Ogie Alcasid gathers OPM artists to help typhoon victims

IMAGE 0


"Alam mo, lahat naman tayo nagpunta sa evacuation center para magbigay ng relief. Lahat tayo ginawa yun. Pero siyempre, binigyan tayo ng gift to sing, to write, to perform, gamitin natin yun. At yung message ng kanta is to... Kasi, 'Kaya Natin 'To,' so we're trying to uplift the spirit of those who were affected na puwede pa tayong bumangon ulit," says Ogie Alcasid about the song he composed for the survivors of typhoons Ondoy and Pepeng.


Singer-songwriter-comedian Ogie Alcasid is spearheading a very worthy project para sa mga kababayan nating naging biktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Ito ay ang pagre-record ng kantang "Kaya Natin 'To," kung saan halos lahat ng OPM artists ay kasama.

Habang nasa proseso sila ng pagbuo ng naturang project, isa pang magandang pangyayari na na-accomplish nila ay ang pagkakaisa ng OPM artists—regardless kung anong network o recording company man ang kinabibilangan nila.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa bagong building ng GMA-7 noong Linggo, October 18, pagkatapos ng SOP. Aniya, bukod sa kantang nilikha niya ay magkakaroon din ng isang malaking fundraising concert para sa mga nasalanta ng bagyo.

"Ang title ng concert ay Pilipino, Kaya Natin 'To," banggit ni Ogie. "Pero bago ang concert, which is on December 5 sa Mall of Asia, meron kaming CD na ni-record. Bale nakaka-four days na kami. Meron pang recording sa Tuesday [October 20]. Siguro, nakaka-forty na ang nagre-record, kasama sila Sharon Cuneta, si Charice Pempengco... Maraming mga taga-Channel 2, sina Christian Bautista..."

Ayon kay Ogie, siguro raw ay 90 percent ng OPM artists ang posibleng makasama sa ginagawa nilang single.

"Yung iba, mahirap talaga dahil nasa States. Si Lea Salonga, nasa States, pero magre-record siya dun at magpapadala. Same with Gary Valenciano and Martin Nievera. Yung APO, sobra kasing tight yung sked. They really wanted to be part of this and I thank them for giving their interest. Si Ely Buendia naman, I'll find out this week kung may sked pa siya."

Basta matapos daw nila ang recording, anytime ay puwede na nilang i-release ang single.

"It's just one song, 'Kaya Natin 'To,' na sinulat ko. It's like 'We Are The World.'"

Yun ba ang peg nila?

"Yes, of course," pag-amin ni Ogie. "Hindi namin ide-deny na ginaya namin yun. Yung 'We Are The World,' tinulungan nila ang Africa. Ito, we're helping yung mga kababayan natin na nasalanta, naapektuhan [ng bagyo]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A SONG THAT UNITES OPM ARTISTS. Sa mga nangyayari ngayon, hindi itinatago ni Ogie ang kanyang kasiyahan.

"Nakakatuwa, kasi pati yung sila Yeng Constantino, yung mga bata, yung mga taga-Channel 2 at saka mga taga-rito [GMA-7], sa studio, nagkakatuwaan sila. Hindi lang GMA at ABS, pati mga banda, tulad nina Rico Blanco. Everybody really wants to help. So, it's really a nice feeling na very supportive sila of what I have thought of. Siguro rin dahil marami sa kanila, mga kaibigan ko rin. Ginamit ko na rin yung pagiging magkaibigan namin," saad ng singer-songwriter.

Ang dahilan ba ng kagustuhan niya na maglabas ng isang single at pagkaisahin ang OPM artists ay dahil sa nangyaring bagyo, o bago pa man ito ay meron na siyang ganung plano?

"Palagi naman tayong ganyan, di ba? Lahat naman tayong mga Filipino, palaging matulungin. We always help people, I mean, kami ni Regine [Velasquez, Ogie's girlfriend] and I guess lahat naman ng Filipino, ganun. It's just that this time, the devastation is grabe...and it continues to get worse.

"Alam mo, lahat naman tayo nagpunta sa evacuation center para magbigay ng relief. Lahat tayo ginawa yun. Pero, siyempre, binigyan tayo ng gift to sing, to write, to perform, gamitin natin yun. At yung message ng kanta is... 'Kaya Natin 'To,' so we're trying to uplift the spirit of those who were affected na puwede pa tayong bumangon ulit. Hindi namin ipinapangako na lahat sila ay matutulungan. It's just sheer inspiration listening to the song and listening to all your favorite singers singing a song of hope is, I guess, a big thing for them," paliwanag ni Ogie.

Ang kantang nire-record ngayon ng halos lahat ng OPM artists ay five minutes lang daw isinulat ni Ogie.

"As soon as Tita Girlie [Rodis] called me, 'O, mag-concert tayo,' isinulat ko na agad. And then, si Bobby Velasco, siya ang nag-arrange ng song," banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Thankful din daw si Ogie kay Jay-R, na ipinahiram ang kanyang recording equipment to accommodate all the artists in his house.

"Si Jay-R ang aming technician and his home studio. Same with Regine na kapag wala ako, siya ang nagtuturo. And everybody, all the artists, talagang each time I hear their voices, naiiyak ako. Kasi, alam ko na marami silang matutulungan."

Si Regine din daw ang nagtuturo at nag-a-assign ng part ng mga singer.

With regards to the concert Pilipino, Kaya Natin 'To, ano ang puwedeng i-expect ng mga manonood sa fundraising concert na ito?

"As of now, we have not yet fully confirmed the performing artists. But what is sure is that we already talked to Gawad Kalinga and all of that, will go to them. So, maganda yun, di ba? Yung mga nawalan ng bahay, so all of it [proceeds of the concert] will go to them. Nag-meeting na kami."

What about the single's proceeds?

"Yung sa album, part of it will go to GK and then we're still talking to someone from Red Cross. Baka may texting component na mukhang mas madali. Marami naman ang lumalapit sa amin... ABS lumapit sa amin, GMA lumapit sa amin, MYX lumapit."

RECORD LABEl. Kaka-renew lang ni Ogie ng recording contract niya sa Universal Records last October 12. Since iba-iba ang record companies ng mga artist na involved sa "Kaya Natin 'To," hindi kaya magkaroon ng conflict lalo na kung anong record company ang magri-release ng CD?

"Kami kasi, UR, e. So, sinulatan ko muna lahat. Wala pang finals. Lahat ng recording labels, sinulatan ko. Pinaalam ko lahat ng artists. So, sa ngayon, wala pang final. I'm still getting their go signal na sana, para mas madali, sa Universal Records na lang dahil lahat naman yun, pupunta naman... Kumbaga, for one moment, lahat magkakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I'm calling everybody, lalo na yung mga radio station, all the networks, kayo, our friends from the media. Tulungan n'yo kami rito kasi ang success nito, hindi lang sa amin kundi sa ating lahat na nandito sa media na may access," sabi ni Ogie.

Kung si Ogie ay mas nag-concentrate for the past months sa paggawa ng pelikula at pag-arte, mukhang after the success of his last movie na Yaya and Angelina, balik na siya sa kanyang first love, which is recording.

"Well, I'm doing my new album already for UR, nakaka-nine songs na 'ko. Pero by next year pa naman ang release nun, hopefully by January. At yun nga, I just signed up with UR again. But I cannot say pa any details about the album dahil by next year pa naman siya maa-out."

Ibig sabihin ba nito ay matatagalan bago siya ulit gumawa ng pelikula?

"Siguro mid-next-year na lang ulit. Gagawa pa kami ni Bitoy ng isa pang movie. Ang aking ka-loveteam!" natatawa niyang sabi tungkol kay Michael V.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN