Dingdong Dantes explains why he is supporting Noynoy Aquino

IMAGE 0


"Well, meron kasi siyang plataporma na pinaniniwalaan ko. And I believe in his desire to help the youth, the Filipino youth. And ako naman, I've been a youth volunteer ever since at malaking bagay sa akin na pinahahalagahan ko," says Dingdong Dantes about volunteering to support Noynoy Aquino.


Marami ang nagandahan sa music video na "Hindi Ka Nag-iisa," kung saan nagsama-sama ang ilan sa pinakamalalaking artista ng ABS-CBN at GMA-7 para kay Senator Noynoy Aquino. Si Noynoy ay tatakbong presidente sa 2010 elections.

Isa si Dingdong Dantes sa artistang kasama sa naturang music video.

Ayon sa aktor, napanood na raw niya ang naturang music video. "Nakakapangilabot dahil ang ganda ng sinasabi ng kanta. Plus yung mga actions na ginagawa sa music video, e, tugmang-tugma. Ang ganda ng tema, ang ganda ng mensahe. Sana ma-absorb siya," sabi niya.

Bukod sa paglabas sa music video ay si Dingdong din ang napili ng Aquino siblings para maging spokesperson ni Noynoy for the youth sector. Ano ang naging reaksiyon niya rito?

"Marami naman... marami namang napili si Senator Noynoy for that. Ako, ang paniniwala ko diyan, e, isa ako sa volunteers and there are many volunteers out there. Lahat kami, may iisang gustong mangyari," saad ni Dingdong.

Pero sa lahat, siya ang talagang na-single out ni Noynoy to represent the youth?

"Well, kung ganun man ay nagpapasalamat ako na pinagkakatiwalaan niya ako nang ganoon," sambit niya.

What made him volunteer?

"Well, meron kasi siyang plataporma na pinaniniwalaan ko. And I believe in his desire to help the youth, the Filipino youth. And ako naman, I've been a youth volunteer ever since at malaking bagay sa akin na pinahahalagahan ko."

Does he also desire to enter politics?

"I desire to be a normal citizen, enjoying the privileges of a very good government. I'd rather be that citizen. So, mas gusto ko ng normal at relax na buhay," sagot niya.

So far, hindi pa raw masabi ni Dingdong what's next after the music video at kung kakarerin din ba niya ang pangangapamya kay Noynoy. So far, hanggang sa music video pa lang daw kasi ang napag-uusapan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, of course, I already give my support."

DINGDONG LIKES TO WORK WITH KRIS. When asked kung sino naman ang inaasam niyang makasama sa future projects, ang bunsong kapatid ni Noynoy ang mabilis nitong sinabi.

"Well, of course, isang magiging malaking karangalan sa akin kapag nakasama ko si Ms. Kris Aquino sa isang pelikula."

Ano naman kaya ang posibleng maging konsepto ng movie?

"Well, hindi pa ako nakakagawa ng horror magmula ng three years ago. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakagawa."

Napag-usapan na ba nila ni Kris na posible silang mag-collaborate sa isang project?

"Hindi, hindi... Naisip ko lang yun dahil tinanong n'yo 'ko. And if ever man, isang magiging malaking karangalan para sa akin."

YES PINOY FOUNDATION. Kinumusta rin ng PEP kay Dingdong ang kanyang Yes Pinoy Foundation. Isa rin ba ang Bench sa mga tumutulong sa advocacy ng kanyang foundation, ang pagbibigay ng scholarship sa mga anak ng mga marine na nasawi sa pakikipaglaban?

Si Dingdong kasi ay endorser ng Bench Body at kagabi, November 5, ay ni-launch naman ang kanyang sariling line of perfumes—ang Desired.

"Sa totoo lang, hindi ko pa nilalapitan ang Bench dito," sabi niya. "Nirereserba ko pa ang isang magandang pagkakataon for Bench to be involved in this. Pero patuloy pa rin ang mga sumusuporta sa Yes Pinoy.

"In fact, sa Linggo, magkakaroon na kami ng MOA [memorandum of agreement] signing sa Philippine Marines. Marine Day sa November 7 at may activity dun. And we will officially announce our first scholar."

Kumusta naman ang mga school na nire-rehabilitate nila?

"So far, nakaka-isa pa lang, but we're getting still all donations to rehabilitate more. Pero mas marami na ring school supplies na dumarating, especially courtesy of National Book Store. Kaya hangga't may pagkakataon, patuloy na mamimigay kami," saad ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN