Paulo Avelino laughs off rumor linking him to Aljur Abrenica

IMAGE 0


"Kung sexuality lang ang tatanungin, wala po. Siguro medyo nakakairita lang nang konti, but more on nakakatawa ang isyu," says Paulo Avelino about rumors questioning his sexuality.


Nagugulat si Paulo Avelino na may isyung kabadingan na rin palang kumakalat tungkol sa kanya. Ang latest nga raw na nauugnay kay Paolo ay ang ka-batch niya sa StarStruck 4 na si Aljur Abrenica.

Pero halatang ayaw magpaapekto ni Paulo sa narinig na isyu.

"Bago 'yan, a!" natatawa niyang sabi. "Hindi totoo."

Bakit nakukuwestiyon ngayon ang sexuality niya?

"Ako? Siguro the way I move, medyo feminine nga raw. Pero hindi naman siguro dun nabe-base ang pagkalalake ng isang tao," sagot ng binata.

Kahapon, October 15, sa presscon ng Patient X, lang daw niya narinig ang tungkol sa isyung yun.

"Ngayon ko lang po talaga narinig. Nakakatawa siya. Actually, dito lang naman nangyayari sa showbiz yung tanong-tanong na ganyan. Kilala ko naman ang sarili ko. Lahat naman ng kaibigan ko, kilala ako. So, bahala na ang ibang tao kung anuman ang gusto nilang isipin," sabi ni Paulo.

Maaaring ang closeness daw nila ni Aljur ang nabibigyan ng malisya ng iba.

"E, we've been friends since StarStruck naman po," sagot niya.

Magsisimula ba siyang ma-conscious o mailang kapag magkasama sila ni Aljur na may ganung isyu pala sa kanila?

"Ah, hindi, wala pa rin. Kasi, happy ako kung ano ang kilos ko. Kung sexuality lang ang tatanungin, wala po. Siguro medyo nakakairita lang nang konti, but more on nakakatawa ang isyu."

Dahil kaya sa pagiging single niya kung bakit nakukuwestiyon ang sexuality niya?

"Hindi rin naman po siguro dun mababase yun. Hindi ko rin po alam, e. Siguro, nasa puso mo rin 'yan. Lalo na kung alam mo naman sa puso mo na hindi, na wala kang doubt sa sexuality mo, straight ka."

"WE'RE GOOD FRIENDS." Pero sa kabila ng pagkuwestiyon sa pagkalalake ni Paulo, hindi rin naman mamatay-matay ang isyu sa kanila ng dati niyang co-star sa All My Life na si LJ Reyes. Ang sabi nga, sila na raw talaga. So, ano nga ba ang totoo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Me and LJ po, we're good friends. That's it. We're just good friends, yun lang po yun," maikli niyang tugon.

Nakikita raw silang lumalabas na dalawa, nanonood ng sine?

"If ever man po that we go out, may mga kasama po kaming group of friends, like mga friends niya, mga friends ko, like Chariz Solomon. So, palaging may kasama," paglilinaw ni Paulo.

Tinanong ng PEP si Paulo kung wala siyang interes kahit na kanino o wala siyang nililigawan?

"Hindi naman sa walang interes, pero makikita naman po siguro natin kung may darating. Ang sa akin naman po kasi, ang hanap ko lang sa girl, basta maganda ang smile, masayahin... Dun lang palaging nag-i-start."

Si LJ, hindi niya talaga niligawan?

"Ano, parang nagpa-cute lang for a while," pag-amin niya. "Pero na-realize ko rin na it's better to keep our friendship, kasi lahat naman ng relasyon dito sa showbiz, nasisira."

Sino na ba ang niligawan niya sa showbiz?

"Wala," mabilis niyang sagot.

JEWEL MISCHE. Naalala namin na si Paulo ang unang na-link noon kay Jewel Mische during their StarStruck days. Pero iginiit ni Paulo na hindi naging sila ni Jewel.

"Hindi po, na link lang," sabi niya.

Natawa naman siya nang sabihin naming idine-deny niya si Jewel.

"Hindi po, during StarStruck days, nagpa-cute lang din po ako sa kanya. Siguro po, MU [mutual understanding]."

Hindi kaya naiilang lang siyang umamin ngayon dahil co-star niya sa Patient X si Richard Gutierrez, na rumored boyfriend ni Jewel?

"Ay, hindi po!" sambit ni Paulo. "Kami po ni Jewel, naging MU lang po siguro na hindi na natuloy. Kumbaga, hindi na po kami palaging nagkakasama. Nag-concentrate na rin po ako sa sports ko noon, rock climbing

"Actually, if it's true, I won't be afraid to admit it. Bakit ko naman siya ide-deny? Wala talaga. For a time lang, sobrang naging malapit lang kami. Siguro panliligaw na rin ang tawag dun, hindi lang nagdire-diretso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PATIENT X. May pagka-geeky raw ang role ni Paulo sa Patient X, na ipalalabas na sa October 28. First time daw niyang makatrabaho si Direk Yam Laranas.

"Direk Yam is very professional," puri niya sa direktor. "Maayos talaga siya, very organized sa time. At saka he gives us actors a chance how we sketch our character. Yung character na ibinigay niya sa amin, binibigyan niya kami ng chance na ipakita. Kung ayaw niya, nire-remind niya lang kami kung ano ang puwede naming ipakita."

Aside from Patient X, excited na rin si Paulo sa pagiging segment host niya sa StarStruck V bilang representative ng Batch 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN