Jomari Yllana and Aiko Melendez's son Andrei is image model for Bench Tweeners

IMAGE 0


Former teen stars Aiko Melendez (left) and Jomari Yllana (right) have a "Tween" idol in the making. Their son Andrei Yllana walked the ramp in the recent Philippine Fashion Week to model Bench Tweeners, the popular clothing brand's line for pre-teens.


Isang certified Bench endorser na ang guwapitong anak ng separated couple na sina Jomari Yllana and Aiko Melendez.

Sa ilang billboards sa EDSA at print ads, makikita ang picture ni Andrei Yllana bilang modelo ng Bench Tweeners, ang pambatang department ng sikat na clothing brand ni Ben Chan.

Makikitang kasama ni Andrei sa photo shoots sina Juliana Gomez (anak nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez), at si Zaijan Jaranilla (gumaganap bilang Santino sa May Bukas Pa ng ABS-CBN).

Pormal na ipinakilala sa publiko ang pagiging Bench model-endorser ng 11-year-old son nina Aiko at Jomari nang rumampa ito for the first time sa Bench fashion show ng Philippine Fashion Week na ginanap kamakailan sa main atrium ng SM Mall of Asia, Pasay City.

Kasama ang participation ng sister companies nitong Human at Kashieca, rumampa rin para sa Bench ang ilang sikat na young stars tulad nina Gerald Anderson, Kim Chiu, Jake Cuenca, Aljur Abrenica, at iba pa, pero ang pagrampa ni Andrei ang isa sa pinaka-cute na eksena sa runway noong gabing 'yon.

PROUD PARENTS. "When he came out [on the runway], super naiyak kami [sa tuwa]!" pag-amin ng inang si Aiko sa panayam sa kanya ng Startalk noong October 31.

"Come here, come here, baby," pagtawag niya sa anak na humarap sa kamera. "Of course, I'm very proud of my son... You did it like a pro, baby! Di ba? Sobrang proud talaga ako sa kanya."

Sabi naman ni Andrei, "Well, I was nervous! I was kinda shy."

Kung proud ang inang si Aiko, gayundin naman ang tatay na si Jomari na nagsabing ang bilis ng takbo ng panahon dahil mabilis ring lumaki si Andrei.

"Para itong Twilight Zone na given two years, teenager na siya," ani Jomari. "Masaya... Medyo nakaka-senti [sentimental] lang na ang bilis ng panahon na nagkaka-edad na siya, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin matatawaran ang suporta ng pamilya ni Andrei sa first Bench fashion show ng bagets. Kasama ni Aiko sa panonood ang boyfriend niyang si Patrick Meneses at si Marthena, anak nina Aiko at ex-husband Martin Jickain. Kasama rin ang ina ni Aiko, siyempre.

Samantala, nasa backstage si Jomari para alalayan ang anak. "Stage father!" ang malakas niyang tawa.

Six months na ring Bench image model si Andrei, sabi ni Jomari. "He's been doing print ads, 'saka billboards for Bench... Siya naman yung tinanong, e. Gusto niya [ang modeling]."

SHOWBIZ SCION. Dahil kapwa artista ang mga magulang ni Andrei (na huling nagsama sa Yaya and Angelina, The Spoiled Brat Movie), at dahil na rin sa ka-cute-an nito, marami ang nagsasabing puwedeng-puwede niyang pasukin ang pag-aartista.

Showbiz ba ang susunod para sa kanya pagkatapos ng pagmomodelo?

Sagot ng ama, mukhang mas enjoy ang anak sa modeling, "more than singing or acting." Nang tanungin mismo si Andrei, ang simpleng sagot niya ay, "It's kinda hard being an actor..."

Ayaw niya ba sa showbiz?

"I don't know!" pakli ni Andrei.

"Siguro, more of a model, kasi, kanina, when I saw him walking doon sa ramp, parang model talaga siya," natatawang sabi pa ng inang si Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN