JC de Vera admits going out with former girlfriend Aifha Medina

IMAGE 0


"Mas masaya ako sa pagiging single and available. Ini-enjoy ko lang yung sarili ko na single ako," says JC de Vera.


May isang source ang nagsabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakita raw na nag-date si JC de Vera at dati nitong girlfriend na SexBomb member na si Aifha Medina sa isang restaurant sa Greenbelt kamakailan. Hindi naman ito itinanggi ni JC nang tanungin ng PEP tungkol dito sa presscon ng ChristmaSerye ng GMA-7 na Sana Ngayong Pasko last December 1.

"Well, kaming dalawa naman ni Aifha, hindi naman din siya naiba sa akin. Hanggang ngayon, good friends din naman kami. And yun, lumalabas-labas kami, pero wala wala namang serious na nangyayari. Parang ano lang talaga... lumalabas kami as friends.

"And yun kasing mga friends ko, friends niya rin. And yung mga friends niya, mga friends ko din. So, wala namang masama kung lumabas kami. Actually, ngayon lang din kami ulit nakapagkita dahil ngayon lang din ako nabakante," lahad ni JC.

Una raw ay silang dalawa lang ni Aifha ang nagtagpo sa restaurant, pero pagkatapos ay sumunod sa kanila ang mga kaibigan nila.

"Nagkataon lang siguro na kami lang ang nakita, pero marami kami nun. Hindi kami lumalabas ng kaming dalawa lang," paglilinaw ng young actor.

Bakit hanggang friends na lang sila ngayon? Loveless ba talaga siya?

"A, ngayon, hindi. Wala, wala akong ano ngayon... Mas masaya ako sa pagiging single and available. Ini-enjoy ko lang yung sarili ko na single ako," sabi niya.

YNNA ASISTIO. Balitang nililigawan ni Mark Herras ang leading lady ni JC sa Sana Ngayong Pasko na si Ynna Asistio. Hindi kaya siya pagselosan ni Mark?

"A, hindi, hindi!" mabilis na tanggi ni JC. "Si Ynna is a good friend of mine. Isa siya sa mga ka-close ko na babae sa showbiz. And since pareho kami ng manager [Annabelle Rama], kaya sobrang kumportable kami sa isa't isa. Walang isyu sa amin ni Mark kasi alam naman niya na pareho kami ng manager [ni Ynna]. So, alam mo yun, magkapatid kami ni Ynna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na rin naman daw kinailangang kausapin o magpaalam ni JC kay Mark.

"A, hindi, hindi... Understood na yun, na it's work. So siguro, para sa akin, pagiging professional lang yun. Kung sino man yung maka-partner ko, walang problema kahit na kanino."

YASMIEN KURDI. Kinumusta rin ng PEP kay JC si Yasmien Kurdi na dati niyang ka-loveteam. Napabalita kasi na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon.

"Si Yas? Hindi pa rin kami nagkikita, kahit text wala. Hindi pa kami nagkakausap simula nung time na natapos yung Babangon Ako't Dudurugin Kita," ani JC.

Hindi siya gumagawa ng move na maging close ulit sila ni Yasmien?

"Kasi actually pag merong mga GMA events, hindi talaga kami nag-aabot. Alam kong nandun siya, pero by the time na nalaman kong nandun siya, it's either nakaalis na ako or nakaalis na siya. So, hindi talaga nagtatagpo yung landas namin, e. Pero nagpapabigay ako ng regards sa kanya, halimbawa sa mga taga-GMA, mga taong nakakatrabaho namin before."

Ayaw niyang i-text si Yasmien?

"Ayoko. Gusto ko personal, e. Gusto ko personal kaming magkausap," sagot ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN