Christopher de Leon tries his luck in politics again

IMAGE 0


Multi-awarded actor Christopher de Leon will run for board member in the second district of Batangas in the 2010 elections. This is the second time that Boyet will run. The first time was in 2007 when he ran for vice governor of Batangas, but he lost to Marc Leviste.


Nag-file na ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) ang Drama King na si Christopher de Leon sa last day of filing kahapon, December 1, ng mga tatakbo sa 2010 elections. Tatakbo siya bilang board member sa 2nd District ng Batangas, kung saan madalas na siyang mag-stay sa 7,000 square-meter property niya sa Tingloy, Batangas.

Kasama niyang nag-file ng CoC sa opisina ng Comelec sa Batangas ang favorite leading lady na si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at Vice Governor Marc Leviste, na kapwa namang tatakbong muli sa parehong posisyon.

Kuwento ni Boyet (palayaw ng aktor), "Taga-Batangas talaga kami. Dati ay may property din kami sa Lobo, pero naipagbili namin 'yon dahil kumuha kami sa Tingloy."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Boyet sa grand launch ng kauna-unahang ChristmasSerye ng GMA-7, Sana Ngayong Pasko, sa Studio 5 ng GMA Network Center kagabi, December 1.

SECOND BID IN POLITICS. Matagal nang kumakalat ang balita na tatakbo siyang muli, pero wala siyang confirmation noon. Matatandaang tumakbo si Boyet para vice governor ng Batangas noong 2007, pero tinalo siya ni Leviste.

Paliwanag ng aktor, "Nanahimik nga ako, nagalit din sa akin si Nanay Lolit [Solis, his manager] dahil tinanggap ko raw itong project na ito. Nakakahiya raw kay Manang Inday [Ms. Susan Roces] kung bigla akong magba-backout.

"Nag-start akong mag-taping at may mga kasama na nga akong artista na kakandidato na tinanggal na sa ginagawa nilang soaps, o talagang nagpaalam na dahil nga sa ruling ng Comelec na hindi na sila puwedeng matrabaho kapag nakapag-file na ng candidacy. Although sabi nila, kaawa-awa raw naman ang mga artistang four months na hindi magtatrabaho dahil sa election ban Wala pa raw kasing decision noon ang Supreme Court.

"Kaya I just waited kung ano ba ang decision ng Supreme Court dahil tatagal ang aming Christmas special hanggang first week of January [2010]. Kaya nang baguhin ng Supreme Court ang decision na puwede pang magtrabaho ang mga artista hanggang bago magsimula ang election campaign, that's the time na nag-formalize na kami ng usapan ni Governor Vi dahil sa kanyang partido ako, sa Liberal Party. Sa District 2 ako ng Batangas. Composed ito ng Tingloy, Bauan, Batangas City, San Pascual, San Luis... ito 'yong mga lakeshore towns ng Batangas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang balak niya sa improvement ng Batangas?

"Ever since, nakita ko ang historical background, ang beauty, at yaman ng Batangas, ang mga corals at halamang dagat nito. Iyon ang magiging concern ko, na panatilihin ang kagandahan ng Batangas, mapaunlad ang tourism, at magbigay ng maraming trabaho sa mga tao.

"As an actor, may influence kami sa mga tao para sumunod kung ano ang ipagagawa ko sa kanila. Para sa akin kasi, entertaining is also a service kasi pinasasaya namin sila. Napi-feel din namin kung ano ang mga sentimyento nila," saad ni Boyet.

Bakit nagalit sa kanya ang manager niya?

"Nagalit sa akin si Nanay Lolit kasi mahal niya ako," sagot ng aktor. "Ayaw na raw niyang kumandidato ako dahil baka last minute, iwanan na naman ako ng mga taong nangakong sumuporta sa akin. Ayaw na raw niyang maulit 'yon. But I believe na this time, since may party ako, hindi nila ako pababayaan."

BACK TO GMA-7. Nagbabalik sa Kapuso network si Boyet via Sana Ngayong Pasko. Totoo bang nagtampo siya noon dahil sa huling project na ginawa niya, ang Darna (2005), ay hindi siya nakilala ng televiewers dahil may takip ang kanyang mukha?

"Hindi naman talaga nagtampo," paglilinaw ni Boyet. "Ako naman, sabi nga, wala namang small or big roles, pero nakakalungkot kung parang wala namang kunsiderasyon sa mga roles na ibinibigay sa amin. Kaya nang i-offer sa akin itong Sana Ngayong Pasko, hindi na ako nagdalawang-isip pa, tinanggap ko ito. Si Nanay Lolit na ang bahala sa iba ko pang requests na pinagbigyan naman nila."

Wala bang offer ang ABS-CBN sa kanya kaya siya lumipat? Wala ba itong conflict sa primetime series niya sa kabilang network, ang Lovers in Paris? Sa December 11 pa kasi ang final episode ng Lovers in Paris, samantalang sa December 7 na ang pilot episode ng Sana Ngayong Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May offer naman sila sa akin, pero parang pang-eleksiyon. I will play the role of a president. Kung tatanggapin ko, hindi ako puwedeng kumandidato dahil tatagal ito hanggang before election.

"As to Lovers in Paris, yung first week ng aming soap, mga young Susan Roces and her children ang mapapanood. Kaya hindi mag-aabot sa paglabas ko rito," paliwanag niya.

LOTLOT ABROAD. On a lighter side, naitanong kay Boyet ang tungkol sa pagma-migrate ng adopted daughter niyang si Lotlot de Leon sa United States.

"I'm happy for her," sambit niya. "Tumawag na siya noong isang araw, nagkita na raw sila ng daddy niya [biological father] who lives in Chicago. At may communication na rin sila ng nanay niya, si Nora Aunor. Magkikita na raw sila.

"She's working now, may decent work siya. At sa kabila raw ng recession, maganda ang suweldo niya. Masaya na siyang makipag-usap ngayon, hindi tulad noon na parang at a loss siya nang hindi pa sila nagkikita ng biological father niya."

MIX-UP ABOUT SANDY'S HEALTH. Kinulit din si Boyet tungkol sa ibinalita ng Showbiz Central na may sakit daw ang misis niyang si Sandy Andolong. Nagalit ba siya nang lumabas ito?

"Nang malaman namin 'yon, talagang nagalit ako kasi may interview pa ako tungkol kay Sandy at sa family ko," pag-amin niya. "Kaya pala kinumusta nila si Sandy, kinumusta rin ang sister kong si Melissa [de Leon], na sabi ko may breast cancer siya pero na-survive niya 'yon. Sa palagay namin ni Sandy, nagkahalo 'yong pangungumusta nila kay Sandy at kay Melissa. Kaya after that, nagkatawanan na lang kaming mag-asawa.

"Nagpadala ang show ng flowers and fruits. Iyong flowers, idinisplay ko sa living room namin. Yung fruits, hindi ko kinain!" natatawang sabi niya.

Magge-guest pa ba siya sa Showbiz Central, lalo na't baka sa Sunday ay may big promo sila para sa Sana Ngayong Pasko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko, nasa Batangas yata ako!" at napahalakhak na lang ang aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN