Marian Rivera finally meets fellow Darna Angel Locsin

IMAGE 0


"Sabi niya, 'O, kumusta na?' Sabi ko, 'Okay ako.' Tapos sabi ko, 'Salamat nagkita na rin tayo. Matitigil na yung mga tao na sinasabing hindi tayo magkasundo. Halika, picture-picture.' Nag-picture-picture kami, magka-hug kaming dalawa. Tawa kami nang tawa. Sabi ko nga sa kanya, 'Thank you.' Tapos thank you rin siya nang thank you na tinulungan ko siya sa auction," says Marian Rivera (in photo) about her encounter with Angel Locsin.


Kasalukuyang nasa Singapore ngayon sina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa promotion ng DVD version ng pinagsamahan nilang telefantasya sa GMA-7, ang Dyesebel. Alas-kuwatro kaninang madaling araw, October 30, sila umalis.

Mag-i-stay sila roon hanggang bukas, October 31. Sa November 1 hanggang 2 ay pupunta naman sila sa Malaysia. Magkakaroon din sila ng shows at fans day sa naturang mga bansa. Sa Martes, November 3, na raw ang balik nila sa Pilipinas.

Kuwento ni Marian, "Kasi ni-request kami ng mga tao doon para sa Dyesebel, kasi nailagay na siya sa DVD. Request kasi ng mga tao doon na sana makita nila ulit kami ni Dingdong together. So, dalawang araw sa Singapore, dalawang araw sa Malaysia. Tapos, uuwi na ulit dito. Tapos, taping na ulit. Naghahabol kasi kami dahil masyadong madugo ang Darna."

Nakausap ng PEP (Philippine Etertainment Portal) at iba pang press si Marian sa taping ng Darna kahapon, October 29, sa St. James Church sa Plaridel, Bulacan.

NUMBER ONE. Hindi na talaga matawaran ang kasikatan ngayon ni Marian. Balik siya sa pagiging Primetime Queen dahil simula nang mag-umpisang umere ang pinagbibidahan niyang Darna sa GMA-7, hanggang ngayon ay nangunguna pa rin ito sa Metro Manila ratings. Ano ang masasabi ni Marian dito?

"Talaga? Minsan kasi hindi na ako nakakatanggap ng ratings sa sobrang dami ng trabaho ko, hindi ko na napapansin. Pero pag may napagtatanungan ako, ano ba ang ratings, natutuwa naman ako kasi at least number one pa rin sa ratings," nakangiting pahayag niya.

Aminado naman si Marian na malaki ang naging epekto sa ratings ng nangyaring trahedya noong bagyong Ondoy, kung saan malaking parte ng Metro Manila ang nawalan ng kuryente.

"Oo nga, e, ang dami ngang nagte-text kay Ate Vangie, sa handler ko, na, 'Naku, pakisabi kay Yan-yan [palayaw ni Marian], hindi kami nakakapanood kasi walang kuryente.' Ang tagal din nilang nawalan ng kuryente. Yung ibang parte nga ng Marikina, sabi, hanggang ngayon wala pa ring kuryente."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami pa raw dapat abangan sa Darna, gaya na lang ng kinunang eksena during our set visit—ang wedding scene nina Narda at Eduardo, played by Mark Anthony Fernandez, na guguluhin nina Babaeng Lawin (Ehra Madrigal) at Babaeng Tuod (Francine Prieto). Mas tumitindi pa raw ang mga eksena lalo na nga't mas dumadami pa ang mga kalaban ni Darna.

"Si Cobra kasi natalo ko na. Pero may iba pang kalaban na si Zandro ang pangalan, na si Paolo [Contis] din yun. Tapos ayan, matatalo ko na si Babaeng Tuod at si Babaeng Lawin, pero papasok naman si Linta [Maggie Wilson]. Tapos pag natalo ko si Linta, papasok na ulit si Valentina [Iwa Moto]. So, ang dami-dami, sunud-sunod sila. Si Serpina, lalaki rin at magiging kalaban ko."

Tumitindi rin daw ang mga fight scenes ni Marian.

"Ayan, may panibago na naman akong sugat at saka pasa. Hindi kasi talaga maiwasan, e. Kasi kahit naman sina Direk Dom [Dominic Zapata], ayaw din naman nila na masusugatan ako. Pero wala, e, pag fight scene talaga at bigay todo ka, hindi mo naman maiwawasan na sana huwag kang masugatan, huwag kang maano. So, sige, basta fight scene iba-block ni Direk, tapos gagawin na lang," sabi niya.

KATRINA & DENNIS. Nadadagdagan din ang mga bagong tauhan na pumapasok sa istorya ng Darna. Nabalita pa nga na papasok na rin sa Darna sina Katrina Halili, bilang bagong kontrabida, at si Dennis Trillo, na kababata ni Narda. Kinumpirma naman ito ni Marian at na-excite daw siya dahil makakatrabaho ulit niya ang dalawa na kasama na niya sa ibang projects noon.

Ano ang feeling niya na yung tandem nila ni Katrina as bida at kontrabida ay bumalik dito sa Darna?

"Nakaka-excite kasi nagsimula yun sa Marimar, e, siya yung kontrabida ko. This time, ganun ulit. 'Sige,' sabi ko, 'exciting 'yan,'" sambit ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal pa raw ang itatakbo ng Darna sa telebisyon. Ang alam ni Marian ay hanggang January 2010 pa siya magte-taping. Kaya malamang hanggang February or March pa sa ere ang Darna.


ANGEL LOCSIN. Natutuwa naman si Marian na finally ay nagkita at nagkausap na sila ng isa pang Darna, si Angel Locsin. Two weeks ago ay nagkaroon ng pagkakataon na magkita ang dalawa kaugnay na rin ng paghingi ni Angel ng tulong kay Marian para sa inilunsad na proyekto ng una na Shop and Share, kung saan nangangalap si Angel ng mga gamit ng celebrities na ipinapa-auction. Ang kikitain dito ay ido-donate sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

"Alam n'yo, natuwa ako diyan," sabi ni Marian. "Nung una kasi, nag-text sa akin si Popoy [Caritativo, Marian's manager], sabi niya, 'Yan, nag-text si Angel.' Sabi ko, 'Anong sabi ni Angel?' 'Forward ko sa 'yo,' sabi ni Popoy. Tapos may pangalan ako doon sa text, sabi niya, 'Sana matulungan mo ako.' Ganyan-ganyan. So, binigyan ko rin talaga ng time si Angel na makita siya at makapag-usap kaming dalawa. Yun nga, nagpa-auction nga siya sa website niya [www.shopandshare.ph] para sa mga biktima ng bagyo."

Paano sila nagkita ni Angel?

"Pumunta siya sa bahay ni Popoy. Tapos, pumunta ako sa bahay ni Popoy. Yun, nagkita kami, nag-usap kami. Sabi niya, 'O, kumusta na?' Sabi ko, 'Okay ako.' Tapos sabi ko, 'Salamat nagkita na rin tayo. Matitigil na yung mga tao na sinasabing hindi tayo magkasundo. Halika, picture-picture.' Nag-picture-picture kami, magka-hug kaming dalawa. Tawa kami nang tawa. Sabi ko nga sa kanya, 'Thank you.' Tapos thank you rin siya nang thank you na tinulungan ko siya sa auction," kuwento ni Marian.

Ano ba ang mga gamit na ibinigay niya kay Angel?

"Dinonate ko yung yellow gown na sinuot ko sa GMA anniversary special namin. Tapos yung sinuot ko sa concert ko sa L.A., na sinuot ko sa 'Chiquita,' binigay ko sa kanya. Tapos, isang bag. Sabi ko, kung meron ba siyang ibang kailangan, sabihin niya lang at willing talaga akong tumulong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-usapan din ba nila yung mga intriga sa kanila, lalo na yung pagsasabong sa kanilang dalawa?

"Actually, hindi na namin masyadong inungkat yun," sagot ni Marian. "Nag-thank you na lang ako na at least matitigil na yung tsismis sa aming dalawa. Sabi niya, 'Oo nga, oo nga. Hayaan na natin yun. Ang importante okay tayo.'

"Tapos kinongratulate ko siya kasi, di ba, na-nominate siya sa [International] Emmy na best actress? Sabi ko, 'Hoy, congrats, ha!' Sabi niya, 'Oo nga, pupunta ako doon.' So, ang ganda ng una naming kita na alam naman naming dalawa na wala namang something sa aming dalawa. So, yun, happy ako na nagiging maayos ang lahat. Tapos, natuwa rin si Popoy kasi good friend niya si Angel, e."

Gusto niya bang gumawa sila ni Angel ng project together?

"Oo naman, bakit hindi? Hindi ko lang alam kung paano. Sa TV kasi parang mahirap, di ba? Siguro sa commercial puwede," sabi ng Kapuso star.

Napag-usapan din ba nila ni Angel ang pagda-Darna niya?

"Actually, oo. Kinumusta niya nga yung pagda-Darna ko. Sabi ko, 'Eto, okay naman kahit puro sugat-sugat.' Sabi niya, 'Ay naku, ganyan talaga. Ako rin ang dami lalo na yung singit ko!' Dahil nga yun sa harness."

ANNE CURTIS. Masaya ring ikinuwento ni Marian na hindi lang si Angel ang naging kaibigan niya dahil sa auction. Maging si Anne Curtis, na katulong ni Angel sa Shop and Share, ay nagiging ka-close na rin niya.

"Natutuwa rin ako kasi si Anne, di ba, katulong siya ni Angel diyan sa auction? Si Anne kasi kilala ko lang siya as Anne Curtis. Tapos ngayon, magka-text kaming dalawa dahil sa auction na 'yan. Parang 'yan pa ang naging dahilan para, alam mo yun, 'Uy, may gagawin ka ba tonight? Labas tayo.'

"Alam mo ba, dahil sa auction na 'yan ay nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Naging ka-text ko si Anne. Tapos, okay na kami ni Angel. So, ang dami talagang maganda na nangyayari," masayang pahayag ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN