Jolina Magdangal addresses speculations about her disappearance on SOP

IMAGE 0


"Hindi pa natin alam. Basta ang mahalaga doon, may something, kumbaga, may surprise kami. Kumbaga, may plano. Hindi yung basta sumagot ka lang ng ewan ko, di ba? So, yun ang napagdesisyunan namin. We decided to plan something. Basta happy ako sa mangyayari sa akin for 2010. Parang ngayon pa lang pinaplano na," replies Jolina Magdangal when aksed if she will return to SOP on January 2010.


Si Jolina Magdangal ang pinakabagong talent na mina-manage ngayon ng PPL Entertainment Inc., na pinamumunuan ni Perry Lansigan. Kasama niya sa PPL sina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Arthur Solinap at Carlo Gonzales.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na makausap si Jolina sa Christmas party ng PPL para sa press kagabi, Nobyembre 26, sa Celsius Bar sa Sct. Rallos, Quezon City.

Maraming isyu ang binigyang-linaw rito ni Jolina, gaya na lang ng pagkuha niya kay Perry bilang bagong manager. For the longest time kasi ay ang kanyang ama na si Mr. Jun Magdangal ang naging manager niya. Ano ang reaksiyon ng daddy niya sa desisyon niyang ito?

"Si Daddy kasi, napagdesisyunan niya na mag-take charge siya doon sa business namin sa Tagaytay, yung restaurant namin doon. Siyempre, pag may business ka sa ganung kalayo, hindi puwede yung ganung sitwasyon," paliwanag ng multi-media artist.

So, okay lang sa daddy niya na iba na ang manager niya?

"Oo naman," mabilis na sagot ni Jolina. "Siyempre, hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung isa lang ang nagdesisyon, di ba? Kailangan buong family din yung kumbaga magpapasa sa akin."

OUT OF SOP? Sumunod na nagpaliwanag si Jolina tungkol sa pag-alis niya raw bilang host ng kaka-reformat lang na SOP Fully Charged.

"Bago nangyari ang lahat ng nangyari sa SOP, may plano na talaga kami ni Perry na... may mga plans kami na gagawin. So, yun," medyo bitin na sagot ni Jolina.

May kinalaman ba yung pagre-resign ni Perry bilang executive producer ng SOP sa pag-alis niya rin sa show?

"In a way, oo. Kasi may mga plano nga kami para sa career ko."

Kasama ba talaga sa plano ang pag-alis niya sa SOP?

"Basta may mga plano kami," ulit niya. "Kasi siyempre pag may plano, hindi mo naman yun magagawa hangga't may mga ginagawa ka pa. Kasama sa plano yung may mga times na hindi muna ako sisipot sa TV. Ibig sabihin, may ibang kinakabisihan kami na gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga report kasing lumalabas na babalik din naman daw siya sa SOP by January. Totoo ba ito?

"Hindi pa natin alam. Basta ang mahalaga doon, may something, kumbaga, may surprise kami. Kumbaga, may plano. Hindi yung basta sumagot ka lang ng ewan ko, di ba? So, yun ang napagdesisyunan namin. We decided to plan something. Basta happy ako sa mangyayari sa akin for 2010. Parang ngayon pa lang pinaplano na," sabi niya.

Sa ngayon, Dear Friend lang ang natitirang active na show ni Jolens sa GMA-7. Pati raw sa Unang Hirit ay hindi na talaga siya kasama.

"Wala na ako sa UH, kasi may mga change na nangyayari sa buong GMA. So, ganun ang mga kinalabasan."

Puwede niya bang i-share ang ilan sa mga plano ni Perry for her?

"Secret pa, e," nakangiti niyang sabi.

TRANSFERRING NETWORK? May nagsasabi rin na babalik daw si Jolina sa ABS-CBN o kaya ay lilipat siya sa TV5. Totoo ba ito?

"Hindi natin alam. Basta may mga plano kami ni Perry," maikling sagot niya.

May offer ba ang ibang station sa kanya?

"Si Perry ang makakaalam niyan."

Sabi niya ay na kay Perry ang desisyon. So kung ililipat siya ng bagong manager niya sa ibang istasyon, okay ba sa kanya?

"Sa tingin ko, alam ni Perry... Si Perry ay may wisdom kung ano ang gagawin niya sa mga talents niya.... Bago ko siya naging manager, kaibigan ko na siya, e. So, alam na alam ko na hindi siya magpapabaya. Talagang alam na alam niya kung ano ang mga gagawin niya. And every time na may desisyon siya, laging kumbaga joined forces kami. Hindi kami isa lang or one way lang ang desisyon. Kung anuman ang mangyari sa aming lahat, isang bangka kami," saad niya.

Open ba sa puso niya ang pagbalik sa ABS-CBN?

"Alam niyo, sa totoo lang, sabi ko nga sa inyo, umiikot lang tayo. And since new management ako... Magaling ang management kong napuntahan din, so tingnan natin kung ano ang magiging desisyon ng PPL para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling babalik nga siya sa ABS-CBN, sino sa male actors ang gusto niyang makapareha?

"Si Papa P [Piolo Pascual] puwede rin," sambit niya. "Kasi... noon pa, noong nasa ABS pa ako, si Papa P kasi hindi naman kailangan love team ang dating. Pero kung sakali anumang project, si Papa P talaga."

Hindi nagkaroon ng pagkakataon na maipareha si Jolina kay Piolo noong nasa ABS-CBN pa ang aktres dahil ang rival niya pero kaibigan na si Judy Ann Santos ang ka-love team ni Piolo.

CLAUDINE AS KAPUSO. May balitang kaya raw umano nag-iisip si Jolina na lumipat sa ibang istasyon ay dahil sa paglipat naman ng dating Kapamilya na si Claudine sa GMA-7. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Hindi naman," tanggi ni Jolina. "In fairness naman kay Claudine, matagal nang nabalita itong kay Clau, di ba? Sa totoo lang, yung kay Clau-Clau nga, nagulat lang ako. Paano mangyayari na dun ibabase? At saka, halimbawa may mga plans man kami, ang ugali namin ni Perry, hindi kami nagbabase dahil sa emotions. Nagbabase kami dahil sa kung ano talaga ang dapat. Kung ano ang talagang dapat ilaban."

Ano ang reaksiyon niya noong mabalitaan niya ang paglipat ni Claudine sa Kapuso network?

"E, di, happy," sagot niya. "Kami naman ni Clau-Clau, ever since naman, hindi naman kami nagkaroon niyan ng something, e. Hindi man kami ganung super-dikit na super-duper close, pero hindi naman kami yung nagkaroon ng something na sagutan or whatever. Kahit ano pang mangyari, kahit ano pa ang ibato nila, hindi kami apektado."

Open ba siya to work with Claudine?

"Why not, di ba? Kasi naman dito sa showbiz, umiikot lang... Lahat naman magkaka-work at magkaka-work pa rin," sabi ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN