Joey Marquez denies tweet about mall rendezvous with Joanne Quintas; PEP releases their "holding-hands" photo

IMAGE 0


When PEP photographer Noel Orsal spotted Joey Marquez and Joanne Quintas holding hands inside Gateway Mall last Saturday, November 7—at around 7:30 p.m.—he immediately took a photo of them using his cellphone camera (main). An hour or so later, Noel saw Joanne inside the Araneta Coliseum, where Sarah Geronimo's concert was held. She was taking pictures with her own DSLR camera, and still wearing the same attire (inset).


Naging usap-usapan nitong nakaraang araw ang star sighting na inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa scoopbox nitong "PEP Alerts" noong nakaraang Sabado, ika-7 ng Nobyembre. Ang nasabing tweet ay nanggaling mismo sa official photographer ng site na si Noel B. Orsal.

Patungo noon si Noel sa concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum noong namataan niyang magkasamang naglalakad sa loob ng Gateway Mall ang comedian na si Joey Marquez at ang dating beauty queen na si Joanne Quintas.

Pababa ng ground floor, sakay sa escalator, si Noel, habang sina Joey at Joanne naman ay papuntang basement parking area. Magka-holding hands daw ang dalawa, at nakuhaan sila ni Noel gamit ang camera ng kanyang cellphone. Sa kinaroroonan daw ni Noel, kitang-kita niya ang mukha ng dalawang artista.

Base sa larawan, ang lalaki ay nakasuot ng black na polo at blue jeans. Hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng naka-white shirt, jeans, black boots, at clear eyeglasses.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas sa "PEP Alerts" ang feed ni Noel: "SPOTTED: Joey Marquez and Joanne Quintas in Gateway Mall at around 7:30. PEP source says they're 'magka-holding hands.'"

At pagkaraan ng halos isang oras, nakita muli ni Noel si Joanne, na pareho ang suot pero meron na itong headband at hindi na niya suot ang kanyang eyeglasses, sa concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum, na katabi lang ng Gateway.

Ang larawan ay hindi muna inilathala dahil kailangan munang makuhaan ng pahayag ang dalawang artista.

LOVELIFE WHEN LAST HEARD. Ang huling balita ng PEP tungkol sa buhay pag-ibig ng dating mayor ng Parañaque ay may girlfriend ito na isang bank employee. Sa wake ng kanyang manager na si Douglas Quijano huling nakita ng PEP na magkasama ang dalawa.

Samantala, si Joanne naman—ayon sa isang malapit na kaibigan ng aktres—ay hiwalay na umano sa asawa nitong businessman na si Domini Primero. Nitong Hunyo lang daw nilisan ng dating Bb. Pilipinas-Universe ang kanilang tahanan, kasama ang kanyang tatlong anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ARE THEY AN ITEM? Ngunit itinanggi ni Joey kagabi, ika-12 ng Nobyembre, sa isang showbiz talk show na nagkita sila ni Joanne noong oras na 'yon. Ayon sa report ni Mario Dumaual, natawa lang daw ang 49-year-old star nang banggitin sa kanya ang balita.

Sagot ni Joey, "Masyado lang akong maraming kamukha siguro. Iba na ang pogi."

Samantala, isang kaibigang malapit kay Joanne ang nakausap ng PEP kaninang hapon. Ang una nitong reaksiyon: "Hindi totoo." Subalit noong ikuwento namin na may kuhang larawan ang source ng PEP, nagsabi ito na, "I'm not in the position to talk about that issue." Basta ang alam lang daw niya, "Joanne is happy right now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN