Vina Morales says having a baby fulfills her even without a lovelife

IMAGE 0


"My priority now is my daughter, myself, my career. Kasi, 'yang mga lalaking 'yan, mawawala, madaragdagan nang hindi mo alam. But you know, I'm just being honest," declares Vina Morales.


One of the October birthday celebrators ng Star Magic si Vina Morales, kung kaya't present siya sa birthday presscon na ipinagkaloob ng Star Magic sa kanilang mga alaga na nag-birthday ng September at October. Ginanap ang presscon kahapon, October 30.

Vina turned 34 last October 17. Ito ang kauna-unahang birthday niya na mommy na siya. Ibang-iba ang glow niya at saya kapag ang pinag-uusapan ay ang six-month-old daughter niyang si Ceana.

Mabuti at hindi siya nakaramdam ng separation anxiety sa anak now that she has resumed her showbiz career?

"Lately, naaaliw ako kapag may trabaho ako. Like sa ASAP, di ba, may live at taping kami? Bumisita siya dun sa bandang gitna, during break time namin. So, hindi ko pa nararamdaman for now. Pero I guess kapag nag-concert na ako abroad, yun yun! Masisira na ang ulo ko!" natatawa niyang sabi.

Pero kung isang buwan o dalawang buwan ang engagement sa abroad, malamang ay isasama raw niya ang anak.

"For now, happy ako na naisasama ko siya at gusto naman niya. Ang nakakaaliw, yung mga staff, mga tao, inaalagaan siya. So I never had a problem. Hindi naman siya umiiyak. Nag-guest na rin siya sa Ruffa and Ai, mom and baby ang topic and she never cried. Kaya sabi ko, 'Wow, ang galing ng anak ko, a!' Pero siyempre, 'sangkatutak na dasal na, 'Sana Lord, huwag umiyak at magwala si Ceana.' At the end, okay, okay ang kinalabasan and everyone loved it, nag-enjoy sila," kuwento niya.

LOSING EXCESS POUNDS. Ngayong naranasan na niyang magkaroon ng sariling baby, naiisip na rin ba niyang bigyan ito ng kapatid?

"Dyusko!" natatawang sabi ni Vina. "Naku, for now, happy ako kay Ceana. Ang hirap kayang magpapayat! Alam n'yo, sabi ko nga, noong nagdyi-gym ako, sabi ng nagti-train sa akin sa Gold's Gym, puwedeng ano na, ibalik ko na ang abs ko? Kasi before, they always say kapag nagwo-workout sila, 'Gusto ko yung abs ni Vina.' Gusto ko, ganoon pa rin ang marinig hanggang ngayon. Kaya, dyusko, when I was there, sabi niya, 'Hindi ka pa talaga puwedeng sobrang abs na workout.' Kasi, fresh pa yun sa loob. Sabi ko, kahit light lang. Kasi, gusto ko medyo flat ang tiyan ko, which is nagpa-flat na naman ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So far, nasa eight to ten pounds pa raw ang kailangan niyang i-lose para ma-achieve ang ideal weight niya.

As a new mommy, wala rin daw problema kay Vina kung sakali man magpaseksi pa rin siya.

"Bakit naman hindi kung may ipapakita pa rin ako!" natatawa niyang sabi. "Yun pala, baka magalit sa akin si Ceana! Siguro during concert, sing and dance, ganoon pa rin. Hindi mawawala sa akin yun. In terms of sexy clothes, when I'm really, really ready."

What about as cover girl for men's magazines since nauuso ngayon ang "hot mommas"?

"Pag payat na siguro ako," nakangiti niyang sabi.

Pero open siya sa ganoong idea?

"Parang medyo!" natatawang sagot ni Vina. "Nakaka-inspire din yung mga hot momma. Pero pasalamat din ako dahil for a six months who just gave birth, ang bilis din ng pinayat ko. Pero ang laki rin naman ng hirap na dinaanan ko rin. It's not a joke para magpapayat nang ganun-ganun kabilis dahil sobrang mahirap."

CEDRIC LEE. Kinumusta rin namin kay Vina ang ama ng kanyang anak na si Cedric Lee.

"Okay naman kami and with Ceana around. But you know, honestly, now that I have a daughter, ni hindi ko naiisip ang sarili ko. Hindi ko pinoproblema kung may nangyayari sa personal ko, I don't really think about it. Kasi yung focus ko, kay Ceana. I don't really understand why. I think ganoon yata ang bagong mommy or mommy. Na parang buo ka na maski ano pa ang mangyari sa lovelife mo. Sino ba naman ang makakapagsabi kung sino ang makakatuluyan mo? Nobody can tell who you will end up with."

Dagdag niya, "Pero siguro, dahil may anak kami, kung anuman ang difference namin, kung anuman ang hindi pagkakaunawaan or may mga away or whatsoever, hindi ko na naiisip yun. Kasi para sa akin, yung focus ko, yung anak ko. My priority now is my daughter, myself, my career. Kasi, 'yang mga lalaking 'yan, mawawala, madaragdagan nang hindi mo alam. But you know, I'm just being honest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, ilang beses ko na rin sinasabi, hindi ako ang nanganak kay Ceana. Siya ang nanganak sa akin. Nagbago ako, nagbago ang outlook ko in life in a positive way. Para sa akin, pasalamat pa ako sa kanya dahil nag-iba ang mundo ko ngayon at pananaw sa buhay."

Hiningan din namin ng reaction si Vina dahil sa diumano'y pagkakadamay ng pangalan ni Cedric sa pagkalat ng sex video noon nina Hayden Kho at Katrina Halili.

"That's a long-time issue and I cannot comment on that, kasi wala naman siya diyan, e, he's out of the picture. Pero huwag na lang natin siyang isama d'yan, hindi naman siya, e... Wala naman, e... There's no issue. Nothing to talk about, wala naman. It's hard to comment," sabi niya.

VINA'S RETURN. Ano nga ba ang plano niya ngayong nagbabalik na siya sa showbiz?

"It's so hard to plan. I'm giving it to Star Magic. Pareho na kami ng pamilya ni Shaina since I signed up with them before I got pregnant!" natatawa niyang kuwento.

Dagdag ni Vina, "I'm really happy that I am part of the family. Marami nga lang akong na-miss na tour nila, like their tour in U.S., kasi I just gave birth nun. But this time, finally makakasama na ako sa Araneta Coliseum. So, para sa akin, yung maging parte lang ng pamilya, ang sarap ng feeling. Siyempre, it's been a while na, doing concerts, medyo napahinga nga ako.

"I'm not in a rush. Kung merong project for me, okay. Kung wala pa, I'll just wait for the right time. Right now, happy ako sa ASAP."

May lumabas na balitang ang gusto raw niyang gawin ay soap opera?

"Gusto ko talaga... pati sa movies. Yun ang mga na-miss ko rin. Pero one at a time. I'm sure naman merong para sa 'yo, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakayanin ba ng schedule niya?

"Kaya ko yun. Kung sila Jodi [Sta. Maria] nga... Nag-uusap kami, 'Kaya mo ba, girl?' Tapos, dinadala pala niya si Thirdy. Ang sa akin lang, yung mga shows abroad. But I'm sure maaayos din, lalo na kung Star Magic naman ang mag-aayos," sabi ni Vina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN