Nadine Samonte is mystified by Jayson Gainza's allegation against her

IMAGE 0


Pinoy Big Brother first season housemate Jayson Gainza says that at the height of typhoon Ondoy, he asked water from Nadine Samonte and the actress supposedly ignored him. The Tinik sa Dibdib star says she doesn't know what he's talking about.


Nagkaroon ng balitang galit daw ang Kapamilya talent na si Jayson Gainza sa Kapuso actress na si Nadine Samonte dahil noong kasagsagan daw ng bagyong Ondoy at humihingi siya ng tubig ay di raw siya binigyan ni Nadine.

Diretsahang tinanong ni Joey de Leon kay Nadine sa Startalk via phone interview kung totoo ba ito. Pero una sa lahat, kilala ba niya ang komedyante na dating housemate sa bahay ni Kuya?

"Hindi nga po, e!" natatawang sagot ni Nadine.

"Kinumpirma ko po sa mismong cashier kung ano ang nangyari. Kung talagang nandoon ba siya. Sabi ng cashier, bumili raw ng water ng 5:30 p.m. which is, nag-aangat kami ng gamit sa store para nga hindi mabaha yung product. Bumili raw siya ng water at naninigarilyo."

Gustong linawin ni Nadine na hindi niya pag-aari ang gasoline station kung saan daw lumapit si Jayson. Na-trap din sila ng mommy niya doon dahil may show siya sa Marikina.

"So, na-stranded kami dun na rin sa gasoline station na may maliit na store dun. Ganoon po ang nangyari dun. Tapos sabi, hindi raw po ako nagbigay ng tulong or what... Yun lang din po ang masasabi ko. Kasi, paano ko rin po siya bibigyan ng tulong, e, wala rin naman pong nag-approach sa akin?

"At saka at the same time, hihingi siya ng tulong sa akin, e, nakabili na nga siya ng mineral water nga, e...

"Hindi ko po talaga siya kilala. Yung isang tauhan lang po [ang nagsabi] na nandoon nga raw po siya. Na bumili nga raw po siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN