Arnel Pineda joins other OPM artists in unity song for typhoon survivors

IMAGE 0


"Pero ako naman, ang position ko lang sa legacy is matuloy lang yung legacy na nahinto for a while. Here I am carrying the torch for them again. Re-leading the old flame na shinare nila sa buong mundo," says Arnel Pineda about helping to bring back Journey to the international music scene.


As Journey vocalist, isa si Arnel Pineda sa nagbibigay ng malaking karangalan sa Pilipinas when it comes to music. Along with Charice Pempengco, nagbukas sila ng daan para makilala ang husay nating mga Pinoy sa musika sa international scene kung kaya't ganun na lang din ang pagpapahalagang ibinibigay ng mga taga-industriya sa dalawa.

Isa si Arnel sa mga singer na kakanta sa unity song na nilikha ni Ogie Alcasid, "Kaya Natin 'To", para sa mga kababayan nating nasalanta ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Last October 18, sa recording ng nasabing unity song, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang singer. Nagpahayag siya ng kasiyahan na isa siya sa naimbitahan para kumanta sa "Kaya Natin 'To."

"I'm very honored, I think it's a very noble cause. Sana magtuluy-tuloy ito at sana marami pang ganitong project para sa mga mahihirap nating kababayan na naging biktima ng Ondoy at Pepeng. Sana nga sa December 5, sa concert, I'll cross my fingers na sana makapunta ako," saad ni Arnel.

Bukod kasi sa single ay magkakaroon din ng isang malaking concert ang OPM artists na gaganapin sa December 5 sa Mall of Asia concert grounds.

Naikuwento sa amin ni Arnel na maging sila ng pamilya niya ay naging biktima ng hagupit ng bagyong Ondoy sa Pampanga.

"Actually, this past few days, I was very busy. Nag-repair ng mga nasira sa bahay, lalo na yung music room. Nagre-replace din ako ng mga things na di na puwedeng gamitin. Buti na lang marami-rami din naman kaming gamit na naagapan. Nai-save naman ng anak namin at mga natira niyang kasama sa bahay," kuwento niya.

Three months na nawala sa bansa si Arnel. Kagagaling lang niya sa abroad for series of shows, isa na rito ang guesting ng Journey sa show ni Oprah Winfery, na hangang-hanga naman sa husay ni Arnel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ng iba, pag nakita mo si Oprah, siya na yung ultimate personality na mami-meet mo sa America," sabi ni Arnel. "Nung na-meet ko siya, she's very humble and well-grounded. Hindi ka maiilang na kausapin siya, she's very warm and very friendly."

Hiningan din namin ng reaksiyon ang singer sa komento ng iba na sumikat daw uli ang Journey dahil sa kanya.

"Thank you, thank you so much, I'm very flattered," sambit ni Arnel. "Pero ako naman, ang position ko lang sa legacy is matuloy lang yung legacy na nahinto for a while. Here I am carrying the torch for them again. Re-leading the old flame na shinare nila sa buong mundo."

May kuwentong lumabas na pinanood daw nina Oprah at Charice sa YouTube si Arnel while performing, at tinanong daw ng sikat na TV host si Charice kung best friend niya si Arnel at magaling ito. Sumagot daw si Charice na friend niya si Arnel but not her best friend. Ano ang masasabi ni Arnel sa ginawang ito ni Charice?

"Tama lang naman ang sinabi niya. Hindi pa naman kami nagkakasama nang matagal ni Charice. Every time nagkikita kami, nandun na kami sa stage. I think it's only proper that she said that."

Nagbigay rin ng mensahe si Arnel sa mga taong humahanga at sinusundan ang yapak niya.

"Sa mga nagsisimula pa lang, if they really love what they do, ituloy lang nila. Huwag silang magpapaapekto sa detractors nila or peole who're trying to look down on them, kasi yun ang pinili nilang propesyon. If they love what they do, most likely magsa-succeed sila kasi nandun yung passion at pagmamahal nila," pahayag ng Journey frontman,


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN