Cristine Reyes learns how to get wise with guys from reputed ladies' man Vic Sotto

IMAGE 0


Breaktime between takes of Ang Darling Kong Aswang iswhen Cristine gets precious tips from co-star Vic Sotto: "Number one, 'wag daw akong mabibighani sa boys, dapat sila ang mabighani sa babae. Number two, 'wag masyadong ipakita sa lalaki na mahal na mahal." And third, "Collect and collect, then select."


Kabilang si Cristine Reyes sa mga artistang nakiisa sa Shop & Share project nina Angel Locsin at Anne Curtis noong November 14 sa Sining Kamalig Arts Gallery sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City. Ang proyekto ay naglalayong makalikom ng sapat na pondo para itulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Kalalabas lang ng ospital ni Cristine dahil sa overfatigue, pero hindi niya raw matanggihan si Angel kaya pumunta siya sa nasabing okasyon.

"Siyempre, kailangang suportahan natin yung friends ko na sina Angel at Anne, pati yung [Philippine National] Red Cross," sabi niya. "Kadi-discharge ko nga lang sa hospital, sa Cardinal Santos, overfatigue, e, and na-dehydrate ako. Pero nakakahiya naman kay Angel, tinawagan pa niya ako. E, si Angel pa, talagang isang tawag lang niyan sa akin, pupunta talaga ako.

"Iyong ibinigay ko sa project na ito ay isang pair ng LV shoes [Louie Vuitton]. Well, wala naman siya talagang sentimental value, pero para sa akin lahat ng shoes ko ay special, e. And gusto ko kung magbibigay ako ng something, yung hindi ko pa nagagamit... Pangit naman kasi kung gamit na iyong ise-share ko, di ba?

"And ito naman, mapupunta para sa mga kababayan nating nangangailangan talaga. 'Tsaka, kailangan talaga nating mag-share at babalik din naman sa atin iyan, e," kuwento ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayaw sanang sabihin ni Cristine kung magkano ang halaga ng shoes. "Sasabihin ko ba talaga pa iyong presyo or 'wag na? Bakit...? Kailangan ba yun para sa bidding?" Pero sinabi niya rin sa huli. "Mga 40 thousand-plus yata."

Bigay lang sa kanya at mas intriguing sana kung sinabi niya kung sino, "pero secret na lang, Kuya," nakangiti niyang pagsusumamo.

LIFE ACCORDING TO BOSSING. Dahil ba sa nangyari sa kanya noong bagyong Ondoy kaya kayod-kalabaw siya ngayon na nahantong sa overfatigue?

"Well, work 'yon, e, so overworked din siguro ako, kasi almost every day din akong walang tulog. Mabuti nga at katatapos lang ngayon ng shooting ko sa Darling Kong Aswang na movie namin ni Vic Sotto. Actually, dapat ngayon ay shooting pa rin, pero mabuti at natapos siya agad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya sa leading man niyang si Vic Sotto?

"Si Bossing, mabait siya, very funny at saka okay na okay dahil nakakapagkuwentuhan kami at marami akong nakukuha sa kanyang mga advice."

Tungkol saan, boys?

"Yeah, boys... lovelife... si Bossing kasi off-camera, parang seryoso yung mukha niya, pero kapag kausap mo na, doon lumalabas yung funny side niya."

THE SECRET OF HIS APPEAL. So ngayong nakatrabaho na niya at mas kilala si Vic, na-realize ba niya kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa magaling na comedian?

"Siguro dahil misteryoso siya. Pero I think malakas lang talaga ang appeal niya sa mga babae," sagot ni Cristine.

Aware ba siya na dahil espesyal kung tratuhin ni Vic ang kanyang mga leading lady kaya nail-link ang mga ito sa kanya?

"Yeah, I know, pero not for me," matipid na tugon ni AA (nickname ni Cristine).

Dahil sa mga bali-balitang matinik sa babae si Bossing, hindi ba siya nag-aalala na maligawan nito?

"Hindi naman, wala naman, adviser ko lang siya, e."

Dahil ba sa age gap nila, o naniniwala siyang age doesn't matter?

"For me, age does matter, e. Siguro gusto ko, yung mga tipong 30-plus lang puwede na ako, pero huwag naman yung mga 50-plus. Kasi kailangan na magdya-jive kami, kaya dapat ay same generation, na kung ano 'yong gusto ko ay magugustuhan din niya.

"Pero bakit ba ninyo ako inaano kay Bossing? Ayaw ni Pia Guanio niyan!" nakatawang pagprotesta ni Cristine sa mga reporter na nangungulit sa kanya.

So, kung walang Pia Guanio si Bossing ay puwedeng ma-in love siya rito?

"Ano ba kayo talaga? Basta si Bossing ay mabait, masayang kasama, pero kasi siyempre ay may iba-iba tayong type, e. At si Bossing, nakikita ko as someone na friend o kuya.

HOW TO MANAGE GUYS. "Actually, sabi ko nga ay adviser ko siya, e. Kapag magkasama kami sa set, nakatengga at naghihintay ng set-up ay nagkukuwentuhan kami, e. And ito ang masayang part, naikukuwento ko sa kanya ang lahat tungkol sa boys."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ng younger sister ni Ara Mina, "Marami siyang payo sa akin, at lahat ng payo niya ay sinusunod ko at nagwo-work siya. Kasi coming from Vic Sotto, alam niya lahat, alam niya lahat ng mga diskarte.

"Like, number one na sinabi niya sa aking advice na hindi ko malilimutan is, 'wag daw akong mabibighani sa boys, dapat sila ang mabighani sa babae at hindi yung babae. Number 2, sabi niya, parang huwag daw yung atat o 'wag masyadong ipakita sa lalaki na mahal na mahal. Isa pang sinabi niya sa akin, collect and collect, then select.

"Pero ako, actually ay pakipot naman ako, e. Even yung image ko ay sexy o ganyan, pero once na may lalaking may gusto sa akin, sobrang mahihirapan talaga," pagtatapos ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN