Karen delos Reyes enjoys resurgent career due to Stairway To Heaven

IMAGE 0


Karen delos Reyes, whose last big role was in the 2005 Darna, is enjoying a second wind in showbiz. She waxes philosophical about the ups and downs of an unpredictable career: "Well, ang masasabi ko lang, bilog ang mundo. Hindi palaging happy birthday."


Malaking blessing para kay Karen delos Reyes ang Stairway to Heaven, dahil naging daan ang primetime series ng GMA-7 para sumiglang muli ang kanyang acting career.

Ang masasabing huling big role ni Karen ay sa 2005 na Darna ni Angel Locsin. Mula noon hanggang itong taon ay pasulpot-sulpot lang siya sa ilang shows ng Kapuso network.

Dito sa Stairway, di lang markado ang role ni Karen bilang Badette na best friend ni Rhian Ramos. Naging maganda rin ang kabuuang karanasan niya sa series.

"Ito na yata ang pinakamasayang show na nagawa ko, after Mulawin... Kasi, ano, e, yung buong cast, staff, crew, lahat kami, mahal namin ang isa't isa. Pinakasobrang saya niya na hindi ko makakalimutan."

MANY THANKS TO STAIRWAY. Dugtong pa niya, "Ipinagpapasalamat ko rin sa Stairway yung nakatrabaho ko ulit si Direk Joyce Bernal. Second time ko sa kanya. First soap niya yung Ang Iibigin Ay Ikaw at first soap ko naman yun.

"Nagpapasalamat din ako na nakatrabaho ko si Rhian Ramos, si Dingdong Dantes, si Carlo Gonzalez, lahat sila... napakagagaling nilang artista, wala akong masabi."

Naging magkaibigan daw sila ni Rhian because of Stairway, kaya kahit wala nang taping, close pa rin daw sila.

"Like storycon pa lang, I tried to reach out to her because I know, best friend ang role namin, di ba? I tried to reach out to her and she did. And we're really good friends. Gumigimik kami, as in girlfriends talaga, ganung factor! Kahit si Eunice [Glaiza de Castro], lahat kami," proud niyang sinabi.

BOYFRIEND WHO? Nagulat lang kami nang kamustahin namin ang non-showbiz boyfriend niya at ang isagot sa amin ay, "Sino yun?"

Break na pala sila. "Matagal na. Actually, start ng Stairway... na-lost."

Ipinaalala namin sa kanya ang kanyang mga sinabi noong launch ng Stairway, na ang naturang boyfriend ang inspirasyon niya, ang maraming naituro sa kanya, at in a way, ang nakapagpabago sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nais niyang i-amend na ang mga 'yon. "Excuse me, binago ko ang sarili ko for the good, for the better. Inspiration siya, yun..."

Casualty ba ito ng comeback career niya?

"Hindi... paano ko sasabihin? I fell out of love, that's it."

Siya raw ang nakipag-break. Paano tinanggap ng lalaki?

"Ewan ko sa kanya... ang tanong, tinatawagan ba ako? Hindi, di ba? Wala nang communication, nothing."

Ang nangyari ba'y isang araw, na-realize na lang niya na di niya na ito mahal?

"Hindi ko ma-explain, e. Siguro, mutual na rin siya. We're moving forward. He has to do his thing. I have to do my own thing para sa ikagaganda ng buhay ko, ikagaganda ng buhay niya.

"Hindi naman ito dahil sa career. Ever since naman nag-aartista ako noong maging kami, wala namang naging problemang ganoon."

BEST FRIEND FOREVER. Matatapos na sa December 11 ang Stairway, pero di mababakante si Karen dahil kasama siya sa opening salvo ng GMA-7 for 2010 na The Last Prince, kunsaan best friend naman siya ni Kris Bernal.

Okay lang daw sa kanyang ma-typecast as the best friend. "Masaya namang maging best friend, a!" nakangiting sabi niya. "Human ako. Isa akong mortal."

Pero pasalangit ang tingin niya dahil sa magandang nangyayari sa career niya ngayon.

"Sobrang thankful ako kay Lord. Thankful ako na nagkaganito yung career. Thankful ako sa GMA na 'eto ulit. Sobrang thankful din ako kay Otep [Bungcalan, her manager]."

Na-imagine niya ba noon na magiging aktibo uli ang career niya?

"Well, ang masasabi ko lang, bilog ang mundo. Hindi palaging happy birthday."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN