Jace Flores clarifies rumors that he is courting Glaiza de Castro

IMAGE 0


"Okay lang po, okay lang. Kasi at first, sinasabi ko na sana mabigyan din ako ng bida roles, pero the more bad guy roles na ibinibigay sa akin. 'Tsaka nagagawa ko naman, parang mas nagugustuhan kong maging kontrabida, parang ang sarap niyang gawin. Kaya I like doing contravida roles now," says reality TV star turned actor Jace Flores.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Survivor Philippines Season 1 castaway na si Jace Flores, napag-usapan namin ang balitang panliligaw niya sa young actress na si Glaiza de Castro.

"Before po kasi sa Kung Aaagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, medyo nagka-crush nga po ako kay Glaiza. Tapos yun, pero hindi naman po sa nanligaw ako kaagad. Pero we would just text each other as friends. I guess sa mga interviews, nalaman nila na may crush ako sa kanya and na-assume din nila na nililigawan ko si Glaiza. Pero hindi naman, hindi ko po siya niligawan," paglilinaw ni Jace sa presscon ng SRO Cinameserye Presents Carinderia Queen kagabi, November 8.

Bakit hindi niya niligawan si Glaiza?

"Kasi po, well, kasi po ano, I guess I just want to focus on work muna and, siyempre po, baguhan lang po ako. So, I wanna... ayoko naman na mahati yung time ko sa work and sa relationship, and very professional si Glaiza," sagot ng reality TV star turned actor.

Inamin ni Jace na may insidenteng dinalhan niya ng pizza si Glaiza noong ongoing pa ang taping nila sa afternoon soap na Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin.

"Ano lang yun, ganito po yun, nagdala ako ng pizza dun sa taping. Kasi a day before, may taping din kami, nag-joke yung makeup artist ni Glaiza. Sabi niya, 'Uy, manlilibre si Jace, manlilibre si Jace!'

"Hindi naman ako makapanlibre that day kasi natatakot ako, baka mag-take na kami kaya ayokong umalis. E, hindi ko alam yung number nung delivery or whatever. So I made it up to them na lang na naglibre ako pagkatapos ng taping namin, the next day," kuwento ni Jace.

Hindi kaya na-threaten si Jace sa co-star nilang si Patrick Garcia na nali-link din kay Glaiza?

"Threatened kay Patrick? Hindi naman po threatened, kasi mabait naman po si Patrick. 'Tsaka I never looked at it... hindi ko siya tinratong ano, competition, na alam mo yun?" sabi ni Jace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw si Patrick ang dahilan kaya hindi nanligaw si Jace kay Glaiza.

"Yun nga po, the reason kaya hindi ako nanligaw was bukod sa iniisip ko na baguhan lang ako, I know na busy si Glaiza, I know na ang dami niyang projects, e. Pagkatapos ng Kung Aagawin..., meron siyang Stairway To Heaven, so she would be very busy. So, yun," paliwanag niya.

Given a chance, itutuloy ba niya panliligaw kay Glaiza? O tinuldukan na niya?

"A, ayoko po, kasi she's... I don't know. Well, hindi naman tinuldukan pero for now, I guess hindi. Pero if ever na... Well, I don't know, hindi ko alam. Hindi ko alam, e. Magulo kasi, e," medyo naguguluhan ding sabi ni Jace.

May nakita ba siya na dahilan kaya ayaw niyang ligawan si Glaiza?

"Hindi naman sa ganun, hindi. We just don't get to talk much because she's busy," diin niya.

ALL ABOUT WOMEN. Bukod kay Glaiza, may iba pa pang crush si Jace sa showbiz?

"Well, when I say... Kasi ang definition ko po ng crush, hindi yung may gusto or whatever. Parang ano, nagagandahan lang ako or talagang ano na, 'Wow, puwedeng maging girlfriend ito!'

"Well, Rhian Ramos is pretty. She's pretty, sobrang ganda niya talaga. Sa Hawaii, where I grew up, kasi maraming... There's a lot of tisay-looking women, pero parang walang Rhian, walang kasing... Alam mo yung itsura niya na parang Pinay, na parang British?" paglalarawan niya.

Ano ang type niya sa babae?

"Ako kasi, wala akong certain na type, 'tsaka wala akong hinahanap talaga sa babae. Basta pag sobrang may something talaga between us. Pinakagusto ko, kahit corny pakinggan, personality talaga. Ayoko yung masyadong sassy, masyadong maarte, or masyadong anything. Gusto ko, tama lang."

Physically, ang mga mata raw ang unang tinitingnan niya sa babae.

Matagal na raw walang girlfriend si Jace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Before Survivor, non-showbiz, dito na sa Pilipinas. Before Survivor pa kasi, two months before Survivor ano na kami, e, nagkakalabuan na kami. So we weren't getting along na. So, it's wasn't a very healthy relationship na, so we broke up. We broke up na lang," sabi ni Jace.

JACE'S CHOICE FOR NEXT PINOY SOLE SURVIVOR. Dumako naman ang usapan namin sa nalalapit na pagtatapos ng Survivor Philippines: Palau this week. Bilang isa sa mga castaway ng unang season, tinanong ng PEP si Jace kung sino ang choice niyang tanghaling bagong Pinoy Sole Survivor after JC Tiuseco.

"Sa akin, honestly, si Justine [Ferrer]. Sobrang deserving, e. From the first nang na-vote [off] na siya, nakabalik pa siya. Gusto ko si Justine kasi yun nga, kung iisipin n'yo naman po, siya yung unang na-vote out. Natalo pa niya si Cris Bolado at kung sinu-sino pa. Nabalik pa siya, nakagawa pa siya ng alliance. Ngayon, top four na lang sila. Ang layo ng narating niya. If you're gonna ask me, if I was one of the [jurors], I would say she's deserving," sabi ni Jace.

Dagdag niya, "Si Justine, very, very pretty po siya. As in, I remember dun sa audition, panel judge ako. So, nakita ko siya, sabi ko, 'Wow, ganda naman nito, ganda!' Tapos sexy, naka-bathing suit, e. Ang ganda niya talaga, sexy pa."

Paano kung hindi niya nalaman na transsexual si Justine, liligawan niya ba ito?

"Ay, malalaman ko yun, siyempre! Kapag titingnan mo talaga, tapos pag nagsalita na siya."

Nanghinayang raw si Jace na (dating) lalake pala si Justine.

"Yeah!" natatawa niyang sabi.

Given a chance, hindi siya magkakagusto sa isang transsexual?

"Hindi. Friends lang kami talaga. Kasi kapag nagkakasama kami ni Justine, friends lang kami talaga."

Hindi lang si Justine in particular, kahit na sinong transsexual?

"Kung puwede ba akong ma-in love sa isang transsexual?" balik-tanong niya. "I don't think so, e. Kasi... I'm not homophobic, I grew up with mga pinsan na gay, so I'm comfortable with being around gay people. Pero falling in love with someone na I know na lalake pa rin, parang hindi ko kaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa ba siya nakakatanggap ng indecent proposal si Jace mula sa isang bading?

"Wala pa po. Never po," sagot niya.

So, hindi pa siya naligawan ng bading?

"Hindi po."

Balitang interesado kay Jace ang isa pa sa mga natitirang castaways ng Survivor Philippines: Palau na si Jef Gaitan. Ano ang masasabi ni Jace dito?

"Ay, hindi po!" tanggi agad ni Jace. "Kasi may episode dun na nangyari, pinag-uusapan nila yung mga [castaways ng] Season 1. Sabi nila, 'Sino si JC Conseco,' tapos kinorek siya [Jef]. 'Tiuseco, hindi Conseco, siya yung nanalo.' Tapos tinanong niya, 'Sino 'yung may mga tattoo?' Sabi naman sa kanya, 'A, yun si Jace Flores.' Yun, tinatanong lang niya, pino-profile niya lang yung mga season one castaways."

ANOTHER BAD-GUY ROLE. Sa SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen, bad boy na naman ang role ni Jace.

"I'm playing Gaston po. Ako yung bad guy, kontrabida po siya. Siya yung parang mayabang na feeling guwapo na manliligaw kay Juliet [Carla Abellana], tapos nabubuwisit kay Romeo [Geoff Eigenmann]. Kasi uuwi si Romeo sa bansa, so magkaka-conflict-conflict."

Bakit laging bad guy ang role ni Jace?

"Hindi ko po alam, sa tattoo ko yata!" natatawang sagot nito.

Pero hindi naman daw bothered si Jace kahit laging bad guy ang role niya.

"Okay lang po, okay lang. Kasi at first, sinasabi ko na sana mabigyan din ako ng bida roles, pero the more bad guy roles na ibinibigay sa akin. 'Tsaka nagagawa ko naman, parang mas nagugustuhan kong maging kontrabida, parang ang sarap niyang gawin. Kaya I like doing contravida roles now."

Bukod kina Jace, Carla, at Geoff, kasama rin sa cast ng "Carinderia Queen" sina Gina Alajar, Rey 'PJ' Abellana, Krissa Mae, at Melanie Marquez. Mula sa direksyon ni Mac Alejandre, mapapanood ito simula sa Huwebes, Nov. 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN