Iza Calzado replaces Sunshine Dizon as StarStruck V Council member

IMAGE 0


"Kasi personal thing yung nangyari sa kanya. Siyempre kung ako lang from my end, siyempre, malungkot ako dahil sayang yung concept ng shows na back-to-back kami. Pero it is what it is. We have to accept whatever has come our way, whatever has happened. Wala, ganun talaga," says Iza Calzado about Sunshine Dizon's exit from Tinik Sa Dibdib.


Nakakatuwang panoorin si Iza Calzado habang nakikipag-live chat siya sa kanyang mga fans kahapon, October 28, through iGMA.tv. Game na game sa pagsagot si Iza sa mga tanong ng fans at lumabas nga ang kanyang itinatagong kakulitan sa live chat na in-organize ng GMA New Media Inc. (NMI), bilang bahagi rin ng promotion ng pinagbibidahan niyang Sine Novela Presents Kaya Kong Abutin Ang Langit.

Ito ang first solo live chat ni Iza sa iGMA.tv kasi ang dalawang naunang chats niya ay nakasama niya si Sunshine Dizon sa una for Impostora at sa pangalawa naman ay si Francine Prieto for ESP.

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iza after ng live chat at ang tungkol dito ang agad naming inusisa sa kanya. Kumusta naman ang first solo live chat niya?

"It felt lonely," pabirong umpisa ni Iza. "Kaya nga nangungulit na ako kanina, e. Pati yung handler ko dinadamay ko na. Para kasing hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko lang kasi masaya at makulit yung live chat. I tried to make the most out of it."

Ano ang pinaka-nagustuhan niya sa mga message na natanggap niya mula sa mga fans?

"Ay, madami! Gusto ko yung mga kakornihan pero cute, like yung, 'Alam mo ba, Ate Iza, merong iba't ibang types ng view. Merong front view, back view, side view. Pero ang pinakamagandang view daw is love view [love you].' Gusto ko yung ganun. Tapos gusto ko yung mga tanong nila about sa mga shows ko at sa next projects ko."

Isang fan naman na naunang mag-log on sa live chat ang nabigyan ng pagkakataon na makausap sa cell phone ni Iza. Ang pangalan ng fan ay Ken at naka-base siya ngayon sa Malaysia. Ayon kay Iza, matagal na niyang fan si Ken since Encantadia days pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Ken, avid fan talaga ng Encantadia yun. Isa siya sa mga tinatawag nating Encantadics. Tapos sabi niya pinapanood niya raw ang Kaya Kong Abutin Ang Langit sa Internet. At saka laging may feedback yun, e. Nakakatuwa lang talaga yung support na ibinibigay ng mga fans katulad ni Ken," saad ni Iza.

KAYA KONG ABUTIN ANG LANGIT. Sumunod namang tinanong ng PEP kay Iza ay kung ano pa ang mga aabangan ng fans sa kanyang panghapong soap sa GMA-7 na Kaya Kong Abutin Ang Langit?

"Naku ang, dami pa!" bulalas niya. "Magiging isa nang Gardamonte si Clarissa Rosales. At abangan n'yo kung ano yung mga mangyayari kay Daryll [Wendell Ramos] at kay Clarissa. Talagang exciting na. At si Nick [Bobby Andrews], ang mga pangba-blackmail niya kay Clarissa, patindi na nang patindi."

Ini-enjoy niya ba ang pagiging bida-kontrabida sa naturang soap?

"Oo naman," sagot ni Iza. "Ano lang minsan, parang kailangan mong ilugar yung sarili mo, na nasabi ko kanina sa chat yun na parang hindi ka puwedeng maging super evil kasi kailangan mahalin ka pa rin ng mga tao. Yung simpatiya nila kailangan nandun. Tapos, that's why we keep the story of it from the original. So far, masaya naman ako dun sa itinatakbo ng istorya.

"At saka I've been getting good feedbacks. Sobrang natututwa ako, kasi kahit si Direk Mac Alejandre, sinabi niya nung isang araw, maganda raw, napapanood niya. Ako, hindi ko napapanood kasi ang dami ko ngang sked. Sobra ko lang tuwa kasi yung mga nakatrabaho ko dati na mga EP [executive producer] at saka mga staff, sinasabi nila na nagugustuhan nila yung takbo ng istorya namin.

"So, thank you po sa GMA network for entrusting me with the role, with the story of Kaya Kong Abutin Ang Langit. At siyempre sa creative team namin, thank you so much to the writers, sina Aloy [Adlawan], Dinno [Erece], everybody else. Of course, to Direk Topel [Lee] and to the whole cast, thank you so much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HALLOWEEN. Since malapit na ang Halloween, tinanong naman namin kay Iza na kung mayroong siyang iti-trick sa mga taga-showbiz during trick or treat, sino ito?

"Si Manny Pacquiao," mabilis na sagot i Iza.

Bakit si Manny?

"Wala lang, natutuwa lang ako sa kanya. Kaya lang, baka mamaya suntukin ako!" natatawang sabi ni Iza.

E, kung may bibigyan naman siya ng treat sino naman ito?

"Sila Karylle. Yung mga ka-close ko, yung mga kaibigan ko, sina Isabel Oli, Diana Zubiri... All the people that I've worked with."

Si Sunshine Dizon ba kasama sa bibigyan niya ng treat?

"Sure," nakangiting sagot ni Iza.

SUNSHINE DIZON. Speaking of Sunshine, dahil sabay ngang ni-launch ang kanilang mga Sine Novela, Kaya Kong Abutin ang Langit for Iza at Tinik Sa Dibdib for Sunshine, ano ang feeling niya sa pagkakatanggal ni Sunshine sa soap nito?

"Tinanong kasi ako dati, sabi ko, 'I don't know if I have the right to say anything.' Kasi personal thing yung nangyari sa kanya. Siyempre, kung ako lang from my end, siyempre malungkot ako dahil sayang yung concept ng shows na back-to-back kami. Pero it is what it is. We have to accept whatever has come our way, whatever has happened. Wala, ganun talaga," maingat na pahayag niya.

Dahil ilang beses na rin niyang nakatrabaho si Sunshine before, yung mga diumano'y complaints ba nung mga nakasama ni Sunshine sa Tinik Sa Dibdib ay naranasan niya rin?

"Wala akong alam diyan," pag-iwas ni Iza. "Ayoko lang mag-ano diyan, kasi medyo mahirap na. Very sensitive issue siya."

STARSTRUCK V COUNCIL MEMBER. Dahil ayaw na ngang pag-usapan ni Iza ang tungkol sa nangyari kay Sunshine ay nag-iba na kami ng topic. Ang tungkol na lang sa pagiging bahagi niya ng StarStruck V Council ang tinanong namin kay Iza, lalo na nga't siya ang pumalit sa dapat sana'y puwesto ni Sunshine Dizon sa Council.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dahil ayaw na nga niyang mag-react tungkol kay Sunshine ay inihayag na lang ng Iza ang excitement niya sa bagong kaganapang ito sa kanyang career.

"Siyempre excited ako. I know na maraming kasamang pressure na kasama nung show. Kasi baka may magtanong kung ano ba ang karapatan ko as Council member? Basta ako gagawin ko na lang yung trabaho ko at ie-enjoy ko every moment of it. I know I will learn a lot. Nae-excite ako kasi magiging part ako ng StarStruck."

Ano klaseng Council member ang mapapanood ng mga tao sa kanya?

"I don't know. Alam mo, I will only know on the first day. But I will be as honest as I can be. No sugarcoating as much as possible. Pero mabait naman kasi ako... I take it easy on people. Siyempre alam ko rin na I should never hurt a person's feeling. Siguro it works for some, pero hindi yun ang style ko. For sure, I will not be a Simon Cowell [American Idol judge]."

Ano ang hinahanap niya sa isang StarStruck Survivor?

"Yung may potential. Yung puwedeng mag-crossover from singing to dancing to acting. Especially acting, kasi dun naman sila kadalasang nilalagay and pinapag-soap opera talaga nila. So, kumuha na tayo ng magaling umarte. Kumuha na tayo ng may star factor. Kumuha na tayo ng mabi-buildup into becoming a real star," saad ni Iza.

ALJUR & KRIS. Isa sa mga naging tanong ng fans kay Iza sa live chat kung sino among sa StarStruck Survivors ang gusto niyang makatrabaho na hindi pa niya nakakatrabaho. Ang sagot ni Iza ay sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

"Oo, sina Kris at Aljur. I'd love to work with them given a chance, maybe a movie or in a soap."

Isa si Iza sa mga artistang dumalo sa premiere night ng launching movie nina Kris at Aljur na Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo under Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinuportahan ko lang. At saka si Direk Maryo J. [de los Reyes] ang direktor nung movie, na malapit din sa puso ko kaya nandun ako nung gabing iyon," banggit ni Iza.

So, balewala na ba sa kanya yung nangyaring "upstaging issue" sa kanila nina Kris at Aljur noong premiere night naman ng Hollywood movie ni Iza na The Echo? Gumawa kasi ng eksena si Aljur nang bigyan niya ng bouquet of flowers si Kris sa naturang premiere night.

"Wala naman talaga yun. Actually, nobody can upstage you on the premiere night of your own movie, ever. But it's a very petty issue. Wala yun. Okay kami nina Kris and Aljur. And nag-sorry naman sila. Natawa na nga lang ako, e. Alam ni Aljur yun," sabi ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN