JC Tiuseco gets starstruck by Drama King Christopher de Leon

IMAGE 0


"Ang galing, e, starstruck ako. Ang galing kasi niyang umarte, e. Lalo na yung eksena na sinampal niya si Maxene [Magalona], tapos sa sasapakin niya ako, sobrang galing niya!" beams JC Tiuseco (in photo) about Sana Ngayong Pasko co-star Christopher de Leon.


Kahit kumportable na si JC Tiuseco sa drama roles, inamin ng kauna-unahang Pinoy Sole Survivor na kinabahan siya sa mga eksena nila ng Drama King na si Christopher de Leon sa ChristmaSerye ng GMA-7 na Sana Ngayong Pasko.

Bukod kay Boyet, kinabahan din si JC sa mga eksena nila ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces.

"Actually nagiging comfortable na ako sa drama, pero iba ito. Yung makasama sina Tita Susan, si Mr. Christopher de Leon... sobrang nakakakaba," pag-amin ni JC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Sana Ngayong Pasko noong December 1.

Hangang-hanga raw si JC sa Drama King.

"Ang galing, e, starstruck ako. Ang galing kasi niyang umarte, e. Lalo na yung eksena na sinampal niya si Maxene [Magalona], tapos sa sasapakin niya ako, sobrang galing niya!"

Natakot ba siya kay Boyet?

"Natakot ako, siyempre, kasi nga ang galing niya. Nakakadala, na parang totoo na, lalo na nung sinasakal niya ako... nakakakaba."

Ayon kay JC, take one lang ang nabanggit na eksena.

Ano naman ang memorable scene niya so far with Ms. Susan?

"Yung sinampal-sampal ni Max si Tita Susan, tapos inawat ko po siya. Maganda yung eksenang yun."

JC'S BODY. During the grand launch of Sana Ngayong Pasko, may drama presentation ang buong cast, isang madamdaming tagpo na halaw sa kuwento ng kanilang teleserye.

Isa sa dialogue ni JC, sa sobrang pagmamahal niya sa character ni Maxene ay gagawin daw niya ang lahat kahit na ibenta pa niya ang kanyang katawan. Ginagampanan ni JC ang role ni Bernie, ang boyfriend ni Maxene na nakabuntis dito.

Ano ang ibig sabihin ng dialogue niyang ito?

"Sa istorya malalaman ninyo kung bakit," nakangiti niyang sagot.

Magku-callboy o magma-macho dancer ba siya sa istorya?

"A, malalaman ninyo kung bakit!" natatawang pag-iwas ni JC. "Ano kasi yun... almost, pero hindi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gagawin ba ni JC sa tunay na buhay ang ibenta ang kanyang katawan para lang sa babaeng minamahal niya?

"Hindi, siguro marami namang paraang puwedeng gawin. Magtatrabaho ako nang marangal, nang malinis. Kasi marami namang puwedeng trabaho na marangal. 'Tsaka hindi ko gagawin yun. Kasi kung isisipin natin, kapag ginawa ko yun, hindi rin magugustuhan nung taong mahal mo kapag nalaman niya na ginawa mo yun. Kahit na sabihin pang ginawa mo yun para sa kanya, hindi pa rin siguro niya matatanggap yun kasi marami namang ibang trabaho at paraan," saad ng young actor.

Hindi naman kailangang gawin yun ni JC dahil bukod sa maykaya ang pamilya niya, tatlong milyon ang napanalunan niya last year as the first Pinoy Sole Survivor. Napag-alaman nga namin na ibinigay ni JC sa mommy niya ang prize money niya, pati ang bagong kotse na napanalunan niya last year.

MAXENE MAGALONA. Hindi naman kaila sa marami ang pagkaka-link ni JC sa kapareha niya sa Sana Ngayong Pasko na si Maxene. Ano kaya ang gagawin ni JC para kay Maxene para sagutin siya nito?

"Hindi naman po ako nanliligaw!" natatawa niyang sabi.

Bakit?

"Lumalabas naman po kami, marami kami, grupo."

Bakit hindi niya pa nililigawan si Maxene?

"Mas okay yung ganito, barkada lang kami. Mas masaya kami na ganito."

Pero inamin ni JC na espesyal sa kanya si Maxene.

"Kasi magkasama kami sa trabaho. Ilang beses na kaming nagkasama sa trabaho. Special naman po siya kasi siya yung nagtuturo sa akin ng mga bagay-bagay tungkol sa showbiz."

Pati sa mommy ni Maxene na si Pia Magalona ay okay si JC.

"Okay naman po, nakakausap ko naman po si Tita Pia, mabait po siya."

Ano ang gusto niya kay Maxene bilang kaibigan?

"Mabait, masayang kasama. Ayun nga, kapag lumalabas kami, kulitan. Tapos matulungin siya, lalo na nung may Ondoy. Grabe, siya pa yung nagsabi sa akin na, 'O, tumulong tayo sa mga nasalanta.' Mabait siya, sobrang bait. Okay po si Max, okay siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang hinahanap ni JC sa babae? Mas gusto ba niya ang mas bata o mas matanda o kaedad niya?

"Okay naman po. Wala namang problema sa age kung bata o matanda, okay lang. Wala naman akong problema dun. Ang importante sa akin, kung paano siya as a person. Pero sa ngayon po talaga, sa trabaho muna ako," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN