Xian Lim says he and Erich Gonzales were right to call off their courtship for the sake of their careers

IMAGE 0


Some people think Xian and Erich's highly-rated afternoon soap, Katorse, should be on a later time slot, due to the sensitivity of its theme, but the actor begs to differ: "I don't think na masyadong focus ang story namin sa pagiging sexy. I think it's more on moral values ang mensahe ng show. Kung gagawa ka ng ganito, ganito ang magiging consequences, so kailangang pag-isipan mo munang mabuti."


Sa nakaraang operasyon ng Sagip Kapamilya, ang welfare organization ng ABS-CBN, kapansin-pansin daw ang sweetness na namamagitan kina Xian Lim at Erich Gonzales. Hawak-hawak daw ng baguhang aktor ang mineral water na iniinom ni Erich habang abala ang aktres sa pamimigay ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyong si Ondoy.

Iba't ibang reaksyon ang tinamo ng balitang ito. May ilang nagsabi na ito raw ang matagal nang itinatagong relasyon nina Erich at Xian. May iba namang nagsabing baka gimik lang daw ito para mapag-usapan ang series nilang Katorse.

"Wala, walang gimik. For the past episodes of our show, I wouldn't consider me and Erich as a love team. Sa mga scenes and sequences namin in Katorse, parang friends lang ang relationship namin, so di masasabing love team kami dito.

"Nasa Nangka, Marikina, kami nun and super init during that time, naka-exposed kami, bising-busy kami, in a rush ang lahat. Trying to be gentleman, in-offer-an ko siya ng tubig. I was holding the bottle of water for a while, she was drinking. Kumbaga nagtutulungan lang kami na habang namimigay siya ng mga goods, tinutulungan ko siyang uminom. Just like I've said, trying to be a gentleman."

PUTTING CAREER FIRST. Sa mga previous interviews nila, sinabi ng dalawa na mutual decision nila na ihinto muna ng aktor ang panliligaw kay Erich at mag-focus sa kani-kanyang career. Para kay Xian ay tama ang naging desisyon nila, lalo't kung ang pagbabasehan ay ang mataas na rating ng Katorse.

"Sinasabi ko naman kay Erich na I'm just showing how I feel and it's our agreement na work muna talaga. Ngayon, focus muna talaga kami sa show namin and sa work namin. Ang ganda naman ng result kasi yung katas ng pinaghihirapan at pinapo-focusan namin ay naa-appreciate naman ng mga tao.

"Ako, I'm really happy na ganito ang kinalabasan ng Katorse. I didn't expect it to be this good. Kumbaga lahat ng puyat at pagod, ito yung resulta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ilang nagsasabi na di raw tama na nilagay sa maagang time slot ang Katorse dahil medyo may pagkasensitibo at sexy daw ang tema nito. Iba ang tingin ni Xian.

"I don't think na masyadong focus ang story namin sa pagiging sexy. I think it's more on moral values ang mensahe ng show. Kung gagawa ka ng ganito, ganito ang magiging consequences, so kailangang pag-isipan mo munang mabuti."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN