Valerie Concepcion on rumors linking her to Willie Revillame: "Wala kaming relasyon."

IMAGE 0


"Kaya doon sa mga nagbibigay ng malisya sa closeness namin, manigas na lang sila! Bahala silang mag-isip kung ano ang gusto nilang isipin. Basta malinis ang konsiyensya ko!" says Valerie Concepcion about reports linking her to Willie Revillame.


Nakatutok lang sa noontime show na Wowowee si Valerie Concepcion dahil kumakain na ito ng oras niya araw-araw. Kasama rin siya sa Las Vegas stint ng nabanggit na show na naka-schedule sa November 15.

Walang latest kay Valerie, bukod sa pagpapa-register para sa susunod na eleksyon, na nire-require talaga sa bawat Kapamilya star.

"Hindi ako kasama noong nakaraang trip ng Wowowee," sabi ni Valerie nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ni RR Enriquez noong Sabado, October 17. "Sa Lake Tahoe yun, e, at saka sa Seattle. I think hinahati-hati kami. Hindi puwedeng isama yung lahat, e. Last time, binigyan ng chance yung anim na dancers. Kaming dalawa ni RR, iniwan muna kami.

"But, that's okay kasi kasama naman kami sa susunod. Kasama kami ni RR sa Las Vegas, at yung mga dancer naman ang hindi kasama. Wala namang special preparation for that. Wala akong production number. I just have to be there. It's like Wowowee rin dito na regularly, ginagawa ko."

Ano naman ang wish niya para kay RR?

"Masyado na siyang blessed, e," sabi ni Valerie. "She's a nice person. She helps her family. Sana lang, patuloy siyang ma-bless ni God para na rin lang sa family niya. That's why she's working so hard. Tuloy-tuloy lang sana. More blessings."

Naniniwala si Valerie na mananatiling intact ang Wowowee girls, kasama na rito sina Pokwang, Saicy Aguila, at Mariel Rodriguez, dahil nagpapakatotoo raw sila sa isa't isa.

"Kaya imposibleng sirain kami ng intriga," patuloy ni Valerie. "Walang plastikan sa amin. Lahat kami, magkakaibigan. We treat each other like family. With Will [Willie Revillame], para na kaming pamilya talaga. Parang hindi buo at kulang kung wala yung isa. Hindi naman sikreto yun."

DONDON HONTVEROS. Inamin ni Valerie na natsitsismis pa rin siya with the same guy, ang PBA player na si Dondon Hontiveros.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal ko nang sinasabing we really go out," aniya. "Wala kaming itinatago. Nothing really official and serious. Kung free kami, we go out and date. We just enjoy each other's company. Hindi naman yung parang may relasyon na kami. Walang ganoon."

Hindi naman daw exlusively dating. Nagbo-"boy hunting" nga raw si Valerie nang gabing 'yon sa Dolce.

"Naku, biro lang!" sambit niya. "Ayoko kasing magseryoso sa mga ganyan. Marami kasing nagtatanong kung magpapakasal na raw ba kami. Hello! I don't even have a boyfriend. Paano mangyayari yun?"

Marami kasi ang nakakapansin na mukhang seryosohan na ang namamagitan kay Valerie at sa San Miguel cager.

"I can't say naman that he's just a friend. Parang napaka-hypocrite ko naman para sabihin yun. That's too showbiz kung sasabihin ko yun. We go out. Yun na yun. That's it!" at tawa nang tawa lang si Valerie.

WILLIE REVILLAME. Aware ba si Valerie na nali-link sila ni Willie Revillame? Na kesyo nagkukulong pa sila sa talent room ng ABS-CBN at ginuguwardiyahan lang sila ng isang makeup artist.

"Talaga?" reaksiyon ng TV host. "Wala kaming relasyon. He's just like a kuya to me. Natural na pumunta ako sa dressing room niya if I would make paalam and say bye-bye. Alangan namang siya ang pumunta sa dressing room namin?

"I really love him. Ganado akong magpunta sa dressing room niya para lang magpaalam. Nangungumusta siya palagi, lalo na yung anak kong si Fiona, tinatanong niya kung okey kaming mag-ina.

"Lagi niya akong pinaaalalahanan na mag-ipon para sa anak ko. That's why I love Will so much! Kaya doon sa mga nagbibigay ng malisya sa closeness namin, manigas na lang sila! Bahala silang mag-isip kung ano ang gusto nilang isipin. Basta malinis ang konsiyensya ko!" tili ni Valerie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN