Kiko Rustia explains alleged "road rage" incident with taxi driver

IMAGE 0


Born To Be Wild host Kiko Rustia gives a blow-by-blow account of the night he nearly collided with a taxi and the aftermath that had him pictured in the wrong. But in fact, he said, he was just trying to do the right thing. "Thankful ako sa mga taong nakinig sa side ko and who really think na as a responsible citizen, you do what you have to do. Kumbaga, responsibilidad mo sa bayan mo."


Kamakailan ay lumabas sa diyaryo na ang Survivor Philippines Season 1 castaway na si Kiko Rustia ay nasangkot sa isang gulo sa kalye ng Ortigas Center, Pasig City noong October 10. Ang source ng balita ay isang babaeng taga-GMA-7, na network rin mismo ni Kiko. Ayon sa babae, muntik nang mabangga ng kotseng minamaneho ni Kiko ang taksing sinasakayan nila ng kasama niya.

Sa tingin ng pasahero, parang gustong mag-overtake ni Kiko at gitgitin ang taxi nila. Laking gulat daw niya nang makita niyang si Kiko ang driver ng kotse. Parang lasing daw ito at nakakatakot ang itsura.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kiko noong Huwebes, October 22, sa S magazine event sa GMA lobby, at dito isiniwalat ng Born To Be Wild host ang buong pangyayari, at ang kanyang saloobin tungkol sa nangyaring gulo.

THE ENCOUNTER. "Ganito po yun," buwelo ni Kiko. "Pakanan na ako sa Julia Vargas Avenue, kakahatid ko lang kay Rob Sy [ka-batch niya sa Survivor]. From the leftmost lane, hinabol ng taxi yung curve, yung right turn slot. So, ako, nung pag gano'n niya [nag-muwestra], umiwas ako. Tapos, tumama ako sa gutter, sa gilid. Tapos, busina na ako nang busina. Tapos may taxi pa sa unahan ko, na instead na umiwas papunta sa kanya, umiwas sa akin, so napigilan ako. Tapos, tinakbuhan ako nung taxi!...

"Eto na nangyari, Emerald Avenue... Dun na ako nakatira. Sabi ko, 'Sakto, either security ng Ortigas, or yung security sa condo... papahuli ko 'to!' Naabutan ko siya sa Emerald. Ni-lock out ko.

"Alam mo ang ginawa niya? Inatras yung taxi niya ng Emerald, nilabas niya uli ng Julia Vargas... Sabi ko, 'Putsa! Tatakbuhan talaga ako nito!' Hinabol ko for the third time."

Naharang naman daw niya uli.

"Doon ko nakita na may nagbukas ng pinto sa likod. Doon na yung point na sinabi nilang dinuro ko raw? Nasa loob pa ako ng kotse no'n. Nakita ko yung driver nasa loob. Sabi ko, 'Diyan ka lang!'... Bababa na sana ako, bubuksan ko yung pinto, may nakita ako dun sa likod, babaeng passenger nung taxi na bumaba!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sabi ko, 'Ay, putsa, may pasahero! Oh my God!'" Para kay Kiko, nagkaroon daw ito ng calming effect sa kanya dahil may ibang taong involved, hindi lang yung taxi driver.

DANGEROUS MANEUVER. Pero it was at this point daw na gumawa ng hakbang yung driver na nalagay sa peligro yung pasahero niya.

"Pagbaba nung babae, nakita ko yung taxi na unti-unti nang pumoporma nang... kasi, nakaatras akong ganyan, e... So, nakaharap sa akin. Unti-unti nang gano'n... Hanggang hinataw niya [yung taxi] na nakabukas pa yung pinto nung babae!

"Yung babae was halfway out. Hindi ko nga alam kung may humatak lang [sa kanya] sa loob, or tumalon na lang siya uli [papaloob]...

"Sabi ko, hindi ko na puwedeng habulin dahil naka-reverse ako. Pangalawa, there are other lives at stake na! Pangatlo, I was thinking that the ladies inside were responsible enough to get the details of the taxicab. E, hindi, e!

"Ang nag-picture lang sa kanila, 'Kiko Rustia, lasing.' 'Kiko Rustia, nagalit, nagwala.' Yun lang!"

Iniisip ni Kiko at ng mga pumapanig sa kanya na kaya siguro naging ganun ang bersiyon nila ay dahil hindi sila marunong magmaneho, "kaya hindi nila alam ang tamang diskarte... Or tulog sila nung nangyari 'yon...

"Pero siguro naman," patuloy Kiko, "nung inatras ng taxi driver nang bonggang-bongga yung taxi niya para matakbuhan ako, na-realize nila, 'Teka, bakit nangyayari ito?' Di ba?"

Lalong nagalit ang hunky showbiz newbie nang malaman niyang nagasgasan rin pala ang kanyang kotse dahil sa naturang insidente.

"Ire-report mo yun! That's how the law works... You stop! Kaso, tinakbuhan ako, not just once or twice, but three times..."

Pinabulaan ni Kiko ang lumabas na report na dinuro-duro daw niya yung taxi driver. At wala ring namagitang pagmumura.

"Nasa loob pa ako ng kotse ko nun nang sabihan ko lang yung driver na, 'Diyan ka lang!' Hindi ako bumaba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACT RESPONSIBLY. "Thankful ako sa mga taong nakinig sa side ko and who really think na as a responsible citizen, you do what you have to do. Kumbaga, responsibilidad mo sa bayan mo.

"And that was a very irresponsible driver na I really wanted na ipadampot dun sa traffic enforcer! Sumayad na ako, tinakbuhan pa ako!"

Magkaganoon man, humihingi ng paumanhin si Kiko sa mga babaeng sakay ng naturang taxi.

"Sorry kung natakot ko ang mga girls with my reaction, pero wala ako sa mali... That was a normal reaction you'd expect from someone who was trying to catch up a culprit...!

"Ang pinaka-sad lang with this fiasco is a misunderstanding, e. That could have been cleared... These people are from GMA!... I'm not naman here every day, but I'm here... You could have at least talked to me!... Until now, I'm still waiting for those ladies to show up para gusto kong marinig from their mouth exactly kung ano ang interpretasyon nila ng mga pangyayari...

"Ang pinag-uusapan natin dito was reckless driving on the part of the taxi driver and me trying to do my part as a responsible citizen to stop people like those.

"Did they do their part? Sana man lang, kinuha nila ang detalye ng taxi. Kinuha ba nila?"

WITNESSES. Lasing nga ba siya nung gabing 'yon?

"I have witnesses that night. Sabi ko nga, si Rob Sy, galing kami sa kainan no'n, kay Kuya Chris ng Survivor Season 2, kasama ang misis niya."

May itinuro pa si Kiko na isang factor na pabor sa kanya. "I drive an untinted car. That's my regular service. Why would I do something stupid when I know that my hair alone is enough to attract attention?"tanong ng dating Survivor castaway na kilala sa kanyang dreadlocks.

"The girls could have reported the taxi... Umuwi ako na klaro ang kunsiyensiya ko... Tapos, malalaman ko na lang na sila pala ang nagsimulang magkuwento, ganyan-ganyan... sa print media!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Kiko na nasaktan siya na Kapuso pa man din ang nag-spill sa diyaryo.

"Hindi ko na hinabol kasi nakita kong andun sila! Walang pakundangan ang taxi driver sa safety nung babaeng lumabas [ng kotse]... Kung sino ka man, alam mo kung sino ka."

SUPPORT FROM FRIENDS AND FAMILY. Alam ba ni Kiko kung magkakaroon ng consequence ito, o wala siyang pakialam?

"No. It's not that I don't care, but people know me. Ang sa akin, maraming maninira sa 'yo. Maraming magsasabi ng shit about you, buong buhay mo!

"And if you're gonna be bothered by that, walang mangyayari sa 'yo. Pero what you do, instead na pinoproblema mo yung iisipin ng iba, you work on the relationships that you have, on the people na alam mong kilala ka. Kasi, from these people... kasi, kakalat 'yan e. 'Hindi naman totoong ganito si Kiko!'...

"Kanina lang, may nagsabi sa akin, 'I don't believe the story.' Sabi ko, 'Thank you for believing, thank you for having faith in me.'"

May message ba siya sa girls na "nasindak" sa kanya that night?

"Unang-una, sorry kung natakot sila... All this, probably siguro yung fear nila about the situation.

"Pero I didn't do anything wrong!... I was just doing my responsibility as a responsible citizen to apprehend a culprit who was trying to escape from his responsibility...

"I just feel bad na na-focus yung mata nila sa akin dahil ako yung prominent. Ako yung sinasabi nilang, 'Taga-GMA News and Public Affairs ka pa naman!' Yun yung masakit, e."

Naapektuhan ba ang pamilya niya sa gulong kinasangkutan niya?

"No, coz they know who I am. Tinanong ako ng daddy ko... Sabi ko, 'Ano sa palagay mo, Dad?' 'Hayaan mo na yun, kilala kita! 'Saka kilala mo ang sarili mo,' sabi sa akin ng daddy ko...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ang sabi niya, 'Sa susunod, 'wag mo nang habulin, kasi, yung mga gano'n, tatakbuhan ka lang!... ikaw pa ang may kasalanan! Kita mo nangyari sa 'yo?'

"Inasar pa nga ako ng daddy ko, tapos, tawanan na lang kami. My family is supporting me during this issue.

"Walang nag-nega sa akin kahit na friends ko. Kinakantiyawan lang na, 'Uy, bad boy!' Pero gano'n lang yun. Kilala nila talaga kung sino ako, at yun ang mahalaga for me," pagtatapos ni Kiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN