Senator Miguel Zubiri partners with NMPP to house underprivileged film workers

IMAGE 0


Members of Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino (NMPP) cheer as Senate Majority Leader Miguel Zubiri (seated, 2nd from right) hands over the P2 million Special Allotment Release Order (SARO) to movie director and NMPP President Joel Lamangan (2nd from left) during the turnover ceremony held at Dulcinea in Tomas Morato Avenue, Quezon City last October 13. The fund is intended for the housing of movie workers behind the camera. Witnessing the rite are showbiz directo


Pormal nang nailabas ng opisina ni Senador Juan Miguel "Migs" Zubiri ang pondong nagkakahalaga ng dalawang milyong piso upang magamit sa pabahay ng mga kapos na manggagawa ng pelikula.

Sa turnover ng Special Allotment Release Order (SARO) na ginanap noong Oktubre 13 sa Dulcinea, Tomas Morato sa Quezon City, sinabi ng mambababatas na matagal na niyang pinapaplano, kasama ng Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino (NMPP), na maisakatuparan ang hiling na pabahay para sa mahihirap na taga-industriya. Nagkataon lamang daw na nataon ang pagpapalabas ng pondo pagkatapos ng pananalanta ng mga bagyong Ondoy at Pepeng, na sumira sa ilang tirahan ng ilang mga kasapi ng NMPP.

Ang NMPP ay isang sectoral organization na gumagawa ng mga hakbang upang maitaguyod ang pelikulang Pilipino. Kasapi rito ang maraming mga direktor, artista, staff, prodyuser, stuntman, at ilan pang manggagawa.

Bago ang proyektong pabahay, naunang nag-release ang opisina ni Senador Zubiri ng 2.5 milyong piso noong nakaraang taon para naman sa scholarship program sa mga anak ng mga miyembro ng NMPP.

Ayon kay Zubiri, talagang kinakailangan ng NMPP ang tulong dahil sa "seasonal" lamang ang trabaho ng mga trabahador na kasapi nito.

"Kawawang-kawawa ang industriya ng pelikula dito sa ating bansa dahil isa lang ang festival natin, Metro Manila Film Festival, which is only once a year. Tapos doon lang sila nagkakaroon ng kaunting kita at trabaho," paliwanag ni Zubiri.

Ayon pa sa mambabatas, nalaman niya ang ganitong mga suliranin mula mismo kay Joel Lamangan, na siyang direktor ng ilan sa kanyang mga patalastas sa telebisyon para sa 2007 elections. Si Lamangan ang kasalukuyang tumatayong pangulo ng NMPP.

"Noong breaks, mga lull in the shooting, pinag-uusapan palagi namin ni Joel kung paano natin matutulungan ang industriya... we devised a scheme na kung wala naman pong pelikula na nagagawa, at least, tulungan natin sila sa benefits. Iyong edukasyon ng kanilang mga anak, housing programs na plano po natin ngayon," sabi ng senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga 300 hanggang 400 na pamilya ang makikinabang sa programang ito. Sa pakikipagtulungan ng National Housing Authority (NHA), may naireserba nang lupa at condominium units para rito, na malapit daw sa SM Fairview.

Dagdag ni Senador Zubiri, ang mga "karapat-dapat" at mga "talagang marginalized" lamang ang bibigyan ng tulong sa pabahay. Ang tulong na maibibigay ay ang pagpapaunang bayad sa Pag-IBIG, na umaabot na umano ng limang libong piso.

"Pagkatapos po noon, ang babayaran na lang nila ay as low as 500 to 900 a month. Ang aking participation dito ay para lang mabigyan po ng initial amount for the Pag-IBIG membership, at 'yan na po ay napakaimportante," saad niya.

Ang susunod naman daw na proyekto ng senador ay ang pagpopondo sa training ng mga nasabing manggagawa, upang matutunan ng mga ito ang makabagong mga technique sa paggawa ng pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN