KC Concepcion doubts that Megastar mom is ready to retire from showbiz

IMAGE 0


"Sinabi ba talaga ni Mommy yun? Baka pahinga lang. I don't think na kaya niyang iwan ang show business. Masyado niyang mahal ang trabaho niya at masyado niyang mahal ang mga fans niya para iwan niya."


Marami ang nagulat nang lumabas ang balitang nagbabalak na daw talikuran ni Sharon Cuneta ang show business at mamuhay na lang bilang isang ordinaryong tao.

Tiyak na ikalulungkot ito ng mga tagahanga ng Megastar kung kaya't nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si KC Concepcion kamakailan sa bakuran ng ABS-CBN ay agad namin siyang hiningan ng reaksyon tungkol dito.

"Sinabi ba talaga ni Mommy yun? Baka pahinga lang. I don't think na kaya niyang iwan ang show business. Masyado niyang mahal ang trabaho niya at masyado niyang mahal ang mga fans niya para iwan niya. Di namin 'yan napag-uusapan sa bahay pero baka for a while lang yun, may New Year pa. Tomorrow is another day."

Agad din naming kinumusta ang ama niyang si Gabby Concepcion. Magkasunod ang kanilang teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Lovers in Paris ni KC at ang Dahil May Isang Ikaw ni Gabby.

"Magkasunod nga kami and pinapanood ko siya," sagot ni KC. "Okey naman siya, hayun kamukha ko pa rin siya. Sabi nga nila kamukha ko ang tatay ko pero kaboses ko ang nanay ko. Sabi ko ganun naman lahat. Kung ano ang nakalakihan mo siyempre yun ang nakukuha mong galaw at pagsasalita."

MORE CHARACTERS TO COME IN PARIS. Labis-labis ang pasasalamat ni KC sa patuloy na suporta na ibinibigay ng mga manonood sa teleserye nila ni Piolo Pascual na Lovers In Paris. Aniya, marami pang dapat abangan ang publiko sa tatakbuhin ng pinagbibidahang teleserye.

"Siyempre sobrang nagpapasalamat kaming lahat, sa lahat ng fans ng Lovers in Paris original and Pinoy version, kasi napakasarap lang sa feelings na napasaya ko sila and binabalik nila sa amin yung hard work na ibinigay namin para sa show, so thank you talaga.

"Talagang ninenerbiyos kami the whole time. Actually hanggang ngayon nga, we're still hoping na patuloy ang suporta ng mga fans. Paganda nang paganda ang istorya, maraming papasok na bagong cast, mga bagong characters, hopefully magustuhan pa nila in the more coming weeks."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN