Zoren Legaspi lets gossip about his children slide off his back

IMAGE 0


Zoren's children and Aga Muhlach's twins look alike. Ergo, they must be Aga's kids! The jump from speculation to conclusion, says a blasé Zoren, is "napakalayo. Hindi naman ganun yun na kunyari kamukha ni Manny Valera, anak siya ni Manny Valera. It doesn't follow. Kasi ako may mga kamukha na mga bata but it doesn't mean na sa akin yun."


Madiing itinanggi ni Zoren Legaspi ang balitang ibebenta nila ni Carmina Villaroel ang bahay nila matapos pasukin ito ng tubig baha noong bagyong Ondoy.

"Hindi, ayaw ibenta ni Carmina kasi suwerte yun, e," sabi ni Zoren tungkol sa bahay nila, na isa sa maraming binaha sa Pasig City.

"Sabi ko sa kanya, 'Gusto mong lumipat?' 'Oo.' Sabi ko, 'Kung lilipat tayo, ibebenta mo ba ito o hindi?' Sabi niya, ayaw niya. Suwerte nga raw. Magti-three years na kami doon," masayang pahayag ni Zoren sa set ng "Ukay-Ukay" episode nila ni Ruffa Gutierrez para sa Shake, Rattle & Roll ng Regal Films.

Sumasang-ayon naman siya kay Carmina?

"Well, ako parang ayoko. Ayokong ibenta yung bahay. Hanggang ngayon doon pa rin kami nakatira."

TWINS FOUND FUN IN FLOOD. Naapektuhan ba ang kambal nilang sina Maverick at Cassandra sa nangyari sa lugar nila noong bagyo?

"Alam mo ang mga bata, natuwa, e. Kasi naglalaro pa sila. 'Tsaka naka-ride sa mga mini-boat, e, na home-made kaya tuwang-tuwa sila."

Nabasa ba sa baha ang mga mamahaling bags ni Carmina, gaya ng Louis Vuitton?

"Ay, hindi naman, kasi hindi nga umabot sa... ni hindi nga umabot sa isang baytang ng hagdan namin, e. Hindi nga umabot sa electrical sockets, e. Kahit sa wall sockets, e. Tatlong floors yung bahay. Minor lang yung sa amin. Mababa lang ang tubig sa loob ng bahay. Yung big deal lang yung labas. Waistline lang. Pero hindi yung nangyari kina Cristine [Reyes], kina Jean Garcia, no."

Speaking of kids, parang buntot daw niya ang mga anak nila ni Carmina. Lagi raw kasama ni Zoren sina Cassandra at Maverick.

"Ngayon lang hindi, kasi shooting. Pero nagtri-train kasi sila ng tennis. Nagko-compete yung dalawang yun, e, sa mga tournament. Ako lang yung nagko-coach sa kanila talaga."

Tennis player ba siya dati?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Late bloomer ako but... pero ako yung nagko-compete dati."

May plano ba siyang dalhin sa Spain ang kambal para mag-training? Kilala ang EspaƱa sa magagaling nilang tennis academies.

"Ah, I think, puwede. Pero ang sa akin, I have my own theory of tennis, so yun ang tinuturo ko sa kambal."

ACTING POTENTIAL IN CASSANDRA. Bukod sa tennis, nakitaan na ni Zoren si Cassandra ng hilig sa pag-arte. Mahusay daw umiyak si Cassandra at malapot ang luha. Kung hindi matuloy sa pagte-tennis si Cassandra, okey lang kay Zoren na mag-artista ang anak. At the same time, naisip din niya na puwede itong maging beauty queen.

"Kapag nagshu-shoot kami ng commercial, pinapaintindi ko sa kanila na it's really work. Kaya behave sila kapag nasa commercial shoot kami, e. Alam nila na work yun, e, kaya hindi sila nagta-tantrums katulad ng ibang bata. Naiintindihan naman nila kasi matatalino ang mga anak ko at saka mababait. Kaya gustung-gusto sila ng mga taga-commercial.

"Kahit ako kapag nagdidirek ako, sinasabi ko sa mga magulang ng mga batang dinidirek ko na sabihin na it's really work. Kasi kapag sinabi mo na laro lang yun, maglalaro lang talaga sila. E, paano kapag nag-tantrums na? Wala ka nang magawa."

Ano ang tawag sa kanila ni Carmina ng kambal?

"Tatay, Nanay. Para sa akin kasi, mas napi-feel mo yun, e. Kapag nasa mall nga kami, tinatawag ako, 'Tatay!Tatay!' Napapatingin yung mga tao kasi tisoy na tisoy tapos tumatawag ng tatay," natatawang kuwento ni Zoren.

ONLY ON TV. Noong una pa mang ilabas nina Zoren at Carmina ang kambal nila, marami na ang nakapansin sa malaking pagkakahawig nila sa fraternal twins nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, lalo na si Maverick kay Aga. Ang kadugtong na tsika ay baka anak daw ni Aga si Maverick kay Carmina.

Sa pinakahuling TV commercial ng mga anak ni Zoren malaki na ang kambal at lalo pa raw tumitindi ang pagkakahawig ni Maverick kay Aga at sa iba pang kaanak ng Muhlach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka sa TV lang," casual na sabi ni Zoren. "Oo, kasi sa personal hindi. Magkaiba sila... Siguro because of the dimples. Pero in person, hindi, e. Yung babae, actually, kamukha ko talaga. Si Cassandra, oo. Moreno tapos sa akin pati kulay niya, kakulay ko si Cassandra. Pati yung hair ko na straight, nasa babae."

Ano ang nararamdaman niya kapag sinasabing kamukha ni Aga ang mga anak niya?

"Wala naman kasi we know it's far from reality. Napakalayo. 'Tsaka it doesn't... hindi naman ganun yun na kunyari kamukha ni Manny Valera, anak siya ni Manny Valera. It doesn't follow. Hindi ganun. Kasi ako may mga kamukha na mga bata but it doesn't mean na sa akin yun."

Na-link din daw kasi si Carmina noon kay Aga.

"Ahhh, pero ano, matagal muna kami ni Carmina. Two years kami ni Carmina mag-boyfriend-girlfriend, e, bago siya nabuntis. So, really, wala," pagtatapos ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN