Lorna Tolentino dismisses rumors about her "realistic catfight" with co-star Chin Chin Gutierrez

IMAGE 0


"Okey lang 'yan siguro noong nag-uumpisa pa ako. Pero hindi na bagay sa amin ni Chin Chin ang ganyang style ng publicity. Gusto ko naman na sa mga nalalabing panahon ko pa sa showbiz ay matandaan ako ng mga tao bilang professional, isang artistang respetado dahil marunong ding rumespeto ng kapwa ko artista," says Lorna Tolentino on negative speculation about her intense scene with Chin Chin Gutierrez (inset) in Dahil May Isang Ikaw


Kung anu-anong balita ang lumabas pagkatapos gawin ni Lorna Tolentino ang isang eksena sa teleserye ng ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw, kasama sina John Estrada at Chin Chin Gutierrez. Mataas ang emotional level ng eksena at talagang umaapaw sa energy si LT na sinugod sina John at Chin Chin sa eksenang 'yon.

Ayon sa nasagap naming balita, nag-react daw si LT sa masakit na pagkakasampal ni Chin Chin sa kanya. Hindi raw kasi hinubad ni Chin Chin ang malaking singsing na suot niya sa eksena nila.

May bersyon pang kesyo nakalmot daw ni si Chin Chin ang mukha ni LT kaya right there and then, sa halip na sampal at sabunot lang ang natikman ng kaeksenang aktres, dinagdagan pa ito ng tadyak ni LT.

Pero sa text message na ipinadala ni LT sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nakiusap siyang, "Please lang, huwag na sanang palakihin pa ang tungkol d'yan. Isang simpleng eksena lang 'yan sa teleserye namin, kaya nagugulat ako sa reaksyon ng iba."

Pero kilala raw talaga si LT sa pagiging sobrang emosyunal sa ganitong mga eksena at napakasakit nga raw niyang sumampal, bagay na inirereklamo diumano ng mga nakakaeksena niya.

"I'm just doing those things professionally," paglilinaw ni LT nang makausap na namin siya sa telepono. "Kahit kaninong artista mo itanong 'yan, nakakaranas ng ganyan, at ang lagi mo lang dapat isipin, gawin mo nang tama ang dapat at inire-require ng eksena para maging makatotohanan yun.

"Hindi yun dapat pinepersonal. E, maski naman ako, nasasaktan din sa mga eksenang 'yan, pero hindi ako nagrereklamo. Walang maririnig sa akin, kasi naiintindihan ko na part ng trabaho 'yan."

Nabababawan ang aktres sa ganitong mga intriga. Para raw biglang nag-flashback sa kanya yung panahon ng rivalry nila ni Rio Locsin sa mga eksena ng sampalan at tarayan nila sa lumang pelikulang Stepsisters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang 'yan siguro noong nag-uumpisa pa ako. Pero hindi na bagay sa amin ni Chin Chin ang ganyang style ng publicity. Gusto ko naman na sa mga nalalabing panahon ko pa sa showbiz ay matandaan ako ng mga tao bilang professional, isang artistang respetado dahil marunong ding rumespeto ng kapwa ko artista," makahulugang pahayag pa ni LT.

STILL RECOVERING. Nagkaroon ng dalawang araw na pahinga si LT kapiling ang mga anak na sina Ralphe at Renz noong November 1 and 2. Dalawang araw yun na naglagi sila sa puntod ng yumaong asawa ng aktres na si Rudy Fernandez sa Heritage Park sa Taguig.

"Second year pa lang naming ginagawa ito, kaya naman naroroon pa rin ang lungkot," sabi ni LT sa kabilang linya. "Hindi naman talaga nawawala yung hurt and pain. It will just ease down as time goes by, pero hindi tuluyang nawawala. We will forever miss Rudy."

It took LT a year to face the cameras with high hopes and enthusiasm after the death of her husband. Almost another year ang preparation at pre-production process para sa Dahil May Isang Ikaw.

"Sa pagkakataong yun, wala akong hinarap kung hindi mga bagay-bagay na may kinalaman pa rin sa pagkamatay ni Rudy... Ang mga naiwan niyang obligasyon, matters that need to be settled, at awa ng Diyos, kung mayroon pa rin namang dapat harapin ay nakakayanan ko nang mag-isa, sa tulong pa rin ng mga nagmamahal na kamag-anak at kaibigan. Nakatulong yung travels, pamamahinga... Madalas noon, nandoon lang kami sa farm ni Isabel [Rivas] sa Zambales. Family outing, bonding with friends....

"Ngayon, mas normal na tumatakbo ang lahat sa amin at sa mga anak namin ni Rudy. Life has to go on. Alam naming may kulang, at mahirap basta mapunan yun. But we just have to face the fact na kasama na yun sa buhay namin. Nariyan lang siya to guide us, with the help of the Lord," saad ni LT.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN