Alma Moreno witnesses aftermath of Ampatuan carnage in Maguindanao

IMAGE 0


"Talagang naiyak ako, kasi ngayon lang ako nakakita ng ganun kagrabe. Nakita ko ilang dump track na may babae. Maaawa ka sa mga pamilya ng mga nawalan. Maaawa ka sa mga taong walang kinalaman. Yung lawyer na kaibigan namin, napasama rin doon," said Alma.


Bilang national Secretary General ng Philippine Councilors League, iniikot ng ParaƱaque Councilor na si Alma Moreno ang bansa upang alamin ang mga suliranin sa bawat lugar at kung paano sila matutulungan.

Sa naganap na massacre sa Maguindanao, bahagi ng tungkulin ni Alma ang magsadya roon.

Ang Maguindanao massacre, na tinatawag ding Ampatuan massacre, ay tungkol sa mass murder ng 57 katao noong November 23, 2009, na may kinalaman sa darating na halalan nitong 2010. (CLICK HERE for related article.)

Ayon kay Alma, "Nagpunta kami agad roon kasi ang Governor ng Sultan Kudarat is our friend. Nakikiramay kami kasi halo, may Christian at Muslim. Talagang naiyak ako, kasi ngayon lang ako nakakita ng ganun kagrabe.

"Nakita ko ilang dump track na may babae. Talagang maaawa ka sa mga pamilya ng mga nawalan. Maaawa ka sa mga taong walang kinalaman. Yung lawyer na kaibigan namin, napasama rin doon.

"Kaya... nakikiramay ako sa lahat-lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN