Dingdong Dantes says if Family Feud goes back to Richard Gomez, "Willingly, I will back out."

IMAGE 0


"Klaro sa akin that [hosting Family Feud] is a task handed down to me by the management. At klaro rin sa akin that I am a replacement of Richard Gomez and I can never fill the shoes of a Richard Gomez," said the new host of the game show.


It was DDD or Dingdong Dantes Day last Thursday, November 26, dahil tatlong beses nakadaupang-palad ng entertainment press ang aktor sa magkakaibang events.

Nag-umpisa noong tanghali sa pag-launch sa kanya bilang kauna-unahang celebrity endorser ng National Book Store, at the same time, ang pag-anunsiyo ng partnership nila hinggil sa kanilang mga advocacies—si Dingdong para sa Yes Pinoy Foundation at ang NBS naman para sa kanilang "Project Aklat."

Kinahapunan ay ang thanksgiving party naman ng GMA-7 para sa staff at cast ng Stairway to Heaven na matatapos na sa dalawang linggo.

At kinagabihan ay ang bonggang early Christmas party at launching ng PPL Entertainment, Inc., kunsaan si Dingdong ang frontliner among its talents.

END OF STAIRWAY. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang nararamdaman ng aktor ngayong sa December 11 na ang huling episode ng Stairway.

"Nagulat nga ako na two weeks na lang... Kahit mabilis lang siya, four months, it seems very long to me dahil sa sobrang bigat."

Hindi raw nila puwedeng i-extend ito dahil hindi na sila magiging loyal sa original story. Tulad din ba ng ending sa original Koreanovela ang magaganap?

"Yun ang naging agreement dito at para sa akin, yun ang nag-work, yung dati. So bakit mo iibahin?" sabi niya.

May mga ilang natutunan daw siya habang ginagawa ang STH.

"One, kapag talagang inilagay mo ang sarili mo sa isang bagay at nag-concentrate ka at ibinigay mo ang buong puso mo, yung commitment mo, e, talagang you will go places. Yun lang, and believe in the Lord."

Mami-miss niya raw talaga ang mga nakasama niya rito. "Sa kabila ng pagiging serious, yung ginagawa na behind the camera, kami ay one bunch of crazy people."

"RHIAN HAS THE MAKING OF A STAR." Sa loob ng panahong nakatrabaho niya si Rhian ay "may improvement" daw ang friendship nila, pero "hindi siya ganoon kalalim because nagkaroon lang ng konting time... But we shared moments na mabibigat together which we can never discount."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa maikling panahon na iyon ay puro positibo ang nasilip niya sa kanyang leading lady.

"Ako, naniniwala ako na she has the making of a star and I've seen her improvements thoughout the days na magkakasama kami. And siyempre, as a partner na kasama, nakakatuwa that the show that we are doing was actually good for her."

Sobrang romantic ng mga eksena nila ni Rhian. Hindi ba siya nadala ni minsan?

"Sanay na ako ro'n," nakangiting sagot ng binata.

Masaya si Dingdong sa naging decision ng network na i-retain ang time slot ng primetime series, at sa last two weeks nito ay mapapanood ang Stairway pagkatapos ng Darna.

"You know, everything goes through a due process. Maaaring nagkaroon ng first decision at may dahilan kung bakit nabago yun. So, lahat yun dumadaan sa ulong mas marami pa sa dalawa. At itong mga ulo na ito, e talagang mga ulo na matatalino, ulong may pagmamalasakit at may pagmamahal sa viewers. Much more than the interest of the artist.

"It is the viewers that they have number one in their heart and concerns. I highly commend them for going through that process at kung anuman ang nangyari do'n, hindi ko na alam. Basta ang importante, magtatapos na kami in two weeks and as much as binibigay namin ang buong puso namin dito, ganundin ang viewers na binibigay nila ang full attention nila at oras nila sa amin."

FAMILY FEUD AND RICHARD. Sa thanksgiving party ng Stairway ay tinanong si Dingdong tungkol sa nangyayari sa Family Feud. Matatandaang pinalitan ni Dingdong pansamantala ang original host na si Richard Gomez dahil tatakbo ang huli sa 2010 elections. At the time, pinagbabawal na manatili ang mga celebrities sa kani-kanilang shows kung sila ay kakandidato. Pero sa mismong araw ng first taping ni Dingdong ay in-announce ng Supreme Court na ili-lift nila ang TV ban sa mga celebrities na papasok sa eleksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa isang news website, tila umasa si Richard na ibabalik sa kanya ang hosting job niya sa game show, pero nang di mangyari ito ay pinost niya sa Facebook ang kanyang disappointment.

Walang kamalay-malay si Dingdong kung ano ang saloobin ni Richard nang dalawin siya nito sa first taping day niya for Family Feud.

"Tinanong ko nga siya that I heard it [TV ban] was lifted, without thinking, without knowing that he asked for [his hosting job] to be given back to him... All the while I thought yung decision nila was collaborative na gusto rin niyang magpahinga to have more time, so, wala akong kaalam-alam...

"Immediately, noong malaman ko, nagpakita na rin ako sa kanya [Goma] kung ano ang opinion ko sa kanya. Kung ano ang sinasabi ko sa inyo ngayon, more or less, that's what I told him also."

Nagkausap sila?

"Well, hindi directly, through messages also. Sabi ko, any time na, you know, magkaroon ng decision to revert back, sobrang okay lang sa akin. Willingly, I will back out and give it back."

Para kay Dingdong, "Klaro sa akin that [this] is a task handed down to me by the management. At klaro rin sa akin that I am a replacement of Richard Gomez and I can never fill the shoes of a Richard Gomez.

"Bukod sa iniidolo ko siya, it was such a huge task to come in especially [in] the middle of something at its peak."

Ayon sa bagong host, naiintindihan niya si Goma. "If I were in his shoes, I will also feel the same way. But just the same, nirerespeto ko ang decision ng network at bukod sa nirerespeto ko, very grateful ako na ako ang pinili nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN