Fanny Serrano collapses due to high blood pressure

IMAGE 0


Cosmetic guru and actor Fanny Serrano says he can't entirely blame a hectic schedule in showbiz and the beauty business for his hypertension yesterday. "Hindi lang naman stress 'yan, yung sa pagkain na lang," he admitted. "Sa rami ng imbitasyon sa akin, hindi ko mahindian ang masasarap na pagkaing inihahatag sa akin."


Sa sobrang pagod at hectic na schedule, tumaas masyado ang blood pressure ni Fanny Serrano. Ang pamosong beauty guru at kilalang aktor ay napaluhod na lang sa panghihina kahapon nang umaga. Katatapos niya mag-almusal at akmang magbabasa ng diyaryo nang bigla siyang nahilo.

"Umikot ang paningin ko," sabi ni TF (ang palayaw ni Fanny) nang makausap namin sa telepono. "Sanay naman ako sa pressures at hectic schedule, pero ngayon lang ako nagkaganito."

Malumanay pa ring tumayo sa kinasadlakan si TF at nagpahatid sa St. Luke's Hospital. Ayaw niya kasing mag-cause ng commotion sa mga taong nagsisimula nang magtrabaho sa shop niya sa Sct. Rallos, Quezon City, kahapon nang umaga.

"Nag-shoot up ang blood pressure ko, 182/102. Nataranta ang mga duktor sa akin. Normal naman daw ang sugar at cardio test sa akin.

"Out-patient lang naman ako, kaya no cause for alarm. Nag-back to normal na 130/80 ang BP ko. Nagulat lang ako kanina nang mag-monitor uli ako, 143/83! Totoo ka... super-stressed na nga ako!" sabi ni Fanny.

Dahil dito, nakansela ang tour ni TF sa Iloilo kaninang umaga kaugnay ng obligasyon niya sa Natasha bilang isa sa celebrity endorsers nito. Ang Natasha ay isang direct-selling company ng mga shoes, apparel, accessories at personal care products

May ilan pang nakatakdang commitments na malamang ikakansela na rin niya dahil inabisuhan na siya ng duktor na magpahinga nang husto.

FATHER ROLE IN TULAK. Mabuti na lang at tapos na niya ang Tulak na dinirek ni Neal "Buboy" Tan at magpe-premiere na this November 21 sa SM Megamall. Kinarir pa naman niya nang husto ang role niya rito bilang ama ni Rafael Rosell, at tiniyak niyang naiiba ang pagganap niya rito nang hindi mahaluan ng malisya ang interaction nila ni Raf, dahil mag-ama ang ginagampanan nila sa istorya.

"Ang ikinababahala ko ay ang trip ko to China para sa shooting ng Mano Po 6. I should be there dahil naka-commit ako kay Sharon [Cuneta] para sa total look and styling niya throughout the film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit na-stress ako nang husto dahil hataw na ang shooting para sa pelikula and, all the time, kailangang kasama ako ni Sharon sa set.

"Nagpapaalam ako at okey naman daw na hindi na ako sumama sa China, pero ang problema, nagkakahirapan sa pagkuha ng visa. Marami nang hindi naaprubahan para sa kanilang visa, even some members of the press na gusto sanang isama ni Mother Lily [Monteverde] sa location sa China.

"Gusto pa rin nila na ako ang kasama dahil tiyak nilang magiging madali sa akin ang ganoong proseso. Kung sakali mang payagan ako ng duktor, ang sabi nila, I should see to it that there would be a physician who would attend to my needs and condition.

"Paano naman yun? Saan ako hahanap ng Chinese doctor na makakaintindi ng English, e, baka 'pag naroroon ako, isa ko pang problemahin yun, at lalo lang akong ma-stress," halos kapusin ng hininga sa pagkukuwento si TF sa telepono.

WATCHING WHAT SHE EATS. Isa sa masisipag at aktibong showbiz personalities si TF. Kahit nga hindi na direktang showbiz ang pinagkakaabalahan niya, sa mga negosyo pa lang niya ay halos natataranta na siya.

"Hindi lang naman stress 'yan, yung sa pagkain na lang," sabi pa niya. "Sa rami ng imbitasyon sa akin, hindi ko mahindian ang masasarap na pagkaing inihahatag sa akin.

"Ngayon, kailangan ko nang tumanggi talaga at mag-diet. Mapupuwersa akong magpapayat dahil nagsimula na ako ng diet na oatmeal at saging lang ang kinakain, more of fish and vegetables at iwasan na ang meat."

Healthy lifestyle pa rin ang dapat intindihin ni TF, first and foremost, upon realizing the consquences kung mararatay siya sa banig ng karamdaman.

"Nang bigla akong manghina, si Lord talaga ang unang pumasok sa isip ko! Nasabi ko na lang at nai-pray ko, 'Bahala Ka na sa akin. Huwag Mo sana akong pabayaan!' Thank God, hindi naman naging seryoso ang health problem ko," pagwawakas ni TF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN