Rhian Ramos's mystery sponsor donates P1 million check to Kapuso Foundation

IMAGE 0


They say that Rhian also has a mystery suitor—Geoff Eigenmann, the lead actor in Rosalinda. "Hindi naman ako si Rosalinda, bakit ako ang nali-link kay Geoff?" quipped the young actress.


Noong Martes, November 10, ay nag-turn over si Rhian Ramos ng tsekeng nagkakahalagang P1 million sa GMA Kapuso Foundation.

Pero nilinaw ni Rhian na hindi sa kanyang bulsa galing ang donation kundi sa isang mabait at matulungin na sponsor niya.

Ito rin daw ang sponsor na tumulong sa kanyang idaos ang birthday niya noong October sa pamamagitan ng relief operations sa dalawang barangay sa Marikina City.

Tinulungan siya ng sponsor na ito sa mga relief goods na pinamahagi niya sa maraming tao na nasalanta ng bagyong Ondoy.

"They promised to donate one million pesos to the GMA Kapuso Foundation na sobrang ikinatuwa ko.

"Sobra-sobra na nga ang naging tulong nila when I did my relief operation noong nakaraang birthday ko. They donated P2 million for that, at now they gave this check for a million pesos kaya ang daming matutulungan pa ng GMA Kapuso Foundation," ngiti pa niya.

STAIRWAY STEPS OVER DARNA. Isa pang ikinatutuwa ni Rhian ay ang patuloy na pagtaas ng primetime series niya with Dingdong Dantes na Stairway To Heaven. Umabot na sila sa puntong natalo nila ang Darna ni Marian Rivera ng dalawang magkasunod na araw.

"Masaya kaming lahat dahil paganda na nang paganda ang show namin ni Dong. Mas matindi na ang drama dahil bumalik na nga ang isipan ni Jodi at muli silang nagkasama ni Cholo. Dito na magsisimula ang mga mabibigat na pagsubok sa kanilang dalawa.

"Sobra akong nahirapan talaga sa mga drama scenes namin ni Dong. Halos magkasakit na ako at itakbo sa ospital pero kinakaya ko. Ayokong maging cause ng anumang delay sa tapings namin.

"Kaya after ng mabigat na eksena, talagang kailangan kong mag-recharge kasi nalo-low batt talaga ako!" tawa pa ni Rhian.

GEOFF'S REAL LOVE? Natawa na lang si Rhian nang biglang tanungin siya tungkol sa leading man ni Carla Abellana sa Rosalinda na si Geoff Eigenmann. Balitang siya raw ang tunay na nililigawan nito at naging close daw sila noong magkasama sa shooting ng Ang Panday ng Senator-actor na si Ramon "Bong" Revilla Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-deny na noon sina Rhian and Geoff tungkol dito. Pero muling nabuhay ang tsismis na lihim na nanliligaw si Geoff kay Rhian.

"Hindi naman ako si Rosalinda, di ba? So bakit ako ang nali-link kay Geoff?" ngiti pa niya.

"Kami ni Geoff, magkaibigan lang at wala nang iba. He's my partner lang in the movie at, siyempre, naging close naman kami talaga. Pero hanggang doon lang.

"If people see me and Geoff na magkasama, it's because we have a movie for the Metro Manila Film Festival. Lalo na siguro next month dahil magsimula na kami for the promo of Ang Panday, mas parati kaming magkakasama ni Geoff.

"Pero sinasabi ko na that Geoff is just a good friend and I really enjoyed working with him in the movie," pagtatapos ni Rhian Ramos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN