PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH: Senator Loren Legarda to run for vice-president in 2010

Which presidentiable she will run with is still to be announced.
by Rommel R. Llanes
Published Oct 24, 2009
"Nagdesisyon po ako na ako ay magpapatuloy ng aking pagtakbo bilang bise-presidente dahil hinalal po ninyo ako noong 2004 at ibinoto ninyo, ngunit hindi nila ako pinaupo!" said Senator Loren Legarda, when she announced her candidacy at Luneta Park last night, October 23. "Kaya ako, ayon sa aking konsultasyon, ay dapat ipagpatuloy ko yung inyong inihalal sa akin."

It's official and final. Tatakbo bilang bise-presidente ng Pilpinas sa 2010 elections si Senator Loren Legarda.

Kahapon, Biyernes ng gabi, October 23, sa Luneta Park, naganap ang announcement ni Senator Loren na matagal nang hinihintay ng publiko.

"Sa aking mga mga lider sa buong bansa, sa lahat ng sektor, sa mga pulitiko at sa mga katutubo, sa mga Muslim, sa mga sundalo, mga kababaihan, sa mga guro, sa mga senior citizens, at sa mga kabataan, sa lahat po ng aking mga kinonsulta, bagamat hindi po madali ang mangampanya nang muli, at maaari ko namang gampanan ang aking tungkulin sa Senado, ngunit ang kahilingan po ay tumakbo ako para sa mas mataas na katungkulan," pahayag ni Senator Loren na sinundan ng nakabibinging sigawan ng napakaraming taong dumagsa sa Luneta.

Pagpapatuloy pa ng senadora, "Nagdesisyon po ako na ako ay magpapatuloy ng aking pagtakbo bilang bise-presidente dahil hinalal po ninyo ako noong 2004 at ibinoto ninyo, ngunit hindi nila ako pinaupo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya ako, ayon sa aking konsultasyon, ay dapat ipagpatuloy ko yung inyong inihalal sa akin.

"Minahal ko po ang aking isang makabayan, makatao, maka-kalikasan at maka-Diyos na plataporma sa gobyerno, at lalo din ngayon na ako ay tatakbo sa mas mataas na katungkulan bilang inyong pangalawang pangulo."

PRESIDENTIAL PARTNER TO BE ANNOUNCED. Sa tanong naman kung sino ang kanyang ka-tandem na tatakbong pangulo ng ating bansa, ito ang sagot ni Senator Loren:

"Kung sino po ang siyang makapagpapatupad ng aking mga nilahad na para sa tao, para sa bayan, para sa kalikasan, kung sino ang makapagpapabuti ng ating bansa sa mga darating na araw, na mga panahon. Ilalahad po namin ang ating samahan sa pagpatupad ng platapormang ito."

Kumpirmado ring sa oposisyon muling papanig si Senator Loren.

"Ako po ay hinalal ninyo bilang bise-presidente kasama ng yumaong FPJ [Fernando Poe, Jr.], ako po ay hinalal ninyo bilang number one senator ng opposition, ako po ay mananatiling oposisyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa rin sa senadora, "Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga tumutulong sa lokal na pamahalaan, dahil ang tingin ko po sa Pilipino, hindi administrasyon, hindi oposisyon, hindi sa kulay ng balat o kulay ng damit o kung anong partido. Lahat na naniniwala sa aking advocacy, maaaring tayong magsanib laban sa kahirapan, laban sa climate change, laban sa kawalan ng trabaho."

Tinanong rin ang senadora kung sino among the presidentiables ang pinagpipilian niya.

"Ayoko naman pong ilagay o sabihin na parang pinagpipilian ko po. Sa mga darating na araw po, inyong malalaman ang aking magiging desisyon tungkol diyan.

"Siguro po, tama lang na inilahad ko muna ang aking plataporma at inihayag ko na rin na ako ay tatakbo bilang bise-presidente, tama na muna siguro yun.

"Tinupad ko ang aking sinabi na sa birthday ng aking yumaong ina ay ilalahad ko ang aking posisyon na tatakbuhan," pagtatapos ng pahayag ni Senator Loren.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagdesisyon po ako na ako ay magpapatuloy ng aking pagtakbo bilang bise-presidente dahil hinalal po ninyo ako noong 2004 at ibinoto ninyo, ngunit hindi nila ako pinaupo!" said Senator Loren Legarda, when she announced her candidacy at Luneta Park last night, October 23. "Kaya ako, ayon sa aking konsultasyon, ay dapat ipagpatuloy ko yung inyong inihalal sa akin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results