Edu Manzano's Pilipinas, Game KNB? bids goodbye but will return soon on seasonal basis

IMAGE 0


Edu Manzano's daily game show in ABS-CBN, Pilipinas, Game KNB?, will air its last episode tomorrow, Oct. 23. But Edu's manager says that the show will return soon.


Mismong ang manager ni Edu Manzano na si Ms. June Torrejon-Rufino ang nagkumpirmang hanggang bukas na lang, October 23, Friday, ang airing ng daily game show ng ABS-CBN na Pilipinas, Game KNB?.

Si Edu ang pangalawang host ng naturang game show, pagkatapos mag-resign ang original host nito na si Kris Aquino.

Nagpadala ng text message ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ms. Rufino noong Martes, October 20, upang i-verify ang report na aalis na nga si Edu sa Pilipinas, Game KNB?, dahil nasulat sa tabloid na "magpapahinga" muna ang TV host-actor sa nasabing game show ng Kapamilya network.

It turned out na ang buong show na pala ang magpapaalam sa ere. Pero ayon sa salaysay ng manager ni Edu, babalik muli sa TV ang show, pero magiging "seasonal" na ito, tulad ng nangyayari sa ibang game shows ng Dos like Kapamilya Deal or No Deal at The Singing Bee; maging ang Family Feud ng GMA-7.

"No, the show will not be totally cancelled coz it's doing good at the ratings. It will just be seasonal na when it returns soon. Yes, this Friday would be the last episode, pero it will return dahil it will be seasonal na nga. Kahit panoorin n'yo ang show sa Friday, sasabihin ni Edu, 'Abangan n'yo po ang aming pagbabalik.' And so, hindi naman siya totally na-cancel," pahayag ni Ms. Rufino.

Idinagdag pa ng manager na kung mapapansin daw sa show, sa lahat ng seasons na itinakbo nito sa ere every morning, ay nagpapalit o nagdadagdag sila ng segments.

"The show has always been like that. Like may mga segments na inaalis, pero binabalik din. Or nire-revise lang nila, like yung 'Atras-Abante' segment, and others. Maybe, hindi lang napapansin ng iba coz it's everyday nga," lahad ng presidente ng Professional Artists Managers Association (PAMI).

Tulad ng The Singing Bee ni Cesar Montano na dati ay daily, pero sa pagbabalik nito ay naging every weekend na lamang, hindi batid ni Ms Rufino ang magiging case ng Pilipinas, Game KNB?.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Edu's contract is with the station, and may contract din naman kami per show," saad ni Ms Rufino, na nagsabing happy naman daw ang Kapamilya management sa show dahil umaarangkada ito sa ratings game.

Nauna nang nag-resign si Edu bilang Optical Media Board (OMB) Chairman, dahil maugong ang usaping tatakbo ito sa pagka-senador sa May 2010 elections.

May kinalaman din kaya ang pagpapahinga ni Edu sa kanyang game show sa political plans nito?

"I don't know. I'm not in the position to answer that," tugon ng manager, na siya ring humahawak sa careers nina Joel Torre, Maryo J. de los Reyes, Ryan Eigenmann, among others. Isa rin siyang executive ng Viva Entertainment.

SHOWTIME. Samantala, mabilis ang mga pagbabago lately sa programming ng ABS-CBN, partikular na nga ang kapalit ng Pilipinas Game KNB?. At press time, sinasabing ang kapalit nito ay ang Showtime na ihu-host diumano nina Vhong Navarro, Kim Atienza, at Anne Curtis.

Tinext din ng PEP ang manager ni Anne na si Ms Veronique del Rosario-Corpus at kinumpirma nito ang offer ng Dos to do the show, pero magmi-meeting pa raw sila ng management.

Ang meeting na ito ay maaaring naganap na as we write this, dahil ipinakita na kagabi, Oct. 21, ang teaser ng Showtime kung saan nag-i-interview si Anne ng "common tao" kung nais nitong makita sa telebisyon.

Sinabi sa teaser na ang Showtime ay magsisimula nang umere ngayong Sabado, October 24, bago mag-Wowowee. Nangangahulugang ito na nga ang kapalit ng Pilipinas, GKNB?.

Nauna rito, nagkaroon diumano ng "trade-off" ang Entertainment at News Departments ng ABS-CBN. Nabanggit na si Kim Atienza nga ang magiging host ng Showtime, at balik umano si Edu sa Umagang Kay Ganda na hindi nakumpirma ng PEP kay Ms. Rufino nang kausap namin ito sa phone.

RUFFA & AI BIDS GOODBYE. On a related report, bukas din ang last day of airing ng Ruffa & Ai, na pre-programming show ng Pilipinas, Game KNB? ni Edu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang buwan lang tumagal ang celebrity talk show na ito nina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai delas Alas, na nag-pilot noong February 16, 2009. Walang nakuhang concrete reason mula sa network sa pagkakatanggal ng show, pero ayon sa ilang showbiz insiders ay dahil umano sa mababang ratings nito.

Simula sa Lunes, October 26, sa ganap na 10:15 a.m., magpa-pilot episode ang Koreanovela na pinamagatang 3 Dads With 1 Mom. Ito ang dating timeslot ng mawawalang Ruffa And Ai.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN