Patrick Garcia still hopes Jennylyn Mercado would give him a chance to be a father

IMAGE 0


"Ayokong mag-expect. Kasi kapag nag-expect ka, baka mas lalo ka lang ma-devastate. So, for me, I'm just hoping lang," says Patrick Garcia about his Christmas wish to see and hug his son.


Malungkot ang aura ni Patrick Garcia nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa grand launch ng GMA-7 primetime series na Full House last Monday, November 23.

Limitado ang mga sinasabi at isinagot ni Patrick sa bawat tanong sa kanya ng press during the presscon. Parang ingat na ingat ito na may masabing posibleng hindi na naman magustuhan ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado o makapag-aggravate pa sa sitwasyon nila.

"Parang I wanna be careful with the words I'm saying. Parang I don't want na makasira sa pagiging sana okey namin," paliwanag ng aktor.

May gumugulo ba sa puso at isipan niya?

"Oo, one year na, e," sabi ni Patrick. "So, medyo mag-iisip-isip ka na rin. So, I'm making my steps slowly but surely. That is why ayoko rin sanang magsalita dahil ayokong makasira sa pinaplano ko sanang mangyari."

Binanggit namin kay Patrick na ang lungkot ng mga mata niya samantalang magpa-Pasko pa naman.

"Sana nga sa Pasko, naka-smile na 'ko," nakangiti niyang tugon.

Hindi naman kailangang sabihin pa na ang Christmas wish ni Patrick ay ang makita at mayakap na ang anak nila ni Jennylyn na si Alex Jazz. Sa palagay kaya niya ay matutupad ang wish niyang ito ngayong Pasko?

"Ayokong mag-expect. Kasi kapag nag-expect ka, baka mas lalo ka lang ma-devastate. So, for me, I'm just hoping lang," sabi niya.

Is he devastated right now?

"In terms of one thing to hold... Yung son ko, hindi ko makita, hindi ko mahawakan. That's simple lang," aniya.

SLOWLY BUT SURELY. Tinanong ng PEP si Patrick kung ayaw ba niyang gumawa ng paraan na makita ang anak at makipagkasundo kay Jennylyn since more than one year na si Alex Jazz.

"Slowly but surely, di ba?" sabi niya. "Basta dahan-dahan lang. Hindi naman kailangang madaliin. Nag-send ako ng message, pero hindi natin alam. Pero parang huwag na, okay na yun. I'm being optimistic din, baka hindi pala yun ang number niya [Jennylyn]. Baka hindi niya natanggap. So, I'm still getting her number."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam kaya ni Jennylyn kung ano ang nasa puso niya?

"I hope so... Give me a chance, di ba?" maikli niyang tugon.

Aminado si Patrick na hindi pa niya alam kung ano talaga ang nararamdaman ng isang ama. Pero every time daw na nasa mall siya at may makita siyang mga bagay para kay AJ, binibili raw niya ang mga ito.

"Wala lang, parang instinct lang that I have to buy. Kahit alam ko na hindi ko pa mabibigay," sabi ni Patrick.

Ang kapatid ni Patrick na si Chesca ay masaya na sa anak nito sa basketbolistang si Doug Kramer. May nararamdaman bang inggit ang aktor?

"Ang cute ng anak ni Cheska," napangiti na sabi niya. "Of course, I'm very happy for my sister."

Parehong Kapuso stars sina Patrick at Jennylyn. May mga pagkakataon na naisasama ng young actress si Alex Jazz sa compound ng GMA network.

Pero bakit tila hindi talaga nagku-krus ang landas nila ni Patrick? Sinasadya kaya nila talagang mag-iwasan?

"No, hindi lang talaga nagkakaroon ng chance na magkita. Sana nga, isang SOP lang, di ba, makita ko lang? Pero wala, e," sambit ng binatang ama.

Kung makita niya ang anak niya, ano ang gagawin niya?

"Siguro hahawakan ko agad," aniya.

MISQUOTED. Aware ba siya na ang posibleng pinanggagalingan ng kung anumang negative feelings ni Jennylyn towards him ay nang itanggi raw ni Patrick na siya ang ama ng dinadala nito noon?

"I never denied...I never denied," diin ni Patrick. "From the start pa nga lang that she was pregnant, inamin na namin sa buong mundo that she was pregnant."

May isyung ang mommy raw ni Patrick na si Mrs. Bing Garcia ang nagkukuwestiyon sa paternity ng bata. Ano ang masasabi niya rito?

"No, what happened is sa side niya [Jennylyn]... I had an interview and I was asked a hypothetical question na, you know, 'Paano kung malaman mo na hindi sa 'yo?' So I answered lang na, 'Akin 'yan.' They... 'Kunwari lang, kunwari lang.' So, para matapos lang, sige, imagine ko, so I answered the question. So I said, 'I'll stand as a father until someone comes out.' It's just to answer the question lang," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya ito naipaliwanag kay Jennylyn?

"I told her that, I spoke with her. Even face to face, I told her it's because ganun ang interview. Kumbaga, I don't know if she really saw it also or nakuwento lang sa kanya. I don't know if that was edited, pero I just answered the question. I'm not a bad person naman. I have money to support her naman," saad ni Patrick.

Masakit ba para sa kanya ang plano ni Jennylyn na isunod ang apelyido ni AJ sa lalaking mapapangasawa ng dating kasintahan? If ever, tanggap na ba niya yun o ipaglalaban pa rin niya ang kanyang karapatan bilang tunay na ama ng bata?

"Basta makita ko muna ang anak ko, yun na muna. Siyempre, may konting kirot pa rin."

Posible ba na ilaban niya?

"Basta, ayoko ng away. Yes na lang ako makita ko lang. I don't wanna bring it to court," sagot bi Patrick.

Paano kung maging matigas si Jennylyn na hindi talaga ipakita sa kanya ang kanilang anak?

"Hindi siya ganoon kasama na tao," mabilis niyang tugon.

GLAIZA DE CASTRO. Hindi rin naman puwedeng makaligtas si Patrick sa tanong tungkol sa kanyang lovelife. Pagkatapos ng relasyon nila ni Jennylyn ay sa iisang babae pa lang naman siya nali-link—si Glaiza de Castro.

Kumusta na sila?

"Okay naman kami, we're good friends," sagot ni Patrick.

May binili rin daw siyang pasalubong for Glaiza from Prague, Czech Republic kung saan nag-taping siya with Heart Evangelista and Richard Gutierrez for Full House.

"Isa itong myrrh na parang may sign ng Prague. It's a girly thing at masaya naman siya," ani Patrick.

Mas naging constant ba ang communication nila ni Glaiza?

"Constant naman... Surprisingly, kaming apat [with Glaiza, JC Tiuseco and Maxene Magalona], we became very close," sabi ni Patrick tungkol sa mga naging co-stars niya sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanliligaw pa rin ba siya kay Glaiza o sila na?

"We're just being good friends first," tugon niya.

Walang ligawang involved?

"Hindi ko alam... Siguro!" natatawa niyang sabi.

Parang matiyaga yata siya sa panunuyo kay Glaiza?

"Kasi for me naman, basta–" tawa niya sabay putol ng kanyang gustong sabihin. "Basta sana, lahat ng pinaplano ko—gusto kong makita ang anak ko. Yun... With Glaiza naman, hopefully everything will turn out to be well also. We don't know where our friendship will lead."

Na-appreciate niya na walang pakialam si Glaiza kung anuman ang nakaraan niya?

"Well, Glaiza is very smart naman. Very understanding also. Yung family background, very religious din."

After what happened to him and Jennylyn, nagkaroon ba siya ng trauma sa pagpasok sa panibagong relationship?

"Ayokong sabihin na trauma. Pero siyempre, nagkaroon ng epekto rin sa akin yun," sagot ni Patrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN