Krista Ranillo's manager says rumors linking the actress and Manny Pacquiao are "unfounded"

IMAGE 0


The manager of sexy actress Krista Ranillo has issued a statement in light of the recent rumors linking his ward to boxing champ Manny Pacquiao. "I'm glad that Manny took the initiative in issuing an apology to the Ranillo family, who has been suffering from anguish because of all the unfounded rumors linking him to Krista," says talent manager Arnold Vegafria (not in photo).


Pagkatapos humingi ng paumanhin ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa pamilya Ranillo dahil sa pagkakaugnay niya kay Krista Ranillo, nagbigay naman ng official statement ang manager ng aktres na si Arnold Vegafria.

Sa ipinadalang pahayag ni Vegafria sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 23, pinuri ng talent manager ang ginawang paumanhin ni Manny sa pamilya ni Krista. (CLICK HERE to read related story.) Umaasa rin ang manager ni Krista na sa pamamagitan ng "denial" na ito ni Manny ay matigil na raw ang isyu na nag-uugnay sa boksingero at sa aktres.

Wala rin daw basehan ang mga balitang ito tungkol kina Krista at Manny na nagdulot ng matinding pighati sa Ranillo family.

Narito ang kabuuan ng official statement ni Vegafria:

"I'm glad that Manny took the initiative in issuing an apology to the Ranillo family, who has been suffering from anguish because of all the unfounded rumors linking him to Krista. I also hope that his denial will finally put the issue to rest. For what he just did, I commend Manny for being not just a legendary boxing hero but a true gentleman even outside the ring."

Bago man ang pahayag na ito ni Vegafria ay nauna nang nagsalita ang mga kamag-anak ni Krista upang ipagtanggol ang aktres. Sa magkakahiwalay na pagkakataon at paraan ay nagbigay ng kani-kanilang pahayag ang ama ni Krista na si Mat Ranillo III, ang kanyang lola na si Gloria Sevilla, at ang kanyang tiyahin na si Suzette Ranillo. Lahat sila ay nagsabing hindi muna dapat hinuhusgahan ng mga tao si Krista dahil hindi naman daw nila alam ang katotohanan sa isyung ito. (CLICK HERE to read related story.)

THE RUMORED AFFAIR. Hindi maitatangging natabunan ng balita tungkol kina Manny at Krista ang pagwawagi ng Pambansang Kamao kontra kay Miguel Cotto ng Puerto Rico noong November 14 (U.S. time) sa Las Vegas, Nevada. Bago pa man kasi sumabak sa ring si Manny ay mainit na ang usap-usapan sa kanila ni Krista, na sinasabing nagsimula nang magkasama sila sa pelikulang Wapakman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami nang kuwento ang lumabas sa lahat ng klase ng media tungkol sa diumano'y relasyon nina Manny at Krista.

Nariyan ang pagsasabay raw nila sa eroplano papunta at pabalik ng Hong Kong noong September 2009. Sa isang interview ay inamin ni Krista na nagkita sila ni Manny sa Hong Kong, pero magkaibigan lamang daw sila ni Pacman.


THE BAGUIO SIGHTINGS. Nabalita rin ang pagpunta ni Krista sa training ni Manny sa Baguio noong buwan ng Oktubre. At napatunayan ito sa mga naglalabasang mga litrato ngayon sa Internet blogsites kung saan makikita na magkasama nga sina Manny at Krista.

Kasama sa mga litratong lumabas ang ilang kuha kung saan magkatabi sina Manny at Krista habang nasa isang mesa at kumakain. Makikita rin sa mga larawang ito ang ama ni Krista na si Mat Ranillo III.

Pinaniniwalaang parehong araw kinunan ang mga litratong ito nina Manny at Krista, pati na ang kuha kasama si Mat. Sinasabi ring kuha ang mga naturang larawan sa Camp John Hay at Baguio Cathedral.

Sa dahilan kung bakit nandun din sa Baguio si Mat, may reports na lumabas na may balak na namang pasukin ng aktor ang mundo ng pulitika at hinihingi raw nito ang tulong ni Manny.

Magkasama rin sina Manny at Krista nang mamahagi ng relief goods ang Pambansang Kamao para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Patunay nito ang mga larawan na naka-post sa Facebook account ng isang singer-actress na kasama rin nila sa relief operation.

KRISTA IN U.S. Kumpirmado rin ang pagpunta ni Krista at ng kanyang pamilya sa U.S., partikular na sa Los Angeles at sa Las Vegas, noong mga panahong nandun din si Manny para sa kanyang laban kay Cotto. Sinabi ng kampo ni Krista na nagpunta ang aktres sa U.S. upang magbigay ng suporta kay Manny sa kanyang boxing match at para na rin sa pagpapaopera ng bunsong kapatid nito na si Trixie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalong umigting ang balitang may namamagitan diumano kina Manny at Krista nang lumabas ang isang video sa YouTube. Makikita sa video habang paalis ang sasakyan ni Manny pagkatapos ng guesting niya sa talk show na Jimmy Kimmel Live sa Los Angeles. Kitang-kita na may kasamang babae si Manny sa loob ng sasakyan ngunit tinakpan ng babae ang kanyang mukha para hindi makunan ng kamera. Pinaniniwalaan ng marami na si Krista Ranillo ang kasamang babae ni Manny sa loob ng sasakyan. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon pa sa ilang nakapanood ng video, hindi raw maaaring ang asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao ang kasama nito sa loob ng sasakyan. Naganap ang interview ni Manny sa Jimmy Kimmel Live noong November 3. Si Jinkee ay dumating sa Los Angeles noong November 9 at, ayon sa ilang sources, si Krista ay dumating doon noong November 1.

Nabalita rin ang pag-aaway diumano nina Manny at Jinkee habang nasa Las Vegas sila. Ayon sa reports, nalaman daw kasi ni Jinkee na pinuntahan ni Manny si Krista sa hotel room nito—ang Luxor Hotel kung saan naka-billet din daw ang Pambansang Kamao at ang entourage nito—sa bisperas ng laban ng boksingero.

Lalong umigting ang hinala ng mga tao na may away nga sa pagitan nina Manny at Jinkee nang umiyak si Jinkee sa Thanksgiving Mass para sa panibagong tagumpay ni Manny. Sa kalagitnaan kasi ng homily o sermon ng pari tungkol sa pamilya at pag-ibig ay bigla na lang tumulo ang mga luha ni Jinkee. Kitang-kita sa kamera nang hawiin ni Jinkee ang mga kamay ni Manny nang subukan ng huli na kalmahin siya. (CLICK HERE to read related story.)

Nang tanungin ng media pagkatapos ng misa kung bakit umiyak ang kanyang asawa, sinabi ni Manny na na-touch lang si Jinkee sa sermon ng pari at nami-miss na nito ang kanilang mga anak. Marami ang nagduda sa paliwanag na ito ni Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE PARTIES INVOLVED SPEAK UP. Pagbalik ni Manny sa Pilipinas ay napabalita na hindi niya kasabay si Jinkee pag-uwi dahil hindi pa sila nagkakasundo. Ayon sa report, kumuha raw ng ibang flight si Jinkee at hindi sumabay kay Manny. Pero nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Manny sa NAIA noong Biyernes, November 20, ay kasabay niya si Jinkee na dumating.

Hindi man direktang napag-usapan ang tungkol sa balita kina Manny at Krista, sinabi ng Pambansang Kamao sa isang interview pagdating niya na walang problema sa kanilang pamilya. At upang patunayan ito ay naghalikan pa sila ni Jinkee sa harap ng kamera. Ganito rin ang naging eksena sa victory party na inihandog sa kanya ng GMA-7 sa SM Mall of Asia kinahapunan. (CLICK HERE to read related story.)

Ilang araw lamang ang nakalipas mula nang siya'y dumating, nagsalita na rin sa wakas si Manny tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Krista. Kung noon ay "no comment" ang isinasagot niya sa tuwing tinatanong tungkol sa kanila ni Krista, sa pagkakataong ito ay idiniin ng Pambansang Kamao na "matalik na magkaibigan" lamang sila ng aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Nagpaunlak na rin ng interview si Jinkee sa Showbiz Central noong Linggo, November 23. Hindi man direktang sinagot ni Jinkee ang pag-uugnay sa kanyang mister at kay Krista, inamin niya na ito na ang pinakamalaking pagsubok na dumating sa pagsasama nila ni Manny.

Sinabi rin ni Jinkee na naniniwala siyang maraming babaeng "lumalapit at nagpapapansin" kay Manny dahil sa tagumpay na tinatamasa ng kanyang asawa. (CLICK HERE to read related story.)

Sa ngayon ay si Krista na lamang ang hindi nagsasalita tungkol sa isyung ito, bagamat nagbigay na ng kanilang pahayag ang kanyang pamilya at ang kanyang manager upang ipagtanggol siya.

Ayon sa reports, nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Krista sa susunod na linggo. Magkakaroon din daw ng press conference kung saan inaasahan na sasagutin na ng aktres ang mga intriga at batikos sa kanya kaugnay ng relasyon diumano nila ni Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN