Angel Aquino almost broke up with boyfriend Lui Villaruz last year

IMAGE 0


"Siguro there comes a time that he couldn't catch up with me, I couldn't catch up with him kasi siya yung bata. Kumbaga, tapos na ako sa mga ganun, he's just starting to discover a lot of things about himself. Ako, tapos na ako sa dun so medyo hindi kami nagsasabay. Pero ngayon, we realize that we need to adjust and ayusin yung ganitong mga differences," says Angel Aquino about her relationship with boyfriend Lui Villaruz.


Sa simula pa lang, hindi na idinenay o itinago nina Angel Aquino at Lui Villaruz ang relasyon nila sa publiko.

Ngayong ilang taon na rin ang tinatakbo ng kanilang relasyon, hindi naman ipinagkaila ng actress-TV host na napag-uusapan na nila ni Lui ang pagpapakasal.

"Minsan bini-bring up niya, pero mas may concern kami. I'm saving up for the future. Yung magkaroon kami ng bahay together so we can move in and raise kids together. More on ganun kami more than marriage," sabi ni Angel sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aminado naman si Angel na marami rin silang pinagdaanan ni Lui na muntik-muntikan na ring umabot sa tuluyang paghihiwalay.

"We're okay, masaya naman. I think now we're together and the relationship is stronger kasi we went through a lot, lalo na last year. We went through almost a separation, then we got back together, tapos parang wala lang. May mga differences before, ngayon medyo pina-patch up namin together.

"Siguro there comes a time that he couldn't catch up with me, I couldn't catch up with him kasi siya yung bata. Kumbaga, tapos na ako sa mga ganun, he's just starting to discover a lot of things about himself. Ako, tapos na ako sa dun so medyo hindi kami nagsasabay. Pero ngayon, we realize that we need to adjust and ayusin yung ganitong mga differences," saad ni Angel, who is five years older than Lui.

US GIRLS. Isa sa original hosts ng Us Girls, masayang ikinuwento ni Angel sa PEP ang mga bagong aabangan sa kanilang show na ipinapalabas sa Studio 23.

"Three years na kami," sambit niya. "I think ang malaking news about Us Girls is Chesca [Garcia] coming back from pregnancy. For a while nawala siya sa Us Girls, si Megan [Young] muna [ang pumalit]. Pero ngayon she's back, she's going to be with us for good. Aside from that, we have a New Moon party kasi, di ba, ilalabas na yung New Moon? So we gonna have a New Moon party after that, and then bazaar for Christmas time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tatlong taong itinatakbo ng Us Girls, inamin ni Angel na nandun ang pressure on how to make the show better at lalo pang magustuhan ng mga tao.

"Medyo nandun yung kaba, yung pressure kasi kailangan mas mag-enjoy ang mga manonood mo. Kailangan mas maging maganda ang show mo para di bumitiw ang mga manonood mo, that's why we're holding a lot of events, to keep people interested," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN