"Hinihintay ko pa yung judgment tungkol diyan, pero natapos na ang hearing," sabi ni Miriam. "Feeling ko, ngayong tapos na ang mga hearing, feeling ko talagang makaka-move on na ako. Isa siyang malaking tinik na natanggal sa likod ko. So feeling ko talaga ngayon ay fresh start. It was a fresh start when I moved back here. Ngayon, super fresh na talaga kasi tapos na yung nakaraan. Puwede ko na siyang iwan and I can really move forward and focus on my career and have a happy and wonderful life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was super relieved na natapos na. Okay naman kami. Nagtawagan naman kami noong birthday ng isa't isa. Of course, we were kind of sad kasi hindi nagtagal ang marriage namin, pero grateful na rin kami na nagkaroon kami ng two and a half years together. In the end, we wish each other the best and our own happy life."

Ikinasal noong December 2004 sina Miriam at Claudio sa Boracay, pero naghiwalay sila pagkatapos lamang ng dalawang taon.

Sa palagay kaya niya ay naka-move on na rin si Claudio?

"Sana," sambit ni Miriam. "Hindi ko pa kasi siya nakakausap nang ganoon kalalim. Feeling ko nagso-soul searching din siya. Supportive ako sa kanya bilang kaibigan. Siguro ganoon na lang muna kasi very fresh pa yung annulment and hopefully, by next year, yung friendship namin ay maging mas okay na. Kasi mahirap when in you're in the middle of a divorce.

"Okay naman kami. Ako talaga yung tumawag sa kanya nung birthday niya. Binati ko siya ng happy birthday and wished him well, that he would find happiness. Tapos siya, ganoon din ang wish niya sa akin," kuwento ni Miriam.

Ready na ba siya to fall in love again?

"Naku, hindi pa po!" tawa niya. "Hindi pa rin po ako ready na magpakasal. Focus muna ako sa career. Katatapos lang ng isa. I want to take my time muna, unlike noon na pabigla-bigla ako, tapos ikinasal na ako agad. Kaya ngayon, I am really taking my time to know people. Nagdi-date ako ngayon. Pero ayokong sabihin kung sino dahil non-showbiz guy naman siya. Mahirap naman kung sasabihin ko dahil baka mamaya mag-speculate naman yung iba na ikakasal na ako.

"Nag-e-enjoy pa rin ako. Sayang naman ang beauty ko kung hindi ako magpapamilya, di ba? Ligawan pa lang ito. Siyempre, bago pa lang kaya excited ako. He's in business, pero he's not a guy from showbiz. Pero huwag muna kasi katatapos ko pa lang nung isa. Dating pa lang. Focus muna ako sa career."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN