Sunshine Dizon apologizes to GMA-7 execs and Tinik co-workers for suddenly quitting the series

IMAGE 0


"There are things in your life talaga na hindi mo maiiwasan. Na kahit hindi mo gustong mangyari, wala ka nang magagawa. It happens, di ba? It happens to the best of us," said the young actress, who is slowly working her way back into showbiz.


Maayos na muli ang sitwasyon sa pagitan ni Sunshine Dizon at ng GMA-7. Nagsimula ang gusot sa biglaang pagkawala ni Sunshine sa Sine Novela Presents Tinik sa Dibdib at kinailangang palitan siya ni Nadine Samonte.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine noong December 10 sa victory party sabay Christmas party na idinaos para sa kanya ni Dr. Manny Calayan para sa pagkapanalo nito sa 23rd Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Tinaguriang Best Single Performance by an Actress ang pagganap ni Sunshine sa "Butch" episode ng Obra.

Kuwento ni Sunshine, "Kanina, we had this parang... hindi naman actually dinner, parang meron silang mini-show sa GMA kaya nagpunta ako."

Wala naman daw naging pormal na pag-uusap na naganap tungkol sa kanyang status bilang contract star ng Kapuso network.

"Wala naman pong ganung pag-uusap pa. Basta I was invited for dinner at the Gozon's house and wala naman, just a casual dinner. Wala naman talagang pinag-usapan... but they're really happy to see me and they're glad that I'm back.

"Walang naging problema with anybody, wala. They're very warm naman, kasi sila rin naman ang nagsabi talaga, sina Mr. [Felipe] Gozon [GMA CEO] naman ang nagbigay talaga ng ano na, 'Let her rest.' Parang ganun."

NADINE IS GOOD REPLACEMENT. Health reasons daw talaga ang dahilan ng pag-alis niya sa Tinik Sa Dibdib.

"At that time kasi, I just really got tired. I was overfatigued, yun lang." Pero "I've rested. I'm very much okay."

Willing na ba siyang magtrabaho ulit araw-araw?

"Well, prerogative mo naman yun, and nasa pag-uusap naman ninyo 'yan. Kasi ang project basis naman is they give you a different contract per project, so depende na yun sa pag-uusap, kung what's agreed upon."

Inamin ni Sunshine na nanghinayang siya sa pagkawala niya sa Tinik sa Dibdib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa isang banda, oo, kasi lahat naman ng nawawala sa 'yo, panghihinayangan mo talaga. Pero siguro, there are things in your life talaga na hindi mo maiiwasan. Na kahit hindi mo gustong mangyari, wala ka nang magagawa. It happens, di ba? It happens to the best of us... Take it as a lesson whatever that is, whatever lesson it might serve you."

Sa tingin niya, si Nadine na naging kapalit niya "is doing a very good job. I hope people will appreciate her work or whoever is my replacement. I know kung sino man ang inilagay nila doon will do a good job because it's a good project. The story is very good, so you have to give your best."

NOT DEPRESSED ABOUT LOVE. Itinanggi rin ni Sunshine na depression sa pag-ibig ang dahilan ng pag-alis niya pansamantala sa showbiz.

"Wala naman po, e, di sana masaya ako ngayon!" natatawa nitong sinabi. "Wala akong lovelife. It's not something that I focus on naman."

May lumabas kasing balita na kaya madalas si Sunshine sa Pampanga ay dahil tagaroon ang boyfriend niya.

"All my friends are from Pampanga, sa San Fernando, lahat ng barkada ko po. Sila yung pinupuntahan ko dun. Wala po akong boyfriend doon, all of them are my good friends."

May lumabas ding mga balita na naglalasing daw siya, at na-overdose na sa drugs at nabuntis pa. Ano ang reaksiyon niya sa mga ito?

"I don't see anything wrong if I go out with my friends once in a while and have a few drinks. Pero never naman akong naglasing at nagwala, hindi po totoo yun.

"Yun naman pong buntis daw ako, paano ako maglalasing at magda-drugs kung buntis ako, di ba? Nakakatawa ang mga balita, hindi consistent."

NOT TOUCHED BY ISSUES. Hindi na lang niya pinapansin ang mga ganyang tsismis sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala! Wala, e, kasi naman hindi tumitigil. Kapag totally tumigil, baka ma-shock pa ako!"

Ayon kay Sunshine, pinalakas pa nga siya ng mga intriga. "Dapat lang magpakatibay ka lalo."

Nilinaw naman ng aktres ang balitang si Dr. Manny Calayan na ang manager niya.

"The Calayans, yes, they're helping me out, sina Ninong [Dr. Calayan], si Lalen Calayan [pamangkin ni Doc Manny], and si Jeff Tan. But it's a matter of them being sincerely good friends of mine. I really need someone kasi to fix my schedules and do the other paperwork and the dirty work of the business because hindi ko na kayang gawin lahat yun all by myself anymore."

CAREER DECISIONS. Dati kasi ay sila lang ng ina ni Sunshine na si Dorothy Laforteza ang nagpapatakbo ng career niya.

"I think it's about time somebody handles na those things for my mom because my mom is not getting any younger.

"Matagal na naman po akong Calayan, by the way. As endorser, matagal na po and I've decided lang na sige, ibigay ko na sa kanila yung ganun para may mag-aasikaso naman ng mga bagay-bagay tungkol sa career ko.

"Lalen is very business-minded, and also Jeff. I'd rather deal with businesspeople than people from the business na mahirap kausapin, kasi I cannot deal with people na magulong kausap or whatever. At least they're very knowledgeable naman of the ins and outs of the business."

Si Jack Tan ay asawa ng namayapang si Bella Tan ng Philippine music industry, at anak nila si Jeff Tan, na siya namang namamahala ng Bellhaus Entertainment.

Isa pang development ay ang pagkuha ng Bellhaus kay Sunshine bilang recording artist.

"I want to try that field din, siguro by next year... We'll see, we'll see. Let's play it by ear."

WITHOUT REGRETS. Matapos ang aming interview, sa kalagitnaan ng selebrasyon, ay nahilingan si Sunshine na magbigay ng pahayag, at ito ang nilalaman ng kanyang mahabang mensahe:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I've come to a realization, with what happened to me in the past few months, much has been said but there are also some parts of my story na I think na-omit and I think it's about time to say my piece.

"I try to live my life without regrets. I try to live it as it is, day by day. I also try to just move on.

"I think it's about time, knowing myself, I think it's about time that I [also give] an apology to people I know that in some way or another, that I've hurt because of what happened to me in Tinik Sa Dibdib.

APOLOGIES TO ALL. "I want to apologize first and foremost to GMA-7. No matter kasi what I say, na nagkasakit ako and no matter what I say na hindi ko gusto yun, we all have to admit that it's a fact na may mga nasaktan.

"I want to apologize to GMA, to Mr. Gozon, to Ms. Lilybeth Rasonable, the VP of Drama, to my co-workers, to Marvin [Agustin], because you know, it's the second time that I left him, e. Hindi ko sinasadya pero nagkataon, di ba? So, I want to apologize for that to Marvin, to my directors, to everyone from Tinik Sa Dibdib. It's very unfortunate that I left na ganun ang nangyari sa show, but I have to move on from that.

"Also to my co-stars, the people from the production, our production manager, Ms. Cheryl Ching-Sy, and to Tita Wilma [Galvante].

"But the good thing about whatever it is that happened, I am very, very blessed because they opened their arms and I'm still very much welcome in GMA.

"And number two, I want to thank the PMPC members for giving me such a wonderful gift this year because it made me realize that I still have a lot to offer in this industry. That I know I am good, I am a good person and my hard work is being recognized especially by all of you. Thank you, thank you very much from the bottom of my heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sometimes... Yes, I am still human. I get frustrated sometimes, I also think na baka this is not anymore for me, you know, na tama na, tama na. But you know, whenever I get an award, when I am being recognized for my work, it makes me go on and it makes me passionate again. Na marami pa akong puwedeng gawin at marami pa akong puwedeng i-offer."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN