UPDATED: Relatives come to Krista Ranillo's rescue over her rumored affair with Manny Pacquiao

IMAGE 0


Krista Ranillo's (in photo) dad Mat Ranillo III, grandmother Gloria Sevilla, and aunt Suzette Ranillo break their silence to defend the sexy actress in the midst of her rumored affair with Manny Pacquiao.


Sa gitna ng mga batikos at masasakit na salita na tinatanggap ng sexy actress na si Krista Ranillo dahil sa balitang relasyon diumano nila ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, binasag na ng ilan sa kanyang mga kamag-anak ang kanilang katahimikan upang ipagtanggol siya.

"ACCUSED AND ABUSED." Nanguna na sa pagtatanggol kay Krista at sa kanilang pamilya ang mismong ama niya na si Mat Ranillo III.

Sa text message na ipinadala ni Mat sa host ng The Buzz na si Boy Abunda noong Sabado, November 21, inamin niya na “the family is deeply hurt with this insanity.”

Sinabi rin ni Mat na ang kanyang pamilya ay inakusahan at inabuso, pero pinatawad na raw nila ang mga taong ito, "even though they know the truth and still fabricate lies.”

Dagdag pa niya, “People are amused with negativism [rather] than national honor, cultivate hate [rather] than love.”

"SHE'S A SMART LADY." Ayon naman sa lola ni Krista na si Gloria Sevilla, ina ni Mat, "I am deeply saddened that some people are condemning my dear Krista... please, sana alamin niyo muna ang facts bago kayo maghusga."

Ang pahayag na ito ng beteranang aktres ay ipinadala niya sa GMA News kahapon, November 21.

Pero aminado ang binansagang reyna ng Visayan movies na wala siya sa posisyon upang magsalita para kay Krista. "Apo ko siya at mahal ko siya but she's of age and she's a smart lady. I'd like to give her the right to speak for herself."

Nakiusap din si Ms. Gloria sa mga detractors ni Krista na hintayin ang paliwanag ng kanyang apo tungkol sa kumakalat na balita. "You will hear from her soon. You will hear from her father, too," paniniguro nito.

Idinagdag ng beteranang aktres na nakatuon ang atensiyon ng pamilya nila ngayon sa kapatid ni Krista na si Trixie, na sumailalim sa isang major surgery sa US. "We almost lost her before. We cannot afford to lose her again. I'm asking for your prayers, too."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"GOD-FEARING LADY." Nagbigay rin ng hiwalay na pahayag ang tiya ni Krista na si Suzette Ranillo sa GMA News. Pinayuhan ng actress-director ang kanyang pamangkin na manatiling matatag sa gitna ng mga kontrobersiya sa kanya. "That's showbiz! Live with it or leave it," sabi niya.

Dagdag ni Suzette, si Krista ay dapat manatiling "resilient in spite of all the hurtful words said about her, and to focus on improving her craft, and be particular in selecting good projects."

Inilarawan ni Suzette ang kanyang pamangkin bilang isang "dynamic, smart, loving, and God-fearing lady."

Aniya pa, "I'm very proud of her and unconditionally love her. Her image is not based on rumors... God is our judge, not man."

Pinakiusapan din ni Suzette ang mga taong hindi direktang sangkot sa kontroberisya na huwag nang makialam at tantanan na ang kanyang pamangkin na si Krista at kapatid na si Mat.

Nang hingan naman ng mensahe para sa nagkakalat ng mga balita laban kay Krista, ito ang sinabi niya: "Thank you for the publicity. Good or bad publicity is still publicity. And please watch Wapakman."

WHO IS KRISTA? Si Krista ang panganay na anak ng aktor na si Mat Ranillo III sa dating modelo na si Linda Tupaz.

Siya ay nagtapos ng Interdisciplinary Studies sa Ateneo de Manila University noong 2007. Madalas daw siyang makasama sa Dean's List dahil sa matataas niyang marka.

Isinunod ang palayaw ng 23-year-old actress—na ang tunay na pangalan ay Cristalle Lauren Tupaz Ranillo—kay Kristo, na madalas gampanan noon ng kanyang amang si Mat sa pelikula at entablado.

Katulad ng kanyang ama ay nagpakita rin ng interes sa showbiz si Krista. Nagsimula siya sa teenybopper roles sa ilang palabas sa GMA-7, gaya ng Lira at Rio del Mar. Naging bahagi rin siya ng sitcom na Kool Ka Lang, at ng mga soap opera na Ang Iibigin ay Ikaw at Forever In My Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nawala sa sirkulasyon si Krista nang magdesisyon siyang pagtuunan nang husto ang kanyang pag-aaral sa Ateneo. Pagkatapos ng apat na taon ay nagbalik siya sa showbiz, this time bilang isang sexy actress. Ni-launch siya sa sexy film na Paupahan noong 2008, kasabay ng pagpu-pose niya sa men's magazine na FHM. Naging kolumnista rin siya ng isa pang men's magazine, ang Maxim.

Sa kanyang pagbabalik ay nagdesisyon din siyang lumipat sa ABS-CBN. Ang una niyang proyekto sa Kapamilya network ay ang afternoon series na Pieta, kung saan naging leading lady siya ni Ryan Agoncillo.

Mapapanood si Krista sa pelikulang Wapakman, na pinagbibidahan ni Manny Pacquiao. Dito sa pelikulang ito pinaniniwalaang nagkalapit sina Krista at Manny.

Si Krista ang calendar girl ng Ginebra San Miguel para sa 2010.

Nakabalik na ng Pilipinas si Manny noong Biyernes, November 20, kasama ang kanyang asawang si Jinkee at ang kanyang entourage. Wala pang balita kung nakabalik na rin si Krista sa bansa. Kumpirmadong nagpunta si Krista at ang kanyang pamilya sa U.S. noong panahong nandoon din si Manny. Isa sa dahilan daw ng pagpunta ni Krista sa U.S. ay para suportahan si Manny sa laban nito kay Miguel Cotto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN