Ara Mina reveals her true feelings about Sunshine Dizon's exit from Tinik Sa Dibdib

IMAGE 0


"Pinakaayaw ko sa kanya... siguro yung moody kasi nga bata pa. Minsan kasi magte-text ka sa kanya, tapos hindi ka niya sasagutin. After two days pa minsan bago ka niya sagutin. Pag moody siya, gusto niya huwag mong iistorbohin," says Ara Mina about sister Cristine Reyes.


All-out support si Ara Mina sa kanyang kapatid na si Cristine Reyes nang dumalo siya sa premiere night ng movie ni Cristine with Richard Gutierrez, Patient X, sa SM Manila Cinema 4 last Sunday, October 25. Bukod kay Ara ay present din sa premiere night ang kanilang ina, si Frances Klenk, at ang iba pa nilang mga kapatid.

Bago nagsimula ang movie screening ay nagawa pang ma-interview si Ara ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press.

Tinanong ng PEP kay Ara kung ano ang feeling niya na ang Patient X ang pinakamalaking movie ni Cristine, so far?

"I'm happy for her," nakangiting sabi ni Ara. "Kumbaga, siguro it's time naman na mabigyan na rin siya ng break na ganito. That's why nga nag-produce ako before. Sabi ko nga, i-reissue ko kaya yung movie na Ate. Kasi yung time na ni-launch ko yun, ano pa siya, e, yung undecided pa siya kung lilipat siya o hindi [from GMA-7 to ABS-CBN]. Yun siguro puwedeng i-reissue."

Nakikita niya ba na parang sumusunod sa yapak niya si Cristine?

"Kahit hindi niya sabihin, nakikita ko. Kasi ganun naman talaga, e. Kung ako may ate ako na nauna, kunwari siya yung ate ko, siya yung nauna, susundan ko rin yung yapak niya, di ba? Wala naman sigurong mali sa ginawa kong steps sa career ko."

THE BUZZ ISSUE. Bagamat hindi napanood ni Ara, may nakapagkuwento sa kanya tungkol sa recent interview ni Cristine sa The Buzz, kung saan sinabi ng batang kapatid na ang pinakaayaw niya sa Ate Ara niya ay ang pagiging tsismosa nito. Anong naging reaksiyon ni Ara nang malaman niya ito? (CLICK HERE to read related story.)

"Nag-react nga ako. Sabi ko nga, ha, ano?" sambit ni Ara. "Nag-text nga siya sa akin. Nakarating nga rin sa kanya na medyo nag-react ako. Sabi niya sa akin, ang gusto niya raw sabihin talaga is 'makuwento.' Sabi ko, iba ang makuwento sa tsismosa. Kasi kinakabahan siya. Pag 'Tough Ten' [segment] talaga kasi nakakakaba, di ba? May musical background pa na nakakakaba. Sabi ko nga sa kanya, mas tsismosa ka pa kaya sa akin. Na-tense lang siya. Panay nga ang text niya, nagso-sorry."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung siya naman ang tatanungin, ano ang pinakaayaw niya sa ugali ni Cristine?

"Pinakaayaw ko sa kanya... siguro yung moody kasi nga bata pa. Minsan kasi magte-text ka sa kanya, tapos hindi ka niya sasagutin. After two days pa minsan bago ka niya sagutin. Pag moody siya, gusto niya huwag mong iistorbohin."

Ano naman ang gusto niyang ugali ng kapatid?

"Ang gusto ko sa kanya, yung extreme sweet. Ano kasi siya, e, kung hindi siya sweet, hindi talaga siya sweet. Pero kung sweet siya, super sweet. Like itong premiere night, sabi niya, 'Ate, ano ang gagawin mo? Sama mo yung boyfriend mo.' Sabi ko, 'Hindi mahilig sa horror yun. Ano yun, e, takot yun e.' Sabi ko, 'Sige attend ako.' So, nandito kami buong family to support her. Tapos nung nag-text ako sa kanya, yung sa tsismosa, sabi ko, 'Okay na, hindi na ako galit. Okay, I love you.' Sabi niya, 'I love you too.'"

SUNSHINE DIZON. Sinamantala na rin ng PEP ang pagtatanong kay Ara tungkol sa pagtanggal kay Sunshine Dizon sa afternoon soap ng GMA-7 na Tinik Sa Dibdib, kung saan kasama sa main cast si Ara. Ilang taping ang hindi sinipot ni Sunshine, nang walang sapat na paliwanag. Hanggang sa magpalabas na nga ng statement ang GMA-7 na nagsasabing nagdesisyon silang pagpahingahin si Sunshine dahil sa "health problems."

Si Nadine Samonte ang pumalit kay Sunshine bilang Lorna, na sa istorya'y naaksidente at sumailalim sa plastic surgery kaya't nabago ang mukha nito.

Tinanong ng PEP kay Ara kung kaeksena ba niya si Sunshine noong hindi nito sinipot ang taping ng Tinik Sa Dibdib?

"Kaeksena ko siya, but hindi pa ako dumarating sa set. Kumbaga, kasi siya yung unang kukunan bago ako. Then, na-pack up. Then, the second time nung second day, tinext ako nang maaga na, 'Don't proceed sa location yet.' Sabi ko, ganun. So, natulog muna ako. Paggising ko, wala pa rin, siguro mga before lunch. Tapos pinack-up na," salaysay ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naging reaksiyon niya sa ilang beses na pag-pack up ng taping nila dahil kay Sunshine?

"Parang naano lang ako... Kasi okay naman siya noong nagtatrabaho kami, e. Hindi ko naman nahalatang may problema siya or something."

Nairita ba siya noon?

"Parang ipokrita ko naman kung sabihin kong hindi, di ba?" sabi ni Ara. "For me, I have nothing against her. Kasama ko na siya since Kung Mawawala Ka. I mean, na-experience ko na yung ganun [ugali] niya. But, hindi ko akalain na may ganito pa rin palang factor. Sayang kasi magaling siyang artista, e. Yung iba nga nade-depress na... nagsu-suicide na dahil nga walang trabaho. E, ikaw may trabaho.

"So, nung Wednesday and Friday kami na-pack up. Nung Monday, wala na kaming taping. I don't know why kung bakit wala kaming taping. So, isang linggo akong walang taping noon, natengga lang ako. May pumapasok na raket, hindi ko tinanggap kasi naka-block off yun for taping. Actually, maraming naapektuhan, hindi lang ako. Yung ibang crew nandun na, e. Siyempre kapag pack-up ka, wala kang pay," himutok ng aktres.

Pero ano ba ang napuna niya kay Sunshine during their tapings bago mangyari ang naturang insidente?

"Okay naman siya. Feeling ko lang pagod siya, kung titingnan mo siya. Kasi may Unang Hirit pa yata siya that time, e. So, parang... pero nakakatawa pa naman siya. Nakakapag-usap pa naman kami. Pero all of a sudden, ganun. Kasi ako... kung lovelife ang problema, dapat hindi mo dinadala sa set. Dapat inspiration yun, e. Ako nga nahiwalay na lahat-lahat kay Jomari [Yllana], nakukuha ko pang magtrabaho nang todo-todo," saad ni Ara.

So, sinasabi niya bang totoo ang intrigang lovelife daw ang naging problema ni Sunshine?

"Ang naririnig ko lang din, yun nga. Pero I have no idea. Kasi ang dami ngang lumalabas, e. Wala akong number niya. I have no communication with her. Even the staff, walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanya, kahit ang EP [executive producer] namin. Ni hindi nga raw tumawag to say sorry man lang. Wala ni ha, ni ho. Wala, walang nakakaalam sa amin kung ano talaga ang totally nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo rin ba yung isyung pumupunta raw sa set ang boyfriend ni Sunshine na sinasabing kapatid daw ni Tanya Garcia?

"Hindi, wala, walang dumadalaw," sagot ni Ara. "Wala akong nakikitang dumadalaw. I don't know kapag nasa ibang location siya. Kasi yung room namin ni Michelle Madrigal sa taas, siya [Sunshine] sa ibaba."

Kumusta naman sila nang pumalit kay Sunshine na si Nadine Samonte?

"So far, hindi pa kasi kami nagkakasama sa taping, e. Kaya wala pa akong masabi."

Umaasa naman si Ara na susuportahan pa rin ng mga tao ang Tinik Sa Dibdib kahit na si Nadine na nga ang bida nito.

"Pero I hope suportahan pa rin nila yung show kasi nanghinayang lang ako pag pumupunta ako sa district namin. Sinasabi kasi nila, 'Ang ganda n'yo ni Sunshine.' Yung tandem daw namin together maganda daw. So, nung sinasabi nilang maganda yung tandem namin, alam ko na yung news noon na papalitan na nga siya. Sabi ko nga sa sarili ko, naku, kung alam n'yo lang po, iba na po. Wala na po si Sunshine. Hindi pa kasi ina-announce noon na wala si Sunshine, e," lahad ni Ara.

RUNNING AS Q.C. COUNCILOR. Sigurado na ang pagtakbo ni Ara sa 2010 elections bilang konsehal sa District 2 ng Quezon City.

"Councilor lang. Ayoko naman masyadong ano... Mas magandang mag-start sa mababa. And kasi balak ko pa rin naman mag-work. Ayoko naman na mabigat na yung responsibility. Pero as councilor nga lang, mabigat na nga rin, lalo na sa District 2. Kasi ang District 2, pagsamahin mo yung District 1, 3 and 4, mas malaki pa rin ang District 2," aniya.

Bakit niya naisipang sumabak na rin sa pulitika?

"Di ba, noon pa ako pinapatakbo? Noon, ayoko pa talaga. And marami ang nagtatanong kung pinatakbo ba ako ngayon [ng family ko]? I think this is the right time for me to run kasi I'm in the right age. At saka marami nang magla-last term and wala akong masasagasaan. Kumbaga, since 2001 na pag-iikot ko sa District 2, kumbaga, alam ko na yung mga pangangailangan nila, since naupo yung dad ko [Chuck Mathay] na congressman before," paliwanag ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba makakaapekto ang pagtakbo niya sa trabaho niya ngayon?

"No naman," sagot niya. "Actually, we're still waiting dun sa bagong resolution ng Comelec. Sa law po kasi, 45 days before election ang hindi na puwedeng lumabas sa TV. Pero wala pa silang ibinababang bagong batas. Kumbaga, waiting pa lahat. So, aayusin naman namin, if ever, ng GMA. Pero I hope hindi. Kasi before ang filing talaga is March. Ngayon lang ginawang November para they have enough time to do the... kasi automated na po tayo. Before kasi isusulat mo lang yung pangalan ng kandidato. Ngayon kasi ise-shade mo lang kasi naka-print na lahat ng names ng kandidato.

"Medyo unfair lang sa aming mga artista o kahit yung ibang nasa gobyerno kung titigil na kami sa pagtatrabaho. Six months kang walang trabaho? Kasi kahit paano nanghihinayang din ako sa trabaho. Kasi magastos ang pagtakbo, e. Parang medyo... bigyan naman sana ng consideration, especially local lang naman kami, e. Kumbaga, sana sundan na lang ulit yung dating rule and medyo magbigay lang ng palugit kahit hanggang February kasi napaaga yung filing, e. Kasi sa election noong 2004 and 2007, ang nabasa ko kasi is after filing. E, ang filing noon, March. So, okay lang yung old. Pero ang filing ngayon is November. Wala pang ibinababa ang Comelec na bagong rule."

Sa ngayon daw ay wala pang partido si Ara.

"Hopefully, by November meron na akong partido. Sa ngayon kasi, I'm still waiting for the decision of my dad. Kasi baka magra-run siya, pero I don't know for what position."

Marami raw nag-o-offer kay Ara na sumapi sa kanilang partido.

"Marami ang nagsasabi na, 'O, puwede ka rito sa amin.' Pero alam naman nila na hinihintay ko pa ang decision ng family ko. Si [Councilor Ariel] Inton, ini-invite niya ako for a meeting at saka sa mga event niya, pero hindi pa nga ako nakakapunta dahil nga may taping ako, ganun. Si Herbert [Bautista] kanina nakasabay ko sa basketball tournament na pinuntahan ko, yung kay Joy Belmonte [daughter of QC Mayor Sonny Belmonte]. Sa ngayon, wala pa talagang definite, kung partido ang pag-uusapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN