Bong Revilla says Grace Adriano gave written consent for son Gab to stay with Revillas

IMAGE 0


Rosanna Roces (inset) says 'there will be blood' if she doesn't have her grandson with her on Christmas, but the senator is firm that the boy will be spending the holidays with the Revillas.


Proud na proud si Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. sa Ang Panday na official entry ng Imus Productions sa 2009 Metro Manila Film Festival. Napaka-advanced na raw ng technology sa paggawa ng special effects sa pelikula at ito ay mapapanood sa Ang Panday.

"Marami tayong ipapakita na bago like yung nakita ninyo sa trailer, yung dragon, yung serpent, yung mga creatures na ginawan ng special effects.

"Siyempre, kasama natin dito si Phillip [Salvador ] as Lizardo, pinaka-main villain natin. Tapos si Iza Calzado. Nandiyan din si Rhian Ramos, si Geoff Eigenmann, si Buboy Villar at marami pa," pahayag ni Bong sa presscon na ipinatawag niya sa Obra ni Nanay gallery sa Sct. Reyes St., Quezon City.

Halos one year in the making din ang publicity para sa pelikula. Naglabas na sila ng teaser para dito noong 2008 MMFF pa lang. May concept na ba sila para sa susunod na entry nila sa 2010 MMFF naman?

"Merong pinaplano, Voltes V," pagkumpirma ni action star.

JOLO-LOVI VIOLENCE ISSUE. Doondin sa presscon pinabulaanan ni Bong Revilla ang balitang pananakit daw ni Jolo Revilla sa ex-girlfriend na si Lovi Poe.

"Walang katotohanan 'yan. Kawawa naman ang bata, iniintriga. Alam naman natin kung sino yung gumagawa nung ganung intriga sa kanya. Si Lovi mismo, e, sa kanya mismo nanggaling na hindi totoo yun.

"'Tsaka bawal yun. Ako mismo ang magpapakulong kay Jolo kapag ginawa niya yun," mariing sabi ni Sen. Bong.

"Papa, hindi ko gagawin yun," ang sagot daw sa kanya ni Jolo nang tanungin niya ito.

Isa raw sa mga dahilan ng breakup nila ay ang mga pasaring kay Lovi ni Rosanna Roces, ang ina ng dating girlfriend ni Jolo na si Grace Adriano. Pero "ayoko na lang mag-comment anything about Osang," sambit ni Bong.

Sinabi ni Osang sa huling interbyu niya na nagtataka siya kung bakit naging senador si Bong at kung bakit wala siyang ginawang batas para sa mga menor de edad na gaya nina Grace Adriano na anak ni Osang at mismong anak ni Bong na si Inah Revilla-del Rosario, na parehong maagang nabuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, paano, pipigilan mo ang tao? Kaparatan ng bawat tao 'yan," ang katuwiran ng senador. "Huwag na lang natin siyang patulan dahil... wala naman kaming dapat pag-awayan. Huwag na lang nating sagutin 'yan."

Sinabi rin ni Osang na handa siyang makipagpatayan sa mga Revillas para sa apong si Gab, pero isa-isa lang daw dahil kokonti lang ang pamilya niya samantalang napakarami naman ng sa actor-politician.

"Bayaan ninyo lang siya... Hindi kami matapang, mabait kami. Kami'y mapagmahal," pabirong sagot ni Senator Bong.

GRANDSON GAB IS HAPPY. Nagbanta si Osang na kapag hindi sa kanya magpapasko ang apo ay magsasampa siya ng kaso laban sa mga Revilla at "magkukulay-abo ang langit."

Very firm na sinagot ni Sen. Bong na sa kanila magpapasko ang bata.

"Hindi natin mapipigilan kung gagawin [ni Osang] yun," sabi ni Sen. Bong na napangiti sa sinabing magkukulay-abo ang langit. "Pero wala naman kaming dapat pagtalunan kung tutuusin. Sa bata na lang kami dapat mag-concentrate ng pagtulong."

Ang mahalaga, aniya, ay nakikita niya na masaya sa kanila ang apo. Tuwang-tuwa niyang ibinalita na Ingglisero na raw ito.

"Ang nagtuturo sa kanya, yung asawa ni Inah, si Vince [del Rosario]. Yun ang barkada niya at lagi niyang kasama kasi nagtatrabaho ang daddy niya. Ang grade niya puro A. Matalinong bata si Gab.

"Si Osang, ayoko na siyang patulan. Kung nasa amin si Gab, may written consent si Grace na binigay kay Jolo. Hindi ko alam kung aware siya doon. Pero kasi wala namang dapat pagtalunan. We are willing to share the kid. Basta walang problema kina Grace at Jolo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN