JC de Vera admits 2009 has been a "very stressful year" for him

IMAGE 0


"Parang roller coaster. Minsan nasa taas ako, sobrang saya. Minsan naman, sobrang baba. And wala, e... Wala kang magagawa kasi ganun talaga ang nangyayari sa industry na ito. Kapag nasa taas ka, nasa taas. Kapag nasa baba, nasa baba. So, nasa sa 'yo na lang kung paano mao-overcome yun," says JC de Vera when asked to assess his career this year.


Pagkatapos ng "Special" episode ng Dear Friend, sunod na mapapanood si JC de Vera sa kauna-unahang ChristmaSerye ng GMA-7 na Sana Ngayong Pasko. Nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho sina Ms. Susan Roces, Christopher de Leon, Gina Alajar, at Dante Rivero.

Itinuturing ni JC na isang malaking oportunidad ang pagkakasama niya sa proyektong ito.

"Very grateful ako actually. Happy ako dahil hindi lahat ng artists na kasama ko rito sa GMA, e, may opportunity na makatrabaho sila Ms. Susan, sila Tito Boyet... So, siguro ito yung magandang pagtapos ng taon ko, di ba?" nakangiti niyang sabi nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Sana Ngayong Pasko kagabi, December 1, sa Studio 5 ng GMA-7.

Ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni JC ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces. How is it working with her?

"Noong una, nai-starstruck kami sa kanya. Kasi akala namin Ms. Susan Roces na sobrang taas talaga. Pero noong nasa taping na kami, ipinakita niya sa amin na very approachable siya. Na kailangan when it comes to work, very professional at very dedicated ka. So, maganda yung itinutulong sa amin ni Ms. Susan kasi tinuturuan niya kami kung paano talaga maglabas ng acting."

Naramdaman din daw niya yung "motherly support" from the respected veteran actress.

"Yun ang effect niya sa amin," banggit ni JC. "Tinuturuan niya talaga kami na umarte nang maganda para sa show na ito. And since very professional siya, yun nga, nagiging sobrang disiplinado na rin kami. Every time na may taping, pumapasok kami sa set na very professional and yung focus namin, nandun talaga."

VERY STRESSFUL YEAR. Hindi maikakaila na naging sentro ng intriga si JC sa kalagitnaan ng taon dahil sa isyung namagitan sa manager niyang si Annabelle Rama at sa SVP for Entertainment ng GMA-7 na si Wilma Galvante. Pero hindi raw naman inisip ni JC na pagkatapos ng nangyari ay wala nang mangyayari sa career niya sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Hindi ko siya naisip talaga na ganun. Pero honestly, medyo nanlamig, totoo yun. Pero since nagma-mature na 'ko, naintindihan ko rin na hindi lang naman ako ang artista na kailangang bigyan ng magandang projects, na kailangan makakuha ng sunod-sunod. Hindi lang naman ako ang nagtatrabaho dito sa GMA. So, sa ngayon, naintindihan ko na rin talaga. At yung patience ko, mas humaba."

Paano niya ide-describe ang 2009 niya?

"Naku, very, very stressful year for me!" bulalas niya. "Pero parang ano, parang roller coaster. Minsan nasa taas ako, sobrang saya. Minsan naman, sobrang baba. And wala, e... Wala kang magagawa kasi ganun talaga ang nangyayari sa industry na ito. Kapag nasa taas ka, nasa taas. Kapag nasa baba, nasa baba. So, nasa sa 'yo na lang kung paano mao-overcome yun."

Ano naman ang ini-expect niya sa 2010?

"Actually, magandang pagtapos ng taon itong Sana Ngayong Pasko and I'll do a primetime show again for the first quarter of the year, for next year," sabi niya.

RHIAN RAMOS. Hindi naman maiwasang kumustahin pa rin kay JC de Vera ang dati niyang ka-loveteam na si Rhian Ramos. Hindi naman maikakaila ang sobrang sweetness nila noong magkasama pa sila sa Lalola. Pero parang nawala lang bigla lahat yun nang maipareha sila sa iba.

"Meron talaga kaming hiwalay na buhay," sabi ni JC. "Pagdating sa work kasi, very focused kaming dalawa. Nagkaroon siya ng ibang show, nagkaroon ako ng ibang show."

Pero during that time, they seem to be so in love with each other kaya hindi tuloy maiwasan na dahil lang ba may show sila together kaya sila nagkalapit?

"I'll admit, noong Lalola talaga, may gusto na nandun... Pero ako kasi, like right now, nilalagyan ko talaga ng wall ko. Minsan sa isang loveteam talaga, hindi mo mapigilan na magkagusto ka sa loveteam mo. Pero yun nga, since naggo-grow ako, naglalagay ako ng wall. Alam ko na may limitation."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito sa Sana Ngayong Pasko, si Ynna Asistio ang kapareha ni JC. Pero ayon sa young actor, alam na raw niya ang limitation niya na nagsimula noong sila ni Heart Evangelista ang magkatambal sa afternoon soap ng GMA-7 na Ngayon at Kailanman.

"Kay Heart, nag-start dun sa Ngayon at Kailanman. Kay Jewel [Mische] sa Dear Friend. Tapos ngayon naman, with Ynna," sabi ni JC.

Bakit naglagay na siya ng limitation after what happened to him and Rhian?

"Siguro it's a personal choice lang. After Lalola kasi, nagkaroon kami ng sariling show. So, para sa akin, kung magpu-push through ka dun sa gusto mong mangyari, siguro mag-e-end up lang din sa hindi maganda," paliwanag niya.

So, na-realize niyang mahirap ma-in love sa leading lady niya?

"Yeah, lalo na sa aming dalawa [ni Rhian] dahil hindi naman kami nai-stuck sa isang loveteam lang. Every show, different partner," ani JC.

Meron ba siyang nililigawang non-showbiz?

"Wala," sagot niya. "Meron akong nakikilala na mga non-showbiz ngayon, pero hindi talaga ako looking. Hindi ako naghahanap."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN