Vic Sotto impressed by Cristine Reyes's professionalism

IMAGE 0


"And after her ordeal sa Marikina, two days after, she was back sa set, shooting na agad, parang walang nangyari. Sabi ko nga, very professional siya, 'tsaka hindi mo aakalaing may nangyari sa kanya na ganung katindi," says Vic Sotto (in photo) about Ang Darling Kong Aswang leading lady Cristine Reyes.


Nilinaw ni Vic Sotto na ang bago niyang pelikulang Ang Darling Kong Aswang ay hindi nila kinopya mula Twilight saga film series. Aniya, bago pa man nabuo ang Enteng Kabisote movie series niya ay kinu-conceptualize na raw ang istorya ng Ang Darling Kong Aswang.

Sa presscon ng 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na ito ay kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Vic ang leading lady niya na si Cristine Reyes.

"She's a very good actress, very professional," simula ng komedyante. "Yun ang hinangaan ko sa kanya. Kung maaalala ninyo, kasalukuyan kaming nagsu-shooting noon nung abutan tayo ng bagyong sunud-sunod. Nakapagsimula na kami noon.

"And after her ordeal sa Marikina, two days after, she was back sa set, shooting na agad, parang walang nangyari. Sabi ko nga, very professional siya, tsaka hindi mo aakalaing may nangyari sa kanya na ganung katindi. That was Saturday and Sunday, Tuesday nasa set na siya. Wala kang makikita na bakas except yung physical, may mga konting galos. Pero emotionally, she was okay, surprisingly.

"'Tsaka nung nag-i-schedule na ng shoot nung Tuesday," patuloy ni Vic, "tinanong ko yung production kung talaga bang kaya niyang mag-shooting, na baka gusto niyang magpahinga muna para maka-recover. Alam ko na that was a very traumatic experience for her. Pero to my surprise, sabi nung production namin, 'Hindi, okay na siya, boss!' Sabi ko, Sige go!'"

FROM FAIRY TO ASWANG. Ano ang meron dito sa Ang Darling Kong Aswang na wala sa Enteng Kabisote series?

"Sa Enteng Kabisote, ang asawa ko, e, fairy. Dito naman, ang magiging darling ko, e, aswang," sagot ni Vic.

Nainiwala ba siya sa aswang?

"Hindi natin puwedeng sabihin kung totoo o hindi. Madami nang myth, madami nang alamat, mga legends na naikuwento at naisulat tungkol sa aswang. At ni-research mabuti ng aming mga writers yung tungkol dun sa mga alamat na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga dahilan kung bakit laging top grosser ang Enteng Kabisote movies sa MMFF ay dahil sa mala-Hollywood na special effects nito. Dito ba sa Ang Darling Kong Aswang ay ganun din ang maaasahan ng mga manonood?

"Bonggang-bongga!" bulalas ni Vic. "Hindi puwedeng wala kasi it's a fantasy. And from the time na na-conceptualize namin itong Ang Darling Kong Aswang, nag-evolve siya into a family picture, naging pang-family na siya. At the same time, nandun yung katatawanan. Siyempre hindi puwedeng mawala yun, kailangan nating tumawa dahil sa mga pinagdadaanan nating problema. Kaya nandun yung katatawanan, nandun yung adventure, nandun yung thrilling sequences.

"Hindi ko ma-categorize na horror siya kasi hindi naman siya mananakot, lalo na sa mga bata. Magugulat lang yung mga bata. Pero more on yung matutuwa sila sa mapapanood nila. It's also an extraordinary love story."

Mas malaki ba ang budget nito kesa sa Enteng Kabisote?

"Hindi ko pa nakikita yung final na ano, pero halos parehas lang. Kasi maraming special effects 'tsaka maraming artistang involved. Kung tutuusin, mas malaki ang casting nito kesa sa Enteng."

Kasama rin sa cast ng Ang Darling Kong Aswang sina Jean Garcia, Agot Isidro, Richie D' Horsie, Dante Rivero, Jackie Rice, Denise Laurel, Rafael Rosell, Empress Shuck, Allan K, Joonee Gamboa, Jenny Miller, Gian Sotto, Wally Bayola, Mosang, Shalala at Barbie Forteza.

May cameo role din ang girlfriend ni Bossing Vic na si Pia Guanio. Ito ang ikalawang pagkakataon na nagkaroon ng cameo appearance si Pia sa pelikula ni Vic. Una ay sa Dobol Trobol, ang first film ni Vic with Comedy King Dolphy.

Sa susunod na pelikula raw ni Vic ay si Pia na mismo ang leading lady niya.

"Baka sa susunod na siya, siya lang ang inaaswang ko!" natatawang sabi ni Vic.

Bukod kay Pia, guests din sina Jacky Woo, Oyo Sotto, at Joey de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Darling Kong Aswang is produced ng APT Entertainment ni Tony Tuviera, OctoArts Films ni Orly Ilacad, at M-Zet TV Productions ni Vic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN