Rafael Rosell says he's no Robert Pattinson copycat in Ang Darling Kong Aswang

IMAGE 0


Rafael Rosell says he doesn't believe in aswang, but wouldn't mind getting bitten by one if she's as beautiful as Cristine Reyes.


Gaganap na aswang ang hunky actor na si Rafael Rosell sa pelikulang Ang Darling Kong Aswang, pero sinisiguro niyang di niya ginaya ang vampire ni Robert Pattinson sa Twilight saga.

"Hindi, iba ito, ako hindi ko siya ginaya. Salbahe ako dito, kontrabida role, next to Jean Garcia, na siya yung parang boss naming mga aswang dito."

Ang bida sa naturang Metro Manila Film Festival entry ay si Vic Sotto, with Cristine Reyes as his leading leady.

Joint production ito ng APT Entertainment ni Tony Tuviera, OctoArts Films ni Orly Ilacad, at M-Zet TV Productions ni Bossing Vic.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rafael kung angkop ba ang tema ng aswang para sa Pasko. Baka di ito tangkilikin ng mga manonood.

"Every Christmas naman may parang epic movie na lumalabas. I think it's a good time for storytelling and fairy tales, so okay din naman na maglabas sila ng Ang Darling Kong Aswang, para sa mga bata naman itong Christmas. Panakot lang nang konti ang pelikula namin pero, siyempre, more on comedy pa rin."

VAMPIRE FIGHT SCENES. First time ni Rafael na gumanap na aswang at aminado siyang di niya sigurado kung ano ang pagkakaiba ng vampire sa aswang.

"Ang alam ko kasi, ang mga vampires, hindi nila kaya sa daylight. E, ang mga aswang, kaya nila sa daylight."

Wala man daw siyang pinagbasehan sa character niya, "pero since may mga fight scenes kami sa pelikula, nag-study ako ng konting martial arts."

Kuwento pa niya, "Kakabili ko lang kasi ng Tekken 6 sa PS 3, yung latest na parang martial arts game sa PS [PlayStation]... Actually nauna muna yung shoot namin sa movie bago lumabas yung character dun sa Tekken, so nung nilaro ko yung game, napansin ko na parang yung fighting technique na ginamit ko sa movie, parang may pagkahawig sa Tekken 6 na game."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw naniniwala sa aswang si Rafael. "Sa mga supernatural na ganyan hindi ako naniniwala. Never akong naka-encounter at happy na ako dun."

Gusto ba niyang makakita ng tunay na aswang?

"Huwag naman po, okay lang na hindi," natatawang sagot ni Rafael.

Pero kung totoong may aswang, papayag ba siyang magpakagat sa isang aswang na kasing ganda ni Cristine?

"Oo, naman, siyempre. Papakagat ako, tapos eternal life na yun. Kumbaga siya na ang mag-aalaga sa akin."

LOVE BITES RAFAEL. Pero sa totoong buhay ay nakagat na ng pag-ibig si Rafael.

"Non-showbiz siya, model siya," kuwento ng aktor. "Hindi siya magso-showbiz kasi ayaw niya, hindi siya mahilig umarte, at ang alam ko ayaw niyang ma-invade ang private life niya."

Matagal na silang magkakilala, pero kailan lang sila nagkaroon ng relasyon.

"Wala kaming definite date [ng anniversary], e. Wala pang years, months pa lang pero since 2005, friends na kami."

Aze Sasaki ang pangalan niya, isang half-Japanese, half-Filipina.

Wala namang clash ang cultures nila, sabi ni Rafael na lumaki sa Norway, kasi "we share common Filipino traditions."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN