Anne Curtis, other celebrities auction treasured items online to raise money for Ondoy/Peping victims

IMAGE 0


Shop and Share is the latest celebrity endeavor in the continuing effort to raise funds for the people devastated by the recent typhoons. Anne Curtis invites everyone to come to the site, www.shopandshare.ph, to donate items or make a bid for them. "Celebrity man or you're not a celebrity, puwede mo kaming lapitan nila Angel [Locson] o ni Dimples [Romana] or sinuman sa amin. We're willing to take you


Sa dalawang pelikulang gagawin ni Claudine Barreto para sa Viva Films, balita na isa raw doon ay pagsasamahan nila ni Anne Curtis.

Isa sa original Viva Films talents si Anne along with Sarah Geronimo, at agad namang nabahiran ng intriga ang planong pagsasama nina Anne at Claudine sa pelikula. Nag-react raw ang mga solid Sarah Geronimo fans sa pagpili kay Anne gayong mas may napatunayan na raw sa box office ang kanilang idolo.

"Well, dedma na, alam mo naman ako pag may ganyang mga isyu, deadma lang ako," ang sagot ni Anne sa mga ganoong balita. "Si Sarah nga deadma rin sa ganyang mga bagay. Maganda nga kung magkakasama kaming lahat.

"Tingin ko nga gawa lang 'yan ng ilang mga tao kasi di naman dapat ginagawan ng issue 'yan. Saka sa pagkakaalam ko talaga, okey ang fans namin parehas."

CELEBRITIES OPEN THEIR CLOSETS FOR A CAUSE. Wala ngang panahon ang aktres sa ganyang mga intriga; may mga isyung mas kailangang pagtuunan ng atensiyon ngayon. Matapos tumulong sa Sagip Kapamilya para sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy at Peping, ang pinagkakaabalahan ngayon ni Anne ay isang website na itinayo para matulungan pa rin ang mga nasalanata. Ito ay ang Shop and Share, kung saan pinapa-auction ng mga artista ang mga mamahalin nilang mga gamit, na may mga pamosong label tulad ng Prada, Louis Vuitton, Hermes, at iba pa. Ang kikitain dito ay mapupunta sa mga flood victims.

"Si Angel [Locsin] ang lumapit sa akin and asked if I'd like to join the project," kuwento ni Anne. "Siguro kasi alam niya na ganun ang gusto ko, na ganun ang hilig ko. Super akong natuwa sa fundraising na ito. It's something we enjoyed doing so baka maulit pa, tingnan natin.

"Open and running na yung site namin. It's www.shopandshare.ph. Puwede nang puntahan yun. Maraming artista ang nag-donate. Nandiyan si Ms. Ruffa [Gutierrez], Ms. Kris [Aquino], Kim [Chiu] and Gerald [Anderson], Mariel [Rodriguez], Pokwang, of course myself, Angel. There's so many and dumadami pa lalo ang mga gustong mag-donate. Celebrity man or you're not a celebrity, puwede mo kaming lapitan nila Angel o ni Dimples [Romana] or sinuman sa amin. We're willing to take your donations and post it on our site."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN