Survivor Philippines: Palau Update: Chef Mika Batchelor's journey finally comes to an end

IMAGE 0


Chef and restaurant owner Mika Batchelor is toast as she becomes the latest castaway to be voted off Survivor Philippines: Palau. She is the sixth member of the Jury that will decide who will win the three million peso cash prize and the title Pinoy Sole Survivor.


Credited for masterminding some of the biggest surprises at the Tribal Council, chef and restaurant owner Mika Batchelor's journey in Survivor Philippines: Palau ended nang i-vote off siya kahapon sa reality show ng GMA-7.

Sa kanyang pagkakatanggal, apat na lang ang natitirang castaways na maglalaban-laban para sa tatlong milyong pisong cash prize at sa titulong Pinoy Sole Survivor. Ang apat na natitira ay sina Amanda Colley Van Cooll, Justine Ferrer, Charles de Vera Fernandez, at Jef Gaitan.

Hindi man naging emosyunal ang Tribal Council ngayon kumpara noong natanggal si Shaun Rodriguez, nagkaroon naman ng samaan ng loob sa pagitan nina Mika, Amanda at Jef, na parehong nanggaling sa original Airai tribe. Inaasahan kasi nina Mika at Amanda na hanggang sa dulo ay magsasama-sama silang tatlo, pero nag-iba ng direksiyon si Jef.

Pakiramdam naman ni Jef ay "outsider" siya sa samahan nilang tatlo. Nang tanungin ng host na si Paolo Bediones ang mga castaway sa isang Tribal Council kung sino ang gusto nilang makasama sa Final 2, ang isinagot nina Mika at Amanda ay ang isa't isa. Dito na nabuo sa isip ni Jef na wala siyang pag-asang manalo kapag nagpatuloy ang pakikipag-alyansa niya sa mga dati niyang kasamahan sa Airai.

Dito na rin nabuo ang alyansa ni Jef at ng mga dating taga-Koror na sina Justine at Charles, na naging dahilan ng pagkaka-vote off nina Shaun at Mika.

AMANDA RULES! Ipinakita naman ni Amanda ang kanyang tunay na lakas nang magwagi siya sa back-to-back Reward at Immunity challenges.

Sa Reward challenge ay nakapiling niya ang kanyang pinsan sa isang five-star resort sa Palau, kung saan nakasama rin nila si Mika at ang British father nito. Si Mika ang pinili ni Amanda nang sabihin sa kanya ni Paolo na maaari siyang magsama ng isa niyang tribemate para makapiling din ang mahal nito sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito ay muli na namang sumama ang loob ni Jef kay Amanda dahil hindi siya ang pinili nito na makasama sa Reward.

Sa Immunity challenge naman ay sina Amanda at Mika lang ang halos naglaban, ngunit sa bandang huli ay nanaig nga si Amanda. Pero mas malaki sana ang tsansa ni Mika na manalo kung hindi niya tinulungan si Jef, na muntik nang malunod sa challenge.

Nang makabalik sila sa camp ay kinausap nina Mika at Amanda si Jef upang kumbinsihin ito na mag-stick sa original alliance nila. Pero inamin ni Jef sa kanila na hindi pa siya sigurado sa kanyang magiging desisyon. Dito na siya sinumbatan nina Mika at Amanda na tinalikuran niya ang kanilang samahan at usapan, na nagpaiyak kay Jef.

Sa kanyang solo interview, sinabi ni Mika na kung meron mang hindi deserving na manalo sa Survivor Philippines, yun ay walang iba kundi si Jef. Wala raw naman kasi itong ginawa o napatunayan para manalo sa laro.

"Para sa akin, it's unacceptable. It's like, 'Ang kapal ng mukha mo!' And at no point do I think that you're deserving at all," sabi ni Mika.

Bago ang Tribal Council ay inamin na ni Amanda kay Jef na siya ang iboboto niya. Sinabi rin niya kay Jef na masama ang loob niya dahil sa pagtalikod nito sa usapan nila.

MIKA ACCEPTS HER FATE. Bagamat disappointed, tinanggap naman nang maluwag ni Mika ang kanyang pagkaka-vote off.

"Medyo nadi-disappoint ako... Overall, ginawa ko lahat para makarating sa point na 'to. Ipinakita ko sa sarili ko na kaya kong mag-survive. After 37 days, I'm okay... Good luck na lang sa inyo [castaways]. Amanda, ipakita mo ang lahat ng kaya mo," pahayag ni Mika sa kanyang exit interview.

Kung disappointed si Mika sa kanyang pagkakatanggal, tuwang-tuwa naman ang tatlo sa miyembro ng Jury na sina Tara Macias, Echo Caceres at Marvin Kiefer. Malaki kasi ang kinalaman ni Mika sa kanilang pagkakatanggal kaya masayang-masaya sila sa pagkaka-vote off nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mika ang ika-anim na miyembro ng Jury na siyang magdedesisyon kung sino ang magwawagi ng P3 million at ng titulong Pinoy Sole Survivor.

Ang iba pang miyembro ng Jury ay sina Suzuki Sadatsugu at Shaun Rodriguez. Isa na lang ang hinihintay nila para makumpleto ang Jury.

Kung last season ay dalawa lang ang naglaban sa huling Tribal Council, ngayong season ay tatlo ang matitirang castaways na maglalaban-laban sa huli.

Sino kaya kina Amanda, Justine, Charles at Jef ang bubuo ng Final 3? Ito ay malalaman sa huling linggo ng Survivor Philippines: Palau next week.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN