KC Concepcion says she's ready to leave showbiz any time

IMAGE 0


"Actually, alam ninyo, nung pag-uwi ko, nag-decide akong mag-artista, pasukin ito. But yung utak ko po, any time ready pa rin akong umalis. But habang may work at habang young ako, every project is a choice to stay," says KC Concepcion.


Apat na gabi na lang ay matutunghayan na ang ending ng kauna-unahang teleserye ni KC Concepcion sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Lovers in Paris. Ngayon pa lang, maraming fans ni KC at ng leading man niyang si Piolo Pascual ang looking forward sa susunod na proyektong pagtatambalan nila sa ABS-CBN at Star Cinema.

"Mami-miss ko si Vivian [karakter na ginagampanan niya sa Lovers in Paris] pagkatapos nito. Pero okey lang. Sana may kasunod," nakangiting bungad ni KC sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag pa niya, "Ako siguro yung pinaka-attached sa cast at sa project in the sense that this is my first soap and this is the first time Piolo and I have worked together. And it's really an honor especially because so many people want to work with him. Same goes with Zanjoe [Marudo] and Direk Erick [FM Reyes] because I know a lot of actresses really appreciate working with them."

Sobrang na-enjoy raw ni KC ang paggawa ng teleserye.

"Isa sa mga bagay na pinapangarap ko kaya gusto ko ring mag-teleserye was because nag-umpisa ako sa mga commercials, and then nagawa ko na rin yung theater at yung pelikula. So, para maging ganap na aktres, sabi ko, gusto kong i-try lahat ng iba't ibang medium ng pag-arte.

"Eto, nakagawa na ako ng teleserye kaya feeling ko, naiintindian ko na ngayon ang iba't ibang klaseng medium. So aside from that, siyempre, gusto ko naman na masasabi ko in the end na, 'A, 'yan, napagdaanan ko 'yan. Ang pagpupuyat mula umaga hanggang tanghali kinabukasan na hindi ka nakakapagpahinga, 'yan, napagdaanan ko 'yan. Yung hirap para lang masabi ko na alam ko yung pakiramdam, napagdanaan ko 'yan," aniya.

Sa farewell presscon ng Lovers in Paris, nabanggit ni Direk Erick ang tungkol sa mga kamay nila ni Piolo. Ano ba ang nangyari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, kasi yung death scene ko, meron po kasing... Nung death scene ni Vivian, marami kasing in-adlib si PJ [palayaw ni Piolo]. So, siguro yun lang po yun. Kasi parang namatayan ka ng mahal sa buhay. Pero maganda po yung pagkakagawa ng eksena," lahad ng young actress.

After Lovers in Paris, pinag-uusapan na ang possible next project nina KC at Piolo.

"I'd love to work with PJ. I mean, sino po naman ang hindi kukunin ang opportunity na makasama si Piolo? There are things that Star Cinema has promised na mangyayari for next year, so hopefully that all pushes through. Sana lang magkatugma yung schedule at iba't ibang plano ng taong nakapaligid sa amin. Yun po siguro yung challenge dun."

NON-SHOWBIZ THINKING. Nai-imagine ba niya ang sarili niya na tulad ng kanyang ina na si Sharon Cuneta ay tatagal din siya sa showbiz ng ilang dekada?

"Actually, alam ninyo, nung pag-uwi ko, nag-decide akong mag-artista, pasukin ito. But yung utak ko po, any time ready pa rin akong umalis. But habang may work at habang young ako, every project is a choice to stay.

"Sa totoo lang, non-showbiz po ako kung mag-isip talaga, although mahal ko ang trabaho ko. But in real life, sobrang wala sa showbiz yung utak ko, like yung pag-iisip, yung politika.

"So, I 'm here to work, to enjoy yung mga people na nakikilala ko. And I'm thankful na may work talaga and again, hindi pa rin talaga ako based dito. But I'm here habang may work."

If ever, saang bansa ang susunod na gusto niyang puntahan para magtrabaho?

"Wow, I mean, ito ang work na pinili ko. Enjoy ako sa teleserye. Pero I mean, siguro yung ano lang, naging second home ko [ang Paris], ang hirap iwanan lang. Ang tahimik kasi.

"Actually, I love Italy. I've learned Italian. Malapit kasi siya sa French, so I can speak a little bit of Italian. And ano, New York. But when I came home [from Paris] wanting to get more experience sa TV work at sa pelikula. And doing Lovers in Paris convinced me na huwag na munang bumalik sa Europe at manatili muna dito habang may maganda akong projects sa ABS-CBN. And for that, I thank ABS-CBN for taking good care of me kahit hindi ako Star Magic artist," pahayag ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas type ba niya ang karelasyon na foreigner kesa sa Pinoy?

"Puwede... yung may halo, puwede rin. Mahilig ako sa ano... yung may hilig din sa ibang bansa para maiba naman. "

Mas careful na ba siya ngayon pagdating sa pag-ibig?

"Oo naman," sagot ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN