Angelika dela Cruz and hubby Orion Casareo share their love story on TV

IMAGE 0


Angelika explains why Orion is the man for her: "Yung buong pagkatao niya, yung buong siya, swak sa pagkatao ko. At saka, nege-gets niya ako. Naiintindihan niya ako, which is important. Kasi, medyo luka-luka..."


Last Friday, December 4, natuloy na ang kasal sa simbahan nina Angelika dela Cruz at Orion Casareo. Bago pa man sila nagkaroon ng anak na si Gabriel, kasal na ang dalawa sa isang civil ceremony noong Agosto 2008.

Exclusive na nakausap ng Startalk ang dalawa bago naganap ang church wedding nila sa Tagaytay.

Ayon kay Angelika, sa lahat daw na naging boyfriend niya, kay Orion lang bumoto ang magulang niya.

"I'll make sure that I can live up to their expectation," sabi ni Orion.

HOW IT ALL STARTED. Sa kanilang panayam sa Startalk ay masayang binalikan ng dalawa ang umpisa ng kanilang pag-iibigan na humantong sa pag-iisang dibdib sa simbahan.

Ang nagpakilala sa kanila ay isang common friend. "Si Abby del Mundo," banggit ni Angelika. "Siya ang nagpakilala, siya rin ang nagbi-bridge sa amin. Dinalaw niya ako sa taping ko."

Love at first sight daw yun para kay Orion, "kahit walang ka-glamour-glamour 'yan," sabi niya, nang una niyang masilayan nang personal si Angelika. "Kumakain ng galunggong. E, crush ko talaga siya."

Ang nagustuhan daw ni Orion kay Angelika ay ang kanyang "strong personality."

"Gusto ko yung babae na–," inuumpisahang ipaliwanag ni Orion nang sumabad Angelika, "–kaya ka?"

"Parang ganun na nga, ha ha ha!" tawa ni Orion. "Well, yung may sariling desisyon."

"Jibe kami, e," sabi ni Angelika. "Yung buong pagkatao niya, yung buong siya, swak sa pagkatao ko. At saka, nege-gets niya ako. Naiintindihan niya ako, which is important. Kasi, medyo luka-luka... so, kailangan...

"Hindi lang medyo...," si Orion naman ang sumingit.

"Sobra?" tanong ni Angelika.

"Matinding pag-intindi," ang sabi ni Orion.

"Matinding pag-intindi ang kailangan ko at naibibigay niya yun sa akin," sabi ni Angelika.

MEMORABLE DATE. December 4, 2005 nang sagutin niya si Orion. Itong taon, four years later, sa petsa ding ito, heto na nga, at nagpakasal na sila sa simbahan. Kaya napaka-espesyal para sa kanila ang ika-apat na araw ng Disyembre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan nila naisip na sila na nga?

"Four months pa lang," ang sagot ni Orion. Pero three months pa lang, "pina-tattoo mo na ang pangalan ko, ano ka ba? Ha ha ha!" dugtong ni Angelika.

"Three months pa lang kami, iniisip na naming magpakasal," sabi ni Orion.

At sa first year anniversary nila, nag-propose siya kay Angelika.

"Ayaw mo kasing pumayag na walang singsing, e," biniro niya si Angelika.

"Siyempre... Ano ka, salita lang? Siyempre, kailangan may pruweba, 'no!" sabi ni Angelika.

MEANT FOR EACH OTHER. Ayon sa kaibigan ni Orion, wala sa bokabularyo niya noon ang salitang kasal. Puwede raw itong maging bachelor forever.

"Ako rin, ayoko" pag-amin din ni Angelika, "...never ko po kasing naisip na magkakaasawa ako, magpapakasal. Until 'eto na..."

"Wala kaming inisip kung hindi magkasama kami araw-araw. Nawala kami sa mundo," sabi ni Orion.

"Umikot ang buhay namin sa isa't isa," pagsang-ayon ni Angelika. "So, effortless yung pagpapabago... It must be love."

Pinili raw talaga nila na ang date ng anniversary nila ang maging wedding date din nila.

"Yun talaga yung girlfriend-boyfriend kami," paliwanag ni Orion.

Ipinakita rin sa Startalk ang ilang video clips ng kanilang church wedding. Ang mga tumayong principal sponsors ay sina Mother Lily Monteverde, Sen. Ping Lacson, Ms. Lilybeth Rasonable, Rams David, Sen. Lito Lapid, Nadia Montenegro, Ms. Annette Gozon-Abrogar, Sen. Jinggoy Estrada at Lani Mercado.

Tumayo namang mga secondary sponsors sina Tanya Garcia, Mark Lapid, Jodi Sta. Maria-Lacson, Judy Ann Santos, at ang kapatid ni Angelika na si Mica dela Cruz. Ang kanilang anak na si Gabby ang siyang ring bearer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN