KC Concepcion says inclusion in the new batch of Walk of Fame is "unexpected"

IMAGE 0


"It was unexpected. Iba pala yung feeling. Nakikita ko lang 'yan dati, yung iba't ibang pangalan ng mga artistang kilala ko at hinahangaan ko, so it's a nice thing. Maganda rin ang feeling na makita ang pangalan mo na parte ka nun at malaman kung sino ang mga kasama mo," says KC Concepcion about her inclusion in the new batch of celebrities who were given their own stars in the Walk of Fame.


Kahit na kababalik lang galing U.S. ni KC Concepcion at may jetlag pa, dumiretso agad siya sa Eastwood City kagabi, December 1, para sa Walk of Fame ceremony, kung saan ang kanyang star was enshrined along with other showbiz luminaries both old and new.

"I just flew in. Kararating ko lang about four hours ago. Diretso ako from the airport. I am doing this as a sign of appreciation. Ayoko lang magpahalata na inaantok ako dahil sa jetlag, pero kailangan ko na rin labanan ang jetlag kasi may taping na rin ako ng 3 a.m. for Lovers in Paris.

"Sunrise kasi, parang yun na yata ang wedding scene namin. Siyempre, first time kong mag-wedding gown tapos sa church yata ang wedding... Hindi ko pala first time na nagsuot ng wedding gown. I did it sa When I Met You, pero hindi ako ikinasal. So bale first time ako ikakasal," lahad ni KC nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Eastwood City during the event launching.

UNEXPECTED. Kahit na iilan taon pa lang si KC sa showbiz ay isa na siya sa nabigyan ng star sa Walk of Fame. How does it feel being a part of Walk of Fame?

"It was unexpected. Iba pala yung feeling. Nakikita ko lang 'yan dati, yung iba't ibang pangalan ng mga artistang kilala ko at hinahangaan ko, so it's a nice thing. Maganda rin ang feeling na makita ang pangalan mo na parte ka nun at malaman kung sino ang mga kasama mo," pahayag niya.

Masaya raw ang dalaga sa pagkakaroon niya ng star sa Walk of Fame.

"It's very fulfilling kasi you earned that," sagot niya.



Kasali rin sa honorees ang kanyang ama na si Gabby Concepcion. Ano naman ang reaction niya rito?

"Hindi ko nga po alam na magkakasama pala kami dito and never ko naman naisip na uuwi siya at magkakatrabaho kami nang sabay, so I am surprised," sabi ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina KC at Gabby, ang iba pang nabigyan ng stars sa Walk of Fame ay sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, APO Hiking Society, John Lloyd Cruz, Christian Bautista, Cherry Pie Picache, Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, Isko Moreno, Aiza Seguerra, Luis Gonzales, Armida Siguion Reyna, Basil Valdez, Rey Valera, Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, and the late Marky Cielo (na ni-represent ng kanyang ina na si Mrs. Mildred Cadaweng).

Ang Walk of Fame ay proyekto ng Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno.



LOVERS IN PARIS.
According to KC, she's set to do a movie with Star Cinema at very excited siya rito dahil matagal niya itong hinintay na mangyari.



Natutuwa rin si KC sa magagandang feedback na kanyang nakukuha sa malapit nang magwakas nilang teleserye ni Piolo Pascual na Lovers in Paris.



"Of course, natutuwa talaga ako," sambit niya. "We've been working on this for eight or nine months na. Pag nandoon ka na sa work, hindi mo na naiisip na trabaho. Pero pag na-appreciate nila ang trabaho namin, kahit na noong nasa L.A. at Las Vegas ako, talagang 'Vivian' ang tawag nila sa akin. So nakakatuwa na sumusuporta ang mga tao. Sobrang nakakataba ng puso na may mga nanonood talaga, so lahat ng pagod mo nawawala."

Nagpunta sa Los Angeles at Las Vegas si KC para sa concert ng kanyang ina, si Sharon Cuneta. Isa si KC sa mga guest ng Megastar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN